CHAPTER 03

56 7 6
                                    


11:11 Happiness

I always wish happiness for the people around me. Pero paano ako? Do they also do the same thing for me?

7:30 a.m| Baguio City

"El! Gising na!" 

Niyugyog ko ang balikat nito pero parang wala lang sa kaniya. Lintik na babae, oo. 

Sabado naman ngayon pero kailangan niyang bumangon dahil may ipapasa siya sa university. Ilang ulit ko pa itong ginising pero wala talaga.

Kung pwede lang buhusan ng malamig na tubig ito ay ginawa ko na sana.

"ELLAINE! GUMISING KA NANDIYANG SI KYRO!!" 

Nagulat na lang ako nang bigla itong nagmadaking bumangon at pumasok sa banyo.

Lumabas ako sa silid nito at nagtungo na lamang sa baba.

Naabutan ko silang nagkakape habang si Steff ay busy sa kaniyang laptop. She's signing for a petition. 

"Nasaan siya?!" 

Naibuga ni Rachel ang kaniyang iniinom na kape dahil sa gulat. I let out a loud laugh while pointing at El. Nakaligo na ito at kumpleto ang ayos. Bilis ah?

"Landi mo! Magbihis ka na baka hindi na tanggapin ni Prof. Lim yung report mo!"natatawang sigaw ko.

Parang nagulat ito sa narinig at tumakbo papabalik sa taas. Pagka-baba niya'y hawak na nito ang kaniyang laptop at bag.

Inagaw niya ang kinakain kong sabnwich bago tumakbo papalabas. Wala akong nagawa kundi gumawa ulit ng bago.

I've already resigned on my part time job dahil mag-aaply ako bilang paralegal sa isang law firm dito. Isang taon lang. I have my plans, I will work during my first year at the law school then resign afterwards. 

I want to become an international lawyer. I actually applied to an overseas law school but until now I haven't receive any reply yet.

"Dia," napatingin ako kay Rachel.

"Yes?"

"Punta tayong SM. May kailangan akong bilhin eh." aniya.

Tumango ako sa kaniya. Ganito ang buhay namin. We can lean on each other's shoulders. 
Magkaka-klase kami since highschool, 2nd year to be exact.

We studied at different schools during our senior high but planned to be in one university during college. 

But some of our friends decided to get their degrees in other universities. Pero sa kabila nito ay hindi nawala ang connections namin sa isa't  isa. We always do a video call when there's a time.

"Sasama na lang kami. Wala naman na akong gagawin." wika ni Steff.

"Paano si El?" tanong naman ni Rachel.

"I'll give her a call na lang." sagot ko sa kaniya.

Umalis ako sa hapag at dumeretso na sa banyo upang maligo. I just wore my basic outfit, white v neck shirt, pants, sneakers, scarf and my trench coat. 

Tinawagan ko si El pero hindi ito sumasagot. Tinext ko na lang siya kase hindi naman siya ginto para pag-ubusan ng load.

"Tara na!!" rinig kong sigaw ni Rachel sa baba.

"Eto na!" sigaw ko habang nagmamadaling bumaba sa hagdan.

Sinigurado muna namin nakasara lahat ng bintana at pinto bago kami tuluyang umalis. I saw Nathan and Ken jogging around the subdivision. 

"Dito na sila nakatira?" tanong ko kay Von.

"Ay dika updated mare? Isang linggo na sila dito. Bale si Nathan yung bumili talaga ng flat niya dito tas nakisampid lang yang crush mo." sagot niya.

"Source ka talaga." 

Nagtama ang paningin namin ni Ken kaya I waved at him. He also did the same bago sila tuluyang pumasok sa isang pink na gate. 

"Gaga!" halos madapa ako sa lakas ng hampas sa akin ni Steff.

"Ano?" tanong ko.

"Hindi ka talaga updated!! May jowa na yang crush mo sis! Jusko. Taga-UB." 

Parang tinusok ng karayom yung puso ko. I remembered the day na nilibre ko siya ng starbs. I gave him a gifts during holidays. Tapos may jowa na pala?

"E-eh ano naman? Madami pa naman diyan no!"  I answered.

"Oo nga. Tas di ka naman na siguro magkakajowa dahil busy ka na non." 

Pinanlisikan ko ng mata si Sam dahil sa sinabi nito. Pero okay lang, iwas gastusin. 

Nakarating kami sa terminal ng jeep kung saan kami sasakay papunta sa SM. Baguio City will never fail to amaze me. 

30 minutes lang ang byahe hanggang SM kaya doon na kami naglunch. Saktong tapos na kami kumain nang dumating si El. 

I bought some clothes dahil isang taon na akong hindi nakakabili ng bago kong damit. Nalibot na yata namin lahat ng stores dito dahil magdi-dilim na nung makalabas kami.

"Sa bahay nalang tayo o diyan sa resto?" tanong ni Sam.

"Libre mo diyan sa resto. Tutal di kami naka-attend sa graduation party mo last month." wika ni Steff.

Wala nang nagawa si Sam kaya napilitan siyang ilibre kami. We just ordered 3 course meals for our dinner.

"Nga pala, Dia. Nag-apply ka sa isang international law school sa UK diba?" tanong ni Steff sa akin.

"Yes, but i haven't received any emails yet. This month yata yung results." sagot ko sa kaniya.

"Paano kung hindi ka makapasa?" tanong ni El.

"Nakapasa naman ako sa SMU-Law." 

Tumango sila sa sagot ko. "Pero kapag nakapasa ako doon. December pa naman alis ko sa bansa just incase. I still have 4 months here." dagdag ko.

"Don't worry hindi namin ibebenta yung flat natin para may bahay bakasyunan tayo dito." masayang wika ni Rachel.

Natawa kaming lahat sa sinabi niya. Siya yung pinakalutang sa aming magkakaibigan. 

"Gaga. Paano mo ibebenta yun eh inuupahan lang natin." natatawang sabi ni Von sa kaniya.

Napatigil lang kami sa pagtawa nang dumating na yung orders namin. Kumain kami ng masaya habang nagkukuwentuhan. If ever na matanggap ako sa Europe, mamimiss ko ito.

"Sure ka ba?" tanong sa akin ni Zy.

"Oo. Mauuna na kayo. May bibilhin lang ako diyan sa session road." sagot ko sa kaniya.

Hinintay kong makaalis yung taxi na sinakyan nila bago ako nagsimulang maglakad. Gusto ko lang talaga maglakad lakad dito sa session road.

I want to have a me time. After the news I heard about my stupid crush. Parang gusto kong manaksak at maningil. Charot.Magmumuni-muni lang ako.

Nilibot ko ang buong night market pero isang keychain lang ang binili ko. I stopped when I saw Nathan looking at me from a distance. I gave him a smile and a wave.

Ngumiti din ito sa akin. Sa hindi mawaring dahilan, nararamdaman ko ang sobrang bilis na tibok ng puso ko. 

Mabilis akong tumalikod at naglakad papalayo. Pagkatingin ko sa aking relo ay 11:11 p.m na pala. I stopped and closed my eyes for a while. 

"11:11, I am wishing for my own happiness."

A wish: 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon