Eli pov
"Huy Eli ginagawa mo?" nabalik naman ako sa realidad ng marinig ang boses ni Aika.
"Aika."
"Bakit Eli?" hinawakan pa nito ang dalawang kamay ko.
"Aika lumuha ako."
"Wait! Teka! Sandali!" hinigit niya ako sa sala kung saan naroon ang lahat. Nasa may hagdanan kasi ako nung makita ko si Aika.
"King hiramin ko muna wife mo ha. Balik ko later! Ciao!" hyper na paalam ni Aika kay Zach. Wala talaga ako sa mood makipagtalo pa kay Aika. Napansin na rin siguro ni Zach na mukhang down na down ako pero hindi niya pa ako tinatanong. Kanina pa itong humihigop ng kape sa counter.
"Go." simpleng sagot ni Zach kay Aika. Wala naman pinalampas na oras si Aika at dali-dali niya akong hinigit palabas. Nagtungo kami sa likod ng resthouse.
"Chika na bilis."
"Nasa normal ka ngayon ah."
"Dali na Eli." Nagyon ko lang narinig muli na magseryoso ang isang Aika siguro dahil sinabi ko ang bagay na hindi ko pwedeng gawin.
"May nakita ako." bumuntong hininga muna ako bago itinuloy ang kwento sa mukhang batang hamog na nasa harapan ko. Biruin mo nagtwitwinkle pa ang mga mata ng isang ito.
"Isang babae, kinidnap ito." Hindi parin nagsasalita si Aika pero ramdam ko na gustong-gusto na niya magsalita pinipigilan lang ang sarili.
"Noong gabing iyon ay nagising ako at lumabas sa veranda. Narinig ko na may tumatawag ng aking pangalan ngunit wala namang tao sa paligid." Nakakapagtaka lang talaga kung paanong kilala niya ako at paanong naririnig ko siya kung ganon kalayo ang kanyang pwesto.
"I went down and look for that person. I found her in the middle of the woods sitting in the big stone. She looks in pained and bleeding. Moments after that she died." pagpapatuloy ko.
"How?"
"She was abused by the kidnappers. But the crucial thing is she's not a human. She vanished in the air." ano nga kaya siya? At bakit sa dinami dami ng tao ay sa akin siya humingi ng tulong. Mas nadagdagan pa ang mga katanungan sa aking isipan mula ng makausap ko si Zalea.
"All I just did was crying." I did cry, ang bagay na iniiwasan namin ni Aika.
"What happened to you after?"
"I don't actually know. Naramdaman ko nalang ang pag-init ng aking buong katawan. Luha ang unang lumalabas sa aking mga mata ngunit nasundan na ito ng umaagos na lumalagablab na apoy. Ganoon na ganoon ang nangyari sa akin nung umiyak ako nung mga bata pa tayo. Kaunting-kaunti nalang liliyab na ako. Nagising nalang ako na nakasandal sa malaking bato. Nahimatay siguro ako sa takot. Aika natatakot ako hindi lang sa aking sarili pati sa mga taong maiiwan ko kapag nangyari yun. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako. Biyaya ba ito o isang sumpa. Hindi ko na alam."
"Hussh. Nandito lang ako Eli. Hindi ka mawawala o hindi kita iiwan. Kung ano man ang nangyayari sayo ay kailangan na nating malaman. Hindi ka normal alam natin yan." niyakap ako ni Aika at ramdam ko ang paghamplos niya sa aking likuran.
"Aika natatakot ako." bulong ko kay Aika.
"Eli natatakot din ako lalo na nung sinabi mo na may tumatawag ng pangalan mo pero wala namang tao."
Isang sapok ang binigay ko kay Aika. Ang seryoso na namin tapos biglang babanat ng ganoon. Siguro time limit na. May time limit ang pagiging seryoso ng isang ito.
"Aika may sinabi sakin si Zalea."
"Zalea?" tanong ni Aika.
"Yun ang pangalan nung babae sa gubat."
BINABASA MO ANG
The Enchantress Wife of the Mafia Emperor
FantasyThis is a story of a girl who found out her true power at kasabay nun ang pagtatagpo nila ng landas ng isang lalaking babago sa kanyang mga paniniwala. Ano kayang mangyayari kung mapangasawa mo ay isang mafia emperor at paanong matatanggap niya na i...