Aika pov
"Eli ang biggest revelation naman niyan." kakatapos lang magkwento ni Eli tungkol sa kanyang husband at sa mga friends nito. Dangerous man!
"Oo kaya huwag kang maingay. Ikaw lang ang nakakaalam niyan bukod syempre dun sa mga alalay niya." Alalay talaga?
"Ay ang bad mo ate girl. Alalay talaga?"
"Bakit kaano-ano ba sila ni Zach ha?" Oo nga kaano-ano nga kaya sila ni King. Kasi base sa kwento ni Eli. Kung sundin nila si King ay para itong Diyos. Hindi kaya isa silang kulto. Pero tinatawag daw silang mafia. I don't know anything about Mafia. All I gets sa nakwento ni Eli ay mga taong may mga baril and they are into killing. Bakit hindi nalang sila mag powder gun o kaya water gun. Hindi yun masakit. Marami pa ang pwedeng sumali. Hindi ba?
"Ewan ko Eli. Bakit hindi mo itanong sa asawa mo? Speaking of asawa. Nasaan ang asawa mo?" Ako pa talaga ang tinanong ng isang ito. Ayoko na ngang mag-isip. Hindi ko nga alam kung nasaan ang utak ko ngayon. Nagfly-fly yata.
"Hindi ko alam. May importante daw lalakarin."
"Kawawa naman ang asawa mo."
"Paano mo nasabi Aika?" Ano ba naman ito si Eli. Napakamanhid talaga.
"Mapapagod yun sigurado. Hindi ka ba naaawa?"
"Bakit naman siya mapapagod? Nakakapagod ba yung lalakarin niya?"
"Eli kung ikaw kaya ang paglakarin ko hindi ka mapagod?"
"Gaga. Ibig kong sabihin sa lalakarin ay pupuntahan!" isang sapok ang natamo ko kay Eli. Grabe talaga itong taong ito. Kaunti nalang itatakwil ko na ito bilang kaibigan. Isusumbong ko ito sa dswd eh!
"Oo na oo na! Makasapok ka ha! Hindi ba sayo sinabi kung saan? Kung sinong kasama o tatagpuin? At kung anong oras uuwi?"
"Ang daming tanong Aika. Ikaw ba ang asawa?"
"Wish ko lang." nakangiti ako bago biglang sumimangot. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo ni Eli.
"Nagtatanong lang naman Eli. Seryoso mo?"
"Wala akong alam kahit isa. Ang sabi lang niya ipapasundo daw niya ako."
Brooooom!
"Ano ba yun? Ang ingay ingay!" reklamo ko. Nagtakip kami ni Eli ng tenga dahil sa sobrang lakas ng tunog ng sasakyan.
Napalingon kami sa labas ng gate at halos malaglag ang panga namin dahil sa sunod sunod na sports car. May parada ba ng sports car dito ngayon?
Hindi pa man kami nakakahuma ni Eli ay isa-isa ng bumaba sa kani-kanilang kotse ang nagmamaneho nito.
"Eli I don't think they are just your husband's alalay?" sinong may ganitong alalay? Tunay na hari nga yata si King kung ganoon?
"Aika pakiulit nga yung tanong mo kanina?"
"Alin doon Eli? Madami na ako naitanong. Hindi ko na nga matandaan yung naitanong ko sayo nung mga bata pa tayo." marahas na napalingon sa akin si Eli. Nginitian ko ito ng bongga.
Sunod sunod na busina ng sasakyan ang nagpabalik ng tingin namin dito.
"Lady Cap let's go!" bati ng maingay na si Kalyx.
"Tsk." si Thunder.
Ngumiti lang si Cedric at Jethro. Samantalang poker face lang si L. Bakit kailangan na lima pa silang sumundo kay Eli?
Hindi kasi ako matutulog sa mansyon ngayon kaya walang kasabay si Eli. Sa apartment lang ako today since maaga ang pasok ko bukas.
Napakamot nalang ako sa ulo ng bitbitin na ni Kalyx ang mga gamit ni Eli. Ito naman si Eli halos maglaway na..
"Aika laway mo!" tapik sa akin ni Eli. Shit! Ako pa nga ang naglaway! Lintik lang ang naglason!!!
"Bye Aika!" kaway ni Eli. Ni hindi na ako nakapagsalita pang muli.
"Bye kaibigan ni Lady Cap." kaway din ni Kalyx. Kumaway nalang din ako sa kanila.
Nakapamulsa namang umalis si Thunder. Bakit parang laging galit sa mundo ang isang yun. Siguro palaging masama ang gising.
Teka hindi pa kami tapos mag-usap ni Eli.
Anyways tomorrow is another day!
Kalyx pov
"Lady Cap since lima ang sasakyan na dala namin. Pumili ka na kung saan ka sasakay?" tanong ko
"Ang hirap naman pumili." Ang ganda sana nitong si Lady Cap kung hindi lang ako natakasan ng babaeng ito nung last namin misyon. Hindi ako magkakasakit ng isang araw. Grabe sobrang sakit ng katawan ko nun. Papatayin talaga ako ni Cap nun. Hinding-hindi ko na yun uulitin.
"Sa sasakyan ko nalang cap baka may mangyari na naman sayong hindi maganda." habang nakapamulsang saad ni Thunder.
"Hoy kidlat may sinasabi ka?" sisipol-sipol ito na tila walang sinabi.
"Sa sasakyan ko nalang lady cap smooth ako magmaneho." extra naman ng foreigner na si Jethro.
"Paano ba Jethro, parang pagmamaneho mo sa mga chicks mo? Kung mahal mo pa buhay mo itigil mo na yan." singit ko.
"Nagtatalo pa kayo! Sa sasakyan ko nalang." sabay hagod ni Cedric sa buhok niya. Sinapok ko nga.
"Gago! Sa ating lima kaskasero ka." sapok naman ni kidlat kay Cedric.
Kung ganoon wala ng choice. Sabay-sabay kaming lumingon lima kay L.
"Huwag na sa akin sa kanila na lang. Ayaw ko ng maingay." sagot ni L. Napabuntong hininga nalang kaming lima. In the end kay Kidlat si Lady Cap sumakay. Okay lang din naman baka mamaya may kung ano pa nga ang mangyari. Ayoko ng mabigyan ng parusa ni Cap. Nakakamatay promise!
Kasalukuyan naman na smooth ang pagpapatakbo ng lahat. Nauuna si Jethro, sumusunod ako bago si kidlat, si L at huli si Cedric na kaskasero.
Bigla kong naikabig pakaliwa ang sasakyan dahil sa balang tumama sa aking inuupuan mismo. Mabilis ko itong itinigil at tiningnan ang lokasyon ng iba. Nauna sa sasakyan ko si Kidlat tiyak na ilalayo nito si Lady Cap. Sinundan ito ni Cedric. Nagpaiwan kasama ko sa lugar sina L at Jethro. Bumaba na ako sa sasakyan. Ganoon din ang dalawa.. Pinuntahan namin kung saan nagmula ang bala.
"Shit!"
Natagpuan namin ang bakas ng isang sniper. Halatang halata na sniper dahil naiwan pa nito ang basyo ng bala at natitiyak ito ni Jethro since one of the sniper of the group.
Natigil ang pagtitig namin sa lugar ng may marinig kami na tumutunog sa mga gamit ni L.
"We should move. We must follow them now." saad ni L.
"What do you mean L?" takang tanong ko.
"Ayon sa device at location nilang tatlo. Bumibilis ito."
"Mabilis naman talaga magpatakbo si Cedric." singit ni Jethro
"But not Thunder." saad ni L
Nagkatitigan muna kaming tatlo bago dali-daling tumakbo pabalik ng sasakyan at hinabol ang tatlo. This time pinauna namin si L since siya ang may hawak ng locator.
"Kalyx mag-iba ka ng daan. Sa right side ka. At ikaw Jethro on the left side. I'll take the straight one. We will meet near them. Just remember after your take the long route Kalyx always turn left and Jethro always turn right. Let's move!"
"Let's kill the fucking assholes!" sigaw ni Jethro sa microphone.
"Inunahan mo ko gago!" sigaw ko rin pabalik
"Let's do a race Kalyx." sigaw ni Jethro
"Fuck dude bring it on!" Kailan ba ako nagpatalo?
"Tsk." si L yun sigurado.
Race.
Di na masama.
Ang masama mapahamak si Lady Cap.
Goodluck Kidlat you'll next in line to experience Captain's wrath.
----to be continued...
Kamusta naman kayo?
Kailan kaya matatapos ang pandemic? I want to go home ...dakilangmissBi
----
BINABASA MO ANG
The Enchantress Wife of the Mafia Emperor
FantasyThis is a story of a girl who found out her true power at kasabay nun ang pagtatagpo nila ng landas ng isang lalaking babago sa kanyang mga paniniwala. Ano kayang mangyayari kung mapangasawa mo ay isang mafia emperor at paanong matatanggap niya na i...