Chapter 29

1.8K 86 3.6K
                                    

Katulad ng mga nakaraang araw, maagang gumising si Vanessa para magluto ng breakfast ni Angelo. Gumising ng maaga, maglinis ng bahay at pagsilbihan ito. 'Yon na ang naging daily routine niya buhat ng maging katulong siya ng sarili niyang asawa.

Nakakatawa mang isipin pero 'yon ang estado ng kung anong mayroon sila ngayon ni Angelo. Asawa noon, naging kasambahay ngayon. Napapangiti na lang siya kapag pumapasok sa isipan niya ang bagay na iyon.

Tulog pa si Michael Angelo sa crib na nasa loob ng kanyang inuukupang guest room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa araw-araw na ginagawa ni Angelo para sa kanya at para sa kanilang anak kahit na wala pa itong kaalam-alam sa totoong katauhan nilang mag-ina.

Halos lahat ng pangangailangan niya lalo na ni Michael Angelo ay ibinibigay ni Angelo. At halos araw-araw sa tuwing umuuwi ito sa bahay galing trabaho ay may dala itong pasalubong sa bata. Mga laruan, damit at mga kung ano-ano pang gamit para sa bata.

Kahit 'yong mga gamit na hindi pa angkop sa edad ni Michael Angelo ay binili na rin ni Angelo. Katulad na lang ng walker, baby bicycle, basketball at marami pang iba. Mas excited pa yata ito sa paglaki ng bata kaysa sa kanya. Kahit na hind pa nito alam na si Michael Angelo ay anak nito pero hindi na nalalayo sa isang mabuting ama ang turing ni Angelo sa bata.

Weekend ngayon at tuwing weekend ay hindi pumapasok si Angelo sa trabaho. Lumabas siya sa kwarto at nagtungo sa kusina para simulan ang pagluluto. Nasa first floor ang guest room na inuukupa niya at nasa second floor naman ang kwarto ni Angelo. Hindi pa siya nakakapasok sa kwarto nito buhat noong nagsimula siya bilang katulong nito.

Nililinis niya ang ibang kwarto sa taas pero hindi niya tinatangkang pasukin ang kwarto ni Angelo kahit na hindi naman nito sinasabing bawal siyang pumasok doon. Hindi rin naman nito sinasabing linisan niya ang kwarto kaya hindi rin siya naglalakas-loob na pasukin 'yon. Baka magalit pa si Angelo sa kanya na maging dahilan pa ng pagkasira ng tiwala na mayroon ito ngayon sa kanya.

Abala siya sa pagluluto nang maramdaman niya ang presensya ni Angelo sa loob ng kusina. Hindi niya ito nilingon o sinulyapan at napigilan niya ang kanyang paghinga nang maramdaman niya ito sa likod niya.

Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito kahit na hindi magkalapat ang katawan nila. May distansya sa pagitan nila pero ramdam niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa batok niya.

"Good morning.." anas ni Angelo buhat sa likod niya dahilan nang pagtayo ng balahibo niya sa katawan.

Mapang-akit ang tono ng boses nito na tila inaakit siya ni Angelo. At iyon ang napapansin niya sa bawat galaw nito sa mga nakalipas na araw. He's flirting with her.

Ramdam niya 'yon at hindi lang niya basta binibigyan ng ibang kahulugan ang mga kilos nito. Hindi siya maaaring magkamali. Dahil ganitong-ganito si Angelo sa kanya kapag inaakit at nilalandi siya nito noon. Kilalang-kilala na niya ang bawat kilos nito lalo na ang tungkol sa kapilyuhan nitong taglay.

"G-Good morning.." nauutal na ganting bati niya dito.

Bahagya siyang dumistansya kay Angelo pero hindi niya ipinahalata ang epekto nito sa kanya. Nagkunwari siyang abala sa ginagawa kahit na ang atensyon niya ay nakatuon kay Angelo.

"Alam mo bang nakikita ko ang asawa ko sa katauhan mo, Joy? Sa tuwing nakikita kita, hindi ko maiwasang isipin na ikaw ang asawa ko," muling wika nito at nakagat niya ang sariling labi nang sakupin nito ang distansya sa pagitan nila at sa pagkakataong 'yon ay nagdikit ang kanilang katawan.

"At alam mo rin ba na nagkakasala ka sa iyong asawa dahil sa mga iniisip at ginagawa mo?" wika niya at parang napaso itong mabilis na humiwalay sa kanya.

Lovin' My Enemy's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon