Chapter 47

12.8K 229 0
                                    

*CHAPTER 47*






"HAHAHAHA! ANG PANGET MO ASH!" Humalakhak si Calvin matapos kong lagyan ng uling ang muka ni Ash. Haha! Ang panget niya nga. Nilagyan ko siya ng mustach gamit ang uling. Naglalaro kasi kami ng 'Tell me something i dont know'. Makakatulong din to sa pag papaalala niya sakin ng mga memories ko. In a fun way syempre.






"Ayoko na, lahat na ata alam mo eh?" Aniya habang pinupunasan ang uling na nilagay ko sa kaniya. Nandito kami ngayon sa rooftop. Tatlong araw na kami dito and so far mas bumibilis ang pag aalala ko sa mga nawalang memories ko. Tinutulungan na nila ako eh. Kagabi nga nagkalkal pa kami ng mga pictures sa dati kong facebook. Bawat picture kinuwento nila sakin kung ano meron doon.







Masaya naman ako na mas bumibilis ang recovery ko. But still, gusto ko pa rin maalala kung pano ako nakarating sa ospital noon nakuha ako ni mommy. Isang malaking blur pa rin sakin kung sino ang kumidnap sakin. I want them to pay for what they did to me. Hindi ko alam kung sino pero pag nalaman ko lang talaga hindi ako titigil habang hindi ko nakukuha ang hustisya ko.







"Atilah? You're spacing out." Nagaalalang hinawakan ni Ash ang kamay ko. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.







"Are you ok?" Tanong naman ni Arthur sakin. Tumango ako at tumingin sa kanilang lahat.







"Kilala niyo ba kung sino kumuha sakin noong nawala ako?" Seryosong tanong ko sakanila. Nagkatinginan silang lahat. Tango lang ang naisagot ni Ash sakin.







"Nasan na siya?" Kilala nila? May ginawa ba sila doon sa taong iyon? Napabuntong hininga si Calvin, si Theo naman napatingin lang sa malayo, yung kambal nagpalitan lang ng tingin, ganun din si Arthur at Ash.







"Kakalabas lang niya sa kulungan. That's the other reason bakit nandito tayo lahat." Sagot ni Arthur sakin at tumingin kay Ash. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ganun? Bakit nakalabas?? Nakaramdam ako ng takot. Panno kung gumanti siya? Paano kung hindi lang ako ang bawian niya ngayon?





"I'm scared." Mahinang sabi ko. Niyakap ako ni Ash at hinalikan sa noo. "Everything will be ok. Hindi ko na hahayaan mangyari ulit iyong nangyari dati." Ang sarap pakinggan na nandito siya sa tabi ko at sinisiguradong safe ako. Hindi lang siya pati na din ang mga kaibigan namin.





"By the way, Kristine is gonna be here later today." Napatingin kami kay Kelvin. Kristine? Yung babaeng violet iyong buhok?





"She's going to help us. Tapos na daw siya kay Timothy." Dagdag pa ni Kelvin. Tumango tango lang si Ash.







"We'll get through this. For now, mag saya muna tayo ok?" Nginitian ako ni Ash at hinalikan ulit ang noo ko. I somewhat fet relief. I trust him and our friends as well. Alam kong hindi nila ako papabayaan.

So Close Yet so Far.(Badboy VS. Badgirl, Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon