Chapter 13: Real Talk

2.4K 73 0
                                    

Chapter 13: Real Talk

"So ano na bestfriend? Who's the girl na gumugulo sa isip ng besfriend ko?" pangungulit ni Alexandric

"Hindi ko kasi maintindihan. Feeling ko hindi siya isang normal. Mali I think hindi siya tao." that she's the same like us

"Bakit?" kapag ganitong usapan. Nagiging seryoso ang bestfriend ko. Napatulala naman ako sa kulay kahel niyang mga mata. Nagsusumigaw talaga ang angkin niyang kagwapuhan. Pointed nose, pale skin, those soft lips and those eyebrows na sobrang nagpapalitaw ng isang greek god na nakatayo sa harap ko.

"Bestfriend?" Unti-unting nangunot ang kilay niya. Hindi ko napansin na matagal na pala akong nakatitig sa kanya.

"When our skin met, I felt the power." she's not normal and Im not sure if she felt the same with me.

"Do you think katulad natin siya?" that's the thing I'm not sure.

"Hindi ako sigurado." napabuntong hininga na lang ako.

"Ang hindi ko lang maintindihan bestfriend ay paanong makakarating siya sa lugar na yun, hindi ba at naglabas ng batas ang reyna noon na tanging may matataas na katayuan lamang ang maaring pumunta sa tinatawag na mortal world." Yun ang matinding utos ng mahal na reyna. Naisip ko rin yan. Is she someone na anak ng isa sa council? Nah! That's impossible. We only have 8 council members and my friends are their offsprings.

Napayuko nalang ako. She' bothering me. Sabagay makakausap ko naman ulit sila.

"Hindi ko gusto yang iniisip mo bestfriend." naiiling nalang na wila ni alexandric

"Bakit na naman ba Alexandric?" pinagtaasan ko siya ng kilay. I know pipigilan ako nito. Ilang beses na ba na pinigilan niya ako pero nagawa ko pa din makatakas.

"Sasama ako." The Fucking shit! No!!!

Paano nalang ang maayos na buhay ko sa mortal world. Guguluhin ng isang Alexandric Martinez. Going to that world with this guy will be trouble. Agaw pansin kasi ito dito sa mundo namin, ano pa kaya sa mundo ng mga mapangmatang mga mortal.

"May.." yan ang tinatawag niya sa akin kapag malungkot siya and i can feel it to his words.

"Oh?" siya lang rin kasi ang tumatawag ng second name ko.

"Sa tingin mo babalik pa siya?" Kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya. Actually ang alam ko may gusto siya dun. Ngayon nga lang nabaling ang atensyon niya sa isang tulad ko simula ng mawala siya.

"Alam mo ba kung bakit ako pumunta sa mundo ng mga mortal?" Napalingon siya sa akin. ang kahel niyang mga mata ay nag-uumapaw sa damdamin. You really like or love rather the woman. I see. I accepted my fate long time ago. I'm only the substitute. I will never be the one in your heart.

"I'm looking for her." tulad nga ng sabi ko kay Eli at Aika I have 2 reasons at isa na doon ang hanapin ang nawawalang lady.

"May.." heto na naman kami.

"Alam ko naman Alexandric ei hanggang bestfriend lang ako at siya lang ang laman ng puso mo." Nakita ko naman na nanlaki ang mata niya. Nagulat ko siguro siya na alam ko ang nararamdaman niya.

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon