Chapter 31

14.9K 317 6
                                    

*CHAPTER 31*


Ash's Point of View.

I'm staring at Atilah while she sleeps beside me. She looks like an angel. Her beauty is breathtaking. I smiled. I feel so lucky. Finally after almost 4 years of pain and sorrow, she is now here with me. She came back and she still loves me. Her mind might not recognize me but her heart and soul never forget the feeling she has for me.


I slowly stood up and left her. Pumunta ako sa kusina at kinuha ang pancake mix. Plano kong ipagluto siya ng breakfast. Atilah is my queen, she deserve all the wonderful things in this world. Matapos kong magluto ng pancakes, nagluto din ako ng cheesy omellete at bacon. Nagtimpla din ako ng juice. Inilagay ko ito lahat sa tray tsaka bumalik sa kwarto ko. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at lumapit sa kama. Tulog pa rin siya. Nilapag ko ang tray ng pagkain sa kama at hinalikan ko siya sa noo. Gumalaw siya at unti unting nagising. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Goodmorning my Queen." I said with a smile. Namula ang pisngi siya at tumawa siya. Hinampas niya pa ang braso ko.

"Goodmorning my King" she replied then winked at me. Natawa naman ako. Kinuha ko ang tray ng breakfast niya at inilapit sakaniya. Napaupo siya at kuminang ang mga mata niya nang makita ang ginawa ko.

"Breakfast in bed." I winked at her and she giggled. She kissed me cheek and smiled.

"Thank you." She said. Tumabi naman ako sakaniya. Pinanuod ko lang siya habang kumakain.


She looks very beautiful inside and out. She even looks beautiful while eating the pancakes i made for her. Natawa naman siya sakin bigla. Hindi ko alam bakit pero napangiti ako. Maya maya pa ay sinusubuan na niya ko ng omellete at bacon. Sumunod naman ako. She looks so happy while we eat together. Matapos niya kumain ay nag share din kami sa juice. I would do anything to keep her. I love her.

"Salamat sa masarap na breakfast" sabi niya sakin at niyakap ako. Niyakap ko din siya at hiniga ulit siya sa kama. Napatitig siya sakin at unti unti nang namula ang pisngi niya.

I moved closer to kiss her pero tinakpan niya ng mga kamay niya ang muka niya. Tumili pa siya at tumawa. Natawa na din ako. Nakakahawa eh. Besides, she looks cute. Kinikilig siya. Gumulong siya sa kama hanggang sa makatakas sakin at maka bangon.


"No kissing! Hindi pa ko nag tutoothbrush! Amoy bacon pa hininga koooo!!" Sigaw niya habang patakbo sa cr ng kwarto ko. Napaupo naman ako sa kama at humalagapak ng tawa.

I never felt so happy...

____________

"May pasok ka ba ngayon?" Tanong ni Atilah sakin habang nakaupo kaming dalawa sa sofa at nanonood ng tv.

"Yes. But i don't wanna go out today." i replied. I look at her and asked her..."Ikaw may trabaho ka ba ngayon?"

"Meron. Pero..gusto ko ma mag resign." Harap ako sakaniya. She looks sad. Resign? She's a famous model, bakit bigla na lang niya gusto mag resign?

"Why? Is there something wrong?" I asked. Nagaalala ako. Is there something bothering her?


"I wanna settle down Ash. I have money. Nakapag ipon na ko. I think that's enough. Pwede naman ako magtrabaho sa company ni Dad. Nakapagtapos naman ako ng pagaaral. Gusto ko na lang mamuhay ng normal." I stayed silent as i listen to her. Hinila ko siya papalapit sakin at pinakandong siya sakin.


"I wanna be Atilah Rae Palvin. Not Layla Beatriz Trinidad." She smiled at me. Mukang hindi ko na mababago ang desisyon niya. Ngumiti na lang din ako.

"If that's what you want then i'll support you 100%" Mas lumawak ang ngiti niya at niyakap ako. Everything for my Queen.

"Kakausapin ko na si Kuya Kaiden para ayusin ang mga contracts ko sa LA." Tumayo siya at kumunot naman ang noo ko. Tama ba ang narinig ko? Kaiden?

"Who's Kaiden?" Tanong ko pa kay Atilah habang sinusundan ko siya papunta sa kwarto ko.

"Kaiden John Trinidad. Siya yung anak ni Mommy Amelia Trinidad. Sila yung kumupkop sakin noong nagising ako sa ospital." Masayang sagot pa ni Atilah sakin.


Naikuyom ko ang kamao ko. Amelia Trinidad, she's Tiffany's Aunt. Si Kayden naman ay pinsan ni Tiffany. I should've known those demons are behind this. Hindi na ko nagulat kung bakit napunta mg LA si Atilah. Inilayo nila si Atilah para hindi maituloy ang kaso para kay Tiffany pero dahil may pera ako at ganun na din ang Dad ni Atilah na si tito Jordan, naipakulong pa rin si Tiffany kahit wala si Atilah.


Those rats are gonna pay for this. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sina Kevin at Kelvin. Pati na rin si Calvin at Theo. I asked them to come here. Kaylangan nila malaman to. And we need to move. Fast!

So Close Yet so Far.(Badboy VS. Badgirl, Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon