Chapter 20: Trolls

511 20 4
                                    

Chapter 20: Trolls

Eli pov

"Sorry na Cap hindi naman namin alam na may ginagawa kayo ni lady cap" hindi ko napigilan ang pagtawa ko sa itinawag nila sa akin. Lady Cap?

Lumingon naman silang anim sa akin habang nakakunot noo pa din ang asawa ko.

"Zach I'm hungry" sigaw ko naman. Medyo malayo ako ng kaunti sa kanila baka kasi hindi nila ako marinig. Talaga lang malakas ang boses nitong si Kalyx kaya rinig ko hanggang dito sa pwesto ko ang sinabi niya. Unti-unti namang lumambot ang ekspresyon ni Zach at naglakad na papalapit sa akin.

Nakita ko pang binatukas ni Cedric si Kalyx. Nakakatuwa naman ang trolls.

"Zach tapos na ba kayo mag usap ng trolls?" bumalik naman sa pagkakanoot ang noo ni Zach.

"Trolls?" napahalakhak naman ako ng sabay sabay na sigaw nung lima.

"Indeed they are trolls. Come on wife. Let's eat." hinigit na ako ni Zach papuntang kusina.

Matapos kumain ay naiwan naman ako dito sa sala. May pag-uusapan lang daw silang anim sa library. May library ang mansyon. Mansyon nga diba. Literal na madaming amenities ang lugar na ito. May billiard room, may music room, movie room, may dance studio, my gym at madami pang iba. May malawak na garden sa harapan at may malawak na pool naman sa likuran. Marami pa nga akong kwarto na hindi napupuntahan. Hindi ko na rin naman pinagkaabalahan pa na silipin yun. Maybe next time.

Nanunuod ako nitong chinese drama na go go squid ang title. Kilig na kilig talaga ako sa bidang si Han Shangyan at Tong Nian. The best couple. Ang cute lang ng love story nila.

"IIIHHHHHHH" Hindi ko na napigilan ang sumigaw dahil sa sobrang kilig habang yakap yakap ko ang unan sa sofa. Halos maglupasay na nga ako dito. Naibato ko na rin kung saan saan yung ibang unan dito sa sala. Mamaya ko nalang aayusin.

Nang biglang nakarinig ako ng mabibilis na pagtakbo mula sa kwarto kung saan sila nag-uusap hanggang sa may hagdanan. May narinig pa nga akong parang nagkasa ng baril. Hindi ko naman sila pinansin dahil naiiyak na ako. Andun na kasi sa scene na pinagtatabuyan na siya ni Han Shangyan. Hindi nga lang ako pwedeng umiyak.

"What happened wife?" nag-aalalang tanong ni Zach sa harapan ko habang hawak ako sa magkabilang balikat. Hinaplos haplos niya na rin ang pisngi ko. Nangunot naman ang noo ko dahil humarang siya sa pinapanuod ko.

"Alis dyan!" bulong ko. Mahirap na. Baka ako naman ang sigawan pabalik nito.

"Lady cap okay ka lang ba?" Tanong ni Cedric habang sinisilip ako kasi nakaharang si Zach sa harapan ko.

Nakacross arms naman yung dalawa ni Jethro at L. Si Thunder naman ay nag-uumpisang pulutin yung mga unan na pinagbabato ko kanina. Yung iba nga mukhang nasira ko pa. Habang tumatawa naman si Kalyx at halos mamilipit na. Sa kanilang lahat parang si Kalyx lang ang nakakaintindi kung bakit ako sumigaw.

"What did you say wife?" naguguluhang tanong ni Zach. Kahit ako naguguluhan kung bakit ang o.a. nila.

"Zach bakit ba kayo bumaba? Nanunuod ako oh" sabay turo ko sa likuran niya.

Lalo namang lumakas ang pagtawa ni Kalyx. Sinamaan naman siya ng tingin ni Zach bago bumaling sa akin.

"Cap kinikilig si Lady Cap kaya siya sumisigaw. Alam ko na yung ganyang mga linyahan. Sumunod lang naman ako sa inyo kasi mukhang masaya ang masasaksihan ko. Hindi nga ako nagkamali" mahabang paliwanag ni kalyx habang nakaupo na sa sahig sapo ang tiyan. Sumakit sana tiyan mo. Ang bad ko.

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon