*CHAPTER 11*
Kinabukasan sinamahan ako ni Calvin sa isang race track. Ano ba ginagawa namin dito. Pagbaba ko ng sasakyan ko ay nakita ko si Calvin na kakababa lang din ng sasakyan kasama si Theo. Wow naka lambo?. Sila ba nung Theo? Sabi ni Rei sakin sila daw. Muka naman lalaking lalaki si Theo habang si Calvin naman lalaki lang pumorma pero juding pala. Nasabi niya sakin kahapon na ayaw niya ipaalam sa magulang niya na bading siya kaya ganyan.
"Bakit tayo nandito?" Bulong ko kay Calvin habang naghahanap kami ng magandang spot sa bleacher. Napatingin ako sa isang banda may mga babaeng nanonood at nag chicheer.
Go Ash!! Go baby!
Kevin!! Kelvin!! Ang gwapo niyo!!
We love you Ash!! Ahhh!!
"Nandito kasi si Ash at yung kambal. Past time nila yung pag kakarera both legal and illegal." Sagot naman ni Calvin. Napatango tango na lang ako.
"Nasabi sakin ni Calvin yung tungkol sa memory lost mo. Now i understand why you left us here." Sabi naman ni Theo sabay abot ng Softdrinks sakin. He doesnt look mad tulad nung sa airport.
"Salamat at naintindihan mo ko. Sorry sa mga nangyari this past fee years." Ngumiti naman si Theo at Calvin sakin. They seem to understand my situation at medyo nakahinga naman ako ng maluwag.
Pinanuod lang namin ang tatlong Audi R8 na naguunahan sa race track. Nakailang laps din bago natapos. Napakagaling, mukang matagal na silang kumakarera. Mukang pro' na sila sa racing. Maya maya pa ay biglang sumakit ang ulo ko. Napahilot ako sa sentido ko at napapikit. Whats going on...then biglang may pumasok sa isip ko.
"I have to go to LA.....
"Goodluck ingat ka....
"3weeks...
"Atilah ok ka lang?" Nagising na lang ako sa malalim na pagiisip ng maramdaman kong ang haplos ni Calvin sa likod ko. Tumingin ako sakaniya at ngumiti na lang.
Naguguluhan ako. Seems like some of my memories are coming back. Pero hindi ito ganun kalinaw. Tama nga yung sinabi ng doktor sakin. My memories can come back anytime. I should call my doctor later. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili. Ilang beses na nangyari sakin to pero kahit isang beses hindi naging malinaw yung mga naaalala ko.
"Tapos na sila tara bumaba na tayo." Sumunod na kami ni Calvin kay Theo nang makita namin sila na lumabas na sa mga sasakyan nila.
Napatigil ako ng mapatingin ako kay Ash habang tinatanggal niya ang tshirt niya. That body! Damn! Idagdag pa yung magulo niyang brown na buhok. Tila nag slow motion ang paligid habang nakatingin ako sakaniya at tumatawa siya. Maya maya pa ay di ko napansin ang pagtingin niya sa direksyon ko at bigla niya kong kinindatan. At ayun nga nataranta na ko nag panic ako hanggang sa nabitawan ko yung hawak kong plastic ng soft drinks at natapunan pa ko. Ano ba yan! Napatingin ako sakaniya ulit ng marinig ko ang nangaasar niyang tawa. Baliw talaga napaka demonyo!
Hindi na ko sumunod kila Calvin. Dumiretso na lang ako sa cr habang pinupunasan ang blouse ko. Buti na lang at itim ang sando ko sa loob nito at hindi rin masyadong nabasa. Tsk! Ang malas ko naman! Pag pasok ko ng isang cubicle hinubad ko kaagad ang see-through blouse ko at inayos ang sarili. Tsk. Kainis talaga! Biglang nag init ang pisngi ko nang maalala yung pag kindat niya sakin. Umiling iling na lang ako. Grr! Oo gwapo lang siya pero ang panget ng ugali niya!
"Atilah? Andyan ka ba?" Narinig kong sigaw ni Calvin sa labas kaya kinuha ko na ang blouse ko at nilagay ito sa loob ng bag ko tsaka lumabas.
"Oh ano nangyari sayo?" Tanong pa ni Calvin nang makita ako. Ngumiti ako bago sumagot.
"Eh natapunan kasi ako nung softdrinks kanina pero ok lang ako." Sagot ko. Tumango tango naman si Calvin at niyaya na ko pumunta kila Ash.
Humanda ka sakin lalaki ka. Ganyanan tayo ahh. Sige lang. Ewan ko na lang kung di pa ko makabawi sayo.
BINABASA MO ANG
So Close Yet so Far.(Badboy VS. Badgirl, Part 2)
Romance*PLEASE READ BADBOY VS. BADGIRL FIRST BEFORE READING THIS* [A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Maibabalik mo kaya ang lahat sa dati kung abot kamay mo na s...