11:11 Enjoyment
Enjoy your life. Don't let your self be burden by problems. Go out and have fun.
"Ay ano ba naman yan Ellaine! Yung meat ilagay mo sa cooler. Hindi sa tupperware lang." nakapameywang na wika ni Rachel.
Kanina pa niya kami sinesermonan. Maingat kong pinunasan ang natapon na tubig dahil ang kalat.
"We are here!! Complete yan."inilapag nina Von at Seffi ang mga pinamili nilang grocery.
Inayos namin yung mga baon namin para bukas. Actually mamayang 4:00 a.m. kami luluwas.
"Yung beef tapa na pinabili ko?" tanong ko kay Steffi.
Yun yung iluluto kong baon namin. Mas makakatipid pa kami.
"Teka?Si Kyro wala pa? Tinext ko sa kaniya kanina kase nakalimutan namin. Hoy El! Pakisabi sa jowa mo pakibilisan."sigaw ni Steffi.
"Andito na. Dinaanan ko lang yung binili kong boneless na bangus." nagmamadaling pumaaok si Kyro sa loob.
We decided to have picnic by the beach kaya marami kaming hinahanda. May bagong open na resort sa Pagudpud na pwedeng mag-picnic doon.
Habang abala kaming nagpa-pack ng mga gamit. May narinig kaming kumosyon sa labas.
Minabuti kong tumayo at tignan ang nangyayari doon. Napaawang ang mga labi ko sa nadatnan.
Nathan and Sam are having some discussion about something. May kung anong ginuguhit ang dalawa at....yung tent na pinapaayos namin mine-measure nila.
"Dude, look sobrang walang kwenta. Hindi nila mineasure."turo ni Sam.
"Yes. This should be 2 cm longer than the other feet."
"And this. I think kailangan pang i-adjust." ani ni Sam sa gilid ng tent.
"Oo nga. Looks like the creator of this tent really didn't measure the sides. This should be atleast 45 degrees." wika ni Nathan.
Napasapo ako sa noo ko habang pinapanood nila. Really?!
"Matagal pa ba yang ten--what the? Inaano nila?!" sigaw ni Steffi.
"Engineering things. Tara na nga." hinila ko siya at pinabayaan ang ginagawa ng dalawa.
Pinagpatuloy na lang namin yung mga hindi pa tapos gawin. Inabot kami ng 3 hours sa paghahanda.
Dumeretso ako sa kwarto ko upang humiga na lang. I want to bake kaso walang oven dito.
Nagulat ako nang pumasok si Nathan sa kwarto at dumeretso sa aking tabi. Niyakap niya ako at sinubsob ang mukha sa aking leeg.
"Gusto kong magbake." wika ko dito.
"Then go," bulong niya.
"Wala akong oven." matamlay kong wika.
He sat down so I looked at him. He looks tired.
"Wait me here." aniya at lumabas sa kwarto.
Sinundan ko siya papababa. Saan naman punta non?
After a few minutes ay bumalik ito. Nanlaki ang mata ko nang may dala na siyang oven. Mukhang bago pa.
"Hindi ko naman ginagamit yan. Go and bake me some cookies." nakangiting sabi niya.
"Seryoso?!" masayang tanong ko at binuksan ang box.
"I will do everything just to make you happy," he hugged me from the back.
I faced him and kissed him on his cheeks. He's the best guy.
"Ano ba yan! Gusto ko lang naman kumuha ng tubig. Kaso wag na lang pala." pagpaparinig ni Steffi.
BINABASA MO ANG
A wish: 11:11
ChickLit11:11 is an angel's number. They say you should wish something when the clock strikes at exactly 11:11 in the evening.