Chapter 28: Auction Part I

260 13 1
                                    

Eli pov

"Cap sigurado ka ba dito?" tanong ni Thunder. Nakasuot ito ng gray na tuxedo with matching gray tie. Parang may business meeting lang na dadaluhan and still with his green spiky hair.

Ano ba kasi yung kailangan ay sigurado. Kanina pa tanong ng tanong si Thunder kesyo bakit ba daw ako kasama. Kung may alam daw ba ako. Gustong-gusto ko ng sumagot at ang sagot sa lahat ng tanong ni Thunder ay wala. Wala akong alam! Basta lang ako sinabihan na magbihis ng ganito. At si Aika na ever supporting bestfriend ko ay walang sabi -sabing itinulak ako para makapagbihis agad.

"Your asking too many questions Saavedra." sagot naman ng magaling kong asawa. Muntik na akong mapairap dahil sa kawalang kwenta nitong sumagot. Dahil sa lahat ng tanong ni Thunder ay wala naman itong isinagot.

"Oo nga tol pinalitan mo na ba si Kalyx sa pagiging usisero?" singit naman ng nag-aayos ng buhok sa salamin na si Cedric with his piercing na shining shimmering splendid.

"Anong sinasabi niyo dyan mga gago! Nananahimik ako dito ha." lumabas naman mula sa kusina si Kalyx na nakagray tuxedo din, hot with his bluish magulong hair habang bitbit ang isang slice ng apple. What the? Nagawa pang kumain ng isang ito?

Naka-maroon din na tuxedo sina Jethro at L na parehas ang angas ng dating dahil na rin siguro sa mga buhok nito.

"We should go." napalingon naman ako sa aking asawa na na naka all black. Ang gwapo talaga ng isang ito. Fitted tux with slightly magulong hair just like Kalyx. Ang swerte ng napangasawa nito grabe!

"Ah Zach saan nga ulit tayo pupunta?" naitanong ko naman.

"Baka may party Eli. Ang hina mo naman makapick-up." marahas akong napalingon kay Aika na abala sa pakikipaglaro sa alaga niyang ashera Cat.

"Wear this wife." binalewala ko nalang ang sinabi ni Aika. Iniabot sa akin ni Zach ang isang mask na color white. Actually naka full white ako. Kulang nalang belo. Para na akong ikakasal. Naka tube long gown ako na may slit sa right side ng leg ko at nakikita ang aking mahabang binti kapag naglalakad ako. Hindi rin papatalo ang aking stilleto na halos four inches yata ang taas. Pwede ng pumatay ng tao ang takong nito. Nagpadala rin si Zach ng make-up artist kanina kaya ganito na ang ayos ko. They even curled my hair and now I am putting my white mask. May pa-feather pa nga ito sa right side.

"Ay ang taray ng pa-maskara Eli. Dinaig mo pa si Daniella." singit na naman ni Aika

"Sino naman yun?" tanong ko.

"Manuod ka kasi ng tv. Ewan ko sayo Eli. Covid let's go na nga sa kwarto. Baka mahawaan pa tayo ng ka slowmohan ng kaibigan natin." napanganga naman ako sa tinuran ni Aika. Hindi nga! Hindi ba at sa aming dalawa ay siya yun!

Narinig ko namang natatawa sina Kalyx at Thunder na parehas maingay sa grupo.

"Daniella daw? Hindi ba yung yung nakapula na may dalang maleta?" sabay tawa ni Kalyx.

"Zach you didn't answer my question." tanong kung muli.

"Shandler explain it to her." tumalikod si Zach at sandaling may inilagay sa bandang tiyan. Ano kaya yun?

"Sabi ko nga eh." napakamot sa ulo si Kalyx.

"Mahal na lady cap may pupuntahan po tayong isang mahalagang importante-- Aray!"

"Parehas lang yun. Bilisan mo." binato kasi ni Thunder si Kalyx ng gatsby.

"Nag-eexplain yung tao. Ganito na nga yun. Bale."

"Bale-an kita gusto mo?" isang sapok ang ginawa ni Cedric ng dumaan ito sa likod ni Kalyx. Paano naman matatapos sa pag-explain ang isang ito kung maraming sumasabat.

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon