LMOB11

2 0 0
                                    

LMOBseries presents...

I'm Not That Innocent

You know what? I am so excited, men!

Why not? Today ay 2nd anniversary na namin ng boyfriend ko. And guess what? Ano kaya ang pakulo ng mokong na 'yon ngayon?

Naalala ko pa noong hindi pa kami mag-jowa ni Julius, they always calling me tibo, lalo na ng mga tropa ko. Tangina talaga nila.

Umayos na lang ako ng upo at kinuha ang cellphone sa bag. Maglalaro na lang ako habang naghihintay.

Napangiwi ako nang bumabangad sakin ang lockscreen pag open ko ng cellphone. Pumunta agad ako sa app para maglaro. Ayokong titigan 'yon ng matagal.

"Putangina!" Mura ko nang bigla akong mamatay sa kalagitnaan ng laro dahil sa lecheng chat heads.

Dahil tinatamad na akong magpatuloy sa laro, eh sa may isang patay na 'ko, pinindot ko na lang kung sino man 'tong nag-chat sa 'ken. Kapag ito hindi importante, magtago na siya!

Yuna sent an attachment.

Bumungad sa 'kin ang picture ng isang lalaking malamang na si Julius na may kaakbay na babae. Link pala 'tong sinend ng bestfriend ko at may kasama pang message na: "Akala ko ba hindi na playboy 'to? XD"

Nadagdagan lalo ang inis ko nang pagka-click ko ng link bumungad ang mga litrato ni Julius kasama ang babaeng linta— kung sino man 'yon. May nakuhanan pa ng pic na saktong hinalikan ni Julius 'yung babae sa pisngi. Ampucha, may pahalik sa pisngi. Mawalan sana kayo ng panlasa!

Sa sobrang frustration ay pinulot ko ang isang baso sa tabi ko at binato kung saan. Nakarinig pa 'ko ng pagkabasag pero wala akong pake. Nade de pota ako ngayon.

Bali-balita naman talaga mula noong playboy 'tong Julius. Marami ngang nagulat nang hindi na nababalitaang nambabae 'yan simula nang maging kami— o hindi talaga nila mababalitaan kasi hindi na nagpapahuli. Ngayon lang nabalita ulet.

Ilang beses na nga kaming muntik maghiwalay dahil nahuhuli ko siyang may kahalikan o ka-date pero kusa nalang siyang nagpapaliwang, tinatanggap ko naman. Ganito yata ako ka desperado.

Bumuntong hinga ako ng malalim nang may nag-notif na may recieved message at saka binuksan ito.

From: Julius <3
Message: Kanina ka pa ba diyan sa tagpuan natin? OTW na 'ko. Kailangan nating mag-usap.

Dahil kilala ko na si Julius, alam kong hindi pa talaga bumabyahe 'yan. Agad akong nagtext na ako nalang ang pupunta sa kanila. Nase-sense ko kasing may problema at kailangan naming mag-usap ngayon. Sigurado ay magso-sorry na naman 'to dahil sa nalaman ko sa babae niya.

Papalakad na 'ko sa tapat ng gate nila nang mabasang kare-reply niya lang na 'wag na daw. Tatawagan ko na sana siya habang naglalakad papunta sa pintuan nila upang surpresahin siyang nandito na 'ko sa kanila pero mas nasurpresa ako dahil sa nadatnan.

"I want you to go back here single. Makipaghiwalay kana sa emo girl na 'yon, honey."

"Sure, babe. Nandidiri na rin ako sa tomboy na 'yon. Sino ba kasing— A-amesyl?" Gulat na ani Julius, natigil siya saglit nang makita ako.

Para na 'kong napako sa kinatatayuan ko ngayon maging ang cellphone ay hindi ko pa naiaalis sa tenga ko.

"'Di ba ang sabi ko sa 'yo maghintay ka don?! Tangina. Kung sa bagay, nandito ka na rin..."

"Akala ko ba h-hindi mo na uulitin?" Pinigilan ang emosyon na sambit ko.

Hindi ako makapaniwalang ibang Julius ang kumakausap sa 'kin ngayon. Hindi naman siya ganiyan magsalita sa 'kin— hindi pala siya ganon talaga.

"Well? I lied."

Kahit nasa harapan ko na ang katotohanan ay hindi ko ma-digest. Umiling-iling ako.

"Akala ko ba Julius—" hindi ko na natapos ang sasabihin when he cut me off.

"I lied, okay? Please itigil mo na 'tong katangahan mo, Amesyl. Hindi mo pa napapansin? I used you. I used you para mapaniwala si Dad na matino na 'ko— tho hindi naman dahil ang boring mong tomboy ka kaya naghahanap pa rin ako ng fling kahit patago. Hindi ko alam kung paano ako nakatiis sa 'yo sa dalawnag taon. I used you para makuha ang mana ko before I turn 18 and now I am 18. Happy birthday to me!" He exaggerated then laughed.

Nadako ang tingin ko sa babaeng nasa likuran na niya, nakangiti pa ito na akala mo ay panalo na siya.

"Kaya ikaw? Umalis ka na." Matalim na ani ng babaeng kasama ni Julius at tinulak ako gamit ang isang daliri. Siya rin 'yung babaeng nakita ko sa picture kanina.

Bumuntong hininga ako upang humugot ng lakas. Hindi ako makaiyak, wala akong mailuha. Kailangan kong umiyak! Putangina, ano ba!

Tinignan ko ang cellphone ko at pinatay dahil nagda-dial pa rin pala ito, maging ang cellphone sa kung saan ay nagri-ring. Hindi ko na napansin dahil sa tensyon.

Hinanap ko naman sa contacts ng cellphone ko at hinanap ang number ni Yuna. Kailangan ko siya ngayon.

"Ano pang ginagawa mo diyan, tomboy. Umalis ka na." Pantataboy ng babae na nakaalsa ang isang kilay.

Bigla akong ngumiwi, mapang-asar. Nasundan ito ng tawa na nagpakunot sa noo ng dalawang salot sa harapan ko. Umiling-iling pa 'ko bago tuluyang umalis nang marealize na may nakalimutan ako.

"Fuck! A-aray..." daing ni Julius nang makatikim siya ng malutong na suntok mula sa 'kin. Matagal ko ng gustong gawin 'yon.

Tumalikod na 'ko at naglakad paalis. Hinayaan ko na lang na magsisigaw 'yong babaitang nag-aalala dahil nadungisan ang mukha ng gago.

Dalawang taon rin akong nagtiis sa kaniya. Akala niya siya lang?

"I won." Announce ko sa tawag nang sagutin ni Yuna, tumawa lang ito at cinongrats ako dahil panalo ako sa pustahan.

Dalawang taon na nang makalipas ang pustahang 'yon, para patunayang hindi ako tomboy, ng mga kaklase ko. Kailangan kong gawin 'yon upang hindi ako paalisin sa All-girls-school na pinapasukan ko at hindi mawalan ng scholarship doon.

Ngayon ay makukuha ko na ang full-scholarship ko sa school bilang napag-usapan, isa kasi sa anak ng may-ari ng school ang kaklase ko.

"I w-won?"

Sa wakas ay tumulo na ang luha ko dahil sa katotohanang hindi talaga ako nanalo... natalo ako dahil minahal ko si Julius.

✐ObnoxiousTofu

Lead Me Out of the BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon