Chapter 33: Sera, my bond

249 14 6
                                    

Eli Pov

Tumayo muna ako mula sa pagkakalugmok at pumikit.

‘Diwata ng lupa, hangin, tubig at apoy. Kung tunay man akong makapangyarihan na nilalang. Tulungan mo akong mailigtas ang mga taong malalapit sa akin.’

Sa pagmulat ng aking mga mata ay nababalutan na ang aking katawan ng liwanag. Tinitigan ko ang aking mga palad at maging ito ay nagliliwanag. Ang kaibahan lamang nito ay napapalibutan ako ng ibat-ibang kulay na liwanag.

Ang ganda..

"Help them now princess." May narinig akong nagsalita sa aking isipan. Gusto ko itong tanungin ng kung sino ito at paano niya nagagawa ang bagay na iyon ngunit kailangan ko munang unahin ang dapat unahin.

"How?" saad ko dahil hindi ko alam kung paano gamitin ang kapangyarihang ito.

"Touch them with your hands and see what happens." Lumuhod ako sa tabi ni Zach. I hold his hand at ang liwanag na nakabalot sa akin ay dumaloy sa katawan nito.

Nakita kong gumalaw ang isa sa daliri ni Zach. Nanlalaki ang aking mga mata sa nasaksihan.

"Zach?"

"Huwag mo muna siyang gisingin mahal na prinsesa. You're not in the normal time." Napatango naman ako sa sinabi ng kung sino man sa aking isipan.

Unti-unting nawala ang liwanag kay Zach pero nanatili ang liwanag sa aking katawan. Nakita kong ang lahat ng sugat na natamo ni Zach ay naghilom na. Maging ang mga palaso ay natunaw na parang abo.

Pinilit kong inilalayan na itayo si Zach.

"Oh my gosh Zach magdiet ka naman." Bubulong-bulong ko. Sobrang bigat nito dahil narin siguro nasa akin ang lahat ng bigat nito. Inilapit ko ito sa sasakyan ni Cedric. Hinawakan ko rin si Cedric at maging ito ay nagliwanag ng tulad ng kay Zach. Nawala rin ang usok na nagmula sa sasakyan nito pati na rin ang apoy. Inalalayan kong makaupo si Zach sa passenger seat.

Nag-inat-inat muna ako pagkatapos binalikan ko naman sina Kalyx at L. Pinaikutan ko pa ang dalawa kung may mga natamo ba itong mga sugat ngunit tanging gas-gas at pasa lang ang meron ang dalawa. Hinawakan ko na rin sila para gumaling narin sila. Tiyak na masakit rin ang natamo nila. Inalalayan ko na rin ang dalawa papunta sa sasakyan ni Cedric. Inuna kong alalayan si L. Mas Malaki kasi si Kalyx kaya kailangan ko nang pwersa para rito. Pagkatapos kong maihatid ang dalawa ay halos mapaupo ako dahil sa pagod. Naghalo-halo na ang pawis at dugo sa aking katawan.

Isa na lang..

Nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko matagpuan si Jethro. Pumikit ako at dinama ang presensya nito. Hindi ko alam kung bahagi parin ito ng aking kapangyarihan pero ang dami ko ng nagagawa na hindi ko nagagawa noon at ang mas lalong nakakagulat ay ang ang aking pagluha. Hindi ko na nararamdaman ang pag-iinit ng aking buong katawan. Wala na ring lumalabas na apoy sa aking mga luha. Itoy tila nakontrol ko na ang kung anuman na lumalabas na yun tuwing akoy lumuluha at hindi ko alam kung kailan ko ito naumpisahan kontrolin. Hindi kaya ang nilalang na nagsasalita sa aking loo bang may kagagawan ng lahat ng ito?

Wala naman akong nakuhang sagot mula dito.

Ibinuka ko ang aking mga mata ng matagpuan ito. Lumapit ako ay Jethro na nakahiga sa ilalim ng puno na may malalaking mga sanga. Naalala ko na may tama nga pala ito ng bala ng baril. Tulad ng naunang dalawang lalaki ay hinawakan ko rin ito at ganoon rin ang nangyari. Tila walang nangyari sa katawan nito ngayon. Pero muli akong napaayos ng tayo ng maisip kung paano ko bubuhatin ang isang ito? Sa kanilang lima ay pinakamalaki si Jethro. Iwinasiwas ko ang aking mga braso at nagstretching.

'Kaya mo yan Eli' tila pagkausap ko sa aking sarili.

Inaalayan ko rin ito papunta sa sasakyan ni Cedric. Pagkalapag ko kay Jethro sa backseat ay napahawak ako sa aking dibdib. Napatingin ako sa aking mga palad at unti-unti ng nawawala ang liwanag.

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon