CHAPTER 00

207 8 13
                                        

11:11

An angel's number, they say. 

Ang paghiling kapag ang oras ay 11:11 na ay ang siyang aking nakasanayan mula pa pagkabata. Itinuro pa ito sa akin ng aking tiya.

Lahat daw kasi ng hiling niya ay natupad. Kaya naniwala naman ako. Uto-uto ganon. Pero seryoso dahil lahat din ng hiling ko ay natupad.

"Dia!!" napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin.

"Oh? Ellaine?" tawag ko sa kaniya habang lumalapit.

"Hay nako! Dianne Ferrer! Nababad trip na ako sa prof ko!" rant niya.

Inilapag ko muna ang aking cellphone sa lamesa at hinarap siya. Inis niyang binagsak ang kaniyang libro sa harap ko.

"Pa-explain nga. Sabi niya gagawa daw kami ng short story para daw pampakalma." itinuro niya pa ang direction.

"Patingin nung gawa mo," kalmadong wika ko.

Iniabot niya sa akin ang kaniyang iPad. Nagulat ako nang mabasa ang title nito.

'Rest and Peace'

"Gaga," mahinang mura ko sa kaniya. Kalaunan ay humagalpak na ako ng tawa.

"Bakit?!" inis nitong tanong.

"Eh kakalma ba yung pasyente mo dito? Baka mas lalong magwala." deretsong wika ko.

Umirap siya sa akin at inagaw ang iPad niya. "Wala akong ideya!!! Woooh please.Help me, Ms. Ferrer!!" pa-cute pang sabi nito.

"Ms. Ellaine Juarez...tutulungan kita. Sa isang kondisyon,"

"Gagawin ko lahat. Ako maglalaba ng jacket mo for 1 week. Ako ang magluluto at maglilinis ng flat natin." dere-deretsong wika niya na siyang ikinatawa ko. "Hoy seryoso ak---omg."

Bigla siyang napatigil kaya tumigil din ako. Tinaasan ko siya ng kilay dahil pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa side ko.

"Bakit?" tanong ko at akmang titingib din doon nang bigla siyang tumayo.

"Kunin mo mga gamit mo. Bilissss!" natatarantang wika nito.

Wala akong nagawa kundi gawin din iyon. Nang makuha ko na ang mga gamit ko ay hinila niya ako papalabas ng cafeteria nitong university.

Ano bang nangyari dito? Nakita na naman ba niya yung ex niya? Tanong ko sa aking isipan.

"Kukuwento ko sayo sa flat." ngisi niya.

"Magluto ka." wika ko naman.

Dahil malapit lang naman sa SMU ang flat na tinutuluyan namin ay naglakad na lang kami. Malamig dahil pagabi na. Dito nga pala kami sa Baguio City nagaaral.

Actually, apat kaming narito. Si Ellaine or El, si Steffi, Rachel, ako at yung iisang lalaki na si Von. Sa iisang flat or apartment lang kami nakatira, share sa bayad. Sumasideline kami sa isang coffee shop dito tuwing sabado at linggo.

Pagkarating namin sa flat ay nagtatalon talon agad si Ella. Tili dito at tili doon buti na lang at wala yung tatlo.

"Ano?" tanong ko sa kaniya.

"Kilala mo ba si Nathan?!!! Yung taga-COE?! SENIOR NATIN. NAHULI KO SIYANG NAKATITIG SAYO HABANG TUMATAWA KA OMG. HEARTTHROB DIN YUN SA CAMPUS!" sigaw niya.

Nathan Mateo Espejo ? Yung tinatawag nilang Nate? Eh?

"Ano naman?" tanong ko.

"Ganito. Sa nabasa kong novel. Yung lalaki tinitigan niya yung girl habang tumatawa tapos ano. Tapossssssshshshshs." tinakpan ko ng tinapay yung bunganga niya.

"Kaka-wattpad mo yan." wika ko. "Sobrang popular nun di niya ako mapapansin at isa pa mataas standards non. And diko siya type noh! Dun ako sa bestfriend niyang si Kenneth!"patuloy ko.

"Yon?! Gwapo din naman yun. Kaso friendly daw! Pero pinapansin ka nun di ba?!" ang lakas ng boses nito.

"Sorry ka. Destined kami!"

Iniwan ko siya doon sa salas at dumeretso sa kwarto ko na nasa itaas. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Ibinubugaw niya kasi ako sa kung sino sino.

"When kaya?" tanong ko sa sarili ko.

Tinanggal ko yung uniform ko at inilagay sa labahan. May recit kami bukas kaya kailangang magreview ako ng maaga.

I'm Dianne Eliza Ferrer. 21 years old. 4th year BA Political Science student dito sa Saint Mary University.

Si Ellaine Faye Juarez. 20 years old. 4th year din BS Psychology. Si Steffi, 20 din BS in MedTech parehas sila ni Von. Si Rachel, 22 years old. 4th year niya sa BSEd. Yung iba naming barkada nasa ibang lugar nag-aaral

Pagkatapos kong maghalf bath ay bumaba na ako para magluto. Saktong pagbaba ko ay dumating si Steffi at Von. Si Von nagmamadaling pumasok sa room niyang nasa 1st floor lang. Si Steffi ay dumeretso sa sofa.

"Kapagod!" she sighed. "Buti tapos ko na yung presentation ko. Konting push na lang med school na." nakangiting wika niya.

"Sana all! Ako kase bukas na yung presentation." sigaw naman ni Von na nasa kwarto.

"Oo nga noh? Last sem na natin." singit ko naman.

"Parang kailan lang naninibago tayo sa community dito." natatawang wika ni Steffi.

Nagtatawanan kaming tatlo nang biglang pumasok si Rachel. May ilang bitbit itong groceries. Sinalubong ko siya at tinulungang dalhin ang mga ito sa kusina.

"Ano yan?" tanong ni Steffi na nakasunod sa amin.

"Pagkain. Magluluto sana ako kaso may lesson plans pa akong kailangang gawin. Sorry babies!" malungkot na wika niya.

"Okay lang kami na lang ni Stef dito." ngiti ko sa kaniya.

"As if naman gusto kong kainin yung luto mo," pabirong sabi ni Steffi kaya binatukan ko siya.

Tumatawang umalis sa harap namin si Rachel. Itong dalawang to talaga. Sila yung palaging nagbabangayan.

"Adobo na lang mas madali." suhestyon ko na siyang inayunan naman ni Steffi.

Nagsimula kaming magluto para maaga kaming magdinner. Pero habang nagluluto ako ay biglang tumunog yung cellphone ko. Iniwan ko muna si Steffi sa kusina at nagtungo sa salas.

'kensanchez followed you'

"Omg," hindi makapaniwalang wika ko.

"Bakit?" tanong nila at nagsilapitan sa akin.

Ipinakita ko yung cellphone ko sa kanila. Nabalot ng hiyaw ang buong apartment namin. I cannot!

"Sana all!!!!" sigaw ni Ella.

Masaya kaming naghapunan at nagkuwentuhan tungkol sa ilang bagay na gusto naming gawin after ng graduation.

My 11:11 wish last night just came true.

A wish: 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon