LMOBseries presents...
How To Take Back Your Words?
Everyone is in the cafeteria now except me. It's already lunch break but my loads of work doesn't have a break. How could I?
"Tapos na kami kumain. Maglunch kana kaya?" Nagulat ako nang magsalita ang isa sa mga kaibigan ko, si Neri.
"Ugh, putangina!" I exclaimed dahil namali ang linya ko.
"Ang bastos naman ng bunganga mo, Joseph. Kumain ka na nga." Pangungulit ni Neri.
"Paano ako makakakain ang dami dami ko pang tatapusing plates. Gago kasi bakit pa 'ko nilagnat kahapon."
"Ayan ka na naman. Nagmumura ka na naman. Ikain mo na lang 'yan, Joseph. Oh." Inalok niya sa 'kin ang tray na dala niya.
Binilhan niya na lang siguro ako kanina. Hindi naman halatang kaniya 'yan kasi hindi siya kumakain ng carbonara at umiinom ng dutchmil. Naiirita pa nga 'yan. Ang hilig ko raw sa maputlang pagkain.
"May bayad ba 'to?"
"Hindi. Bigay 'yan."
Biglang nagningning ang mata ko kaya dali-dali kong inayos ang mga nasa table at iniligay d'on ang tray. Nilantakan ko na rin agad ang carbonara dahil nga nagmamadali na 'ko't para matapos na 'tong mga plates.
"Ikaw magbalik niyan, ha." Ani Neri pagkatapos ko dumighay.
"Uy yawa. Neri naman, oh. Pakisuyo na lang, marami pa 'kong gagawin, eh." Pagpapaawa ko sa kaniya.
"Kaya ka siguro nagkakasakit kasi hinahalikan ka ng demonyo. Saka, Joseph, sabi ng nagbigay sa 'yo niyan. Ikaw daw magbalik ng tray sa canteen. Ako ba si Joseph?"
"Pinagsasabi mo? Akala ko ikaw nagbigay nito?"
"Wala akong sinabing ako nagbigay. Nilamon mo lang 'yan bigla, dzaih."
"Putangina?"
Wala akong nagawa kun'di pumunta sa canteen para ibalik itong tray. May sama ng loob pa 'kong umalis kahit na nag-offer si Neri na babantayan ang mga plates ko. Kahit na ba, nakakain ako ng tanghalian na hindi ko alam kung kanino galing. Baka may lason 'to.
Nang maibalik ko na sa counter 'yung tray ay takbo-lakad akong pumunta pabalik sa building namin dahil malapit ng mag-ala una.
"Ay putangina." Dali-dali akong tumayo at hindi ininda ang pagkabagsak sa sahig nang matumba.
Nang makapag-pagpag ay sinamaan ko ng tingin ang nakabunggo sa 'kin saka muling naglakad paalis.
"Tanginang kapre 'yan pakalat-kalat." Bulong ko pa rito na sana ay hindi narinig ngunit hindi narinig ang dasal ko nang maramdaman kong may humasok sa pulso ko pagkalampas ko sa kaniya.
"Anong sinabi mo?" Maangas na tanong ng nakabunggo sa 'kin.
Humarap ako sa kaniya at marahas na tinanggal ang pagkakahawak niya sa 'ken.
Noah Rem Mariano. Mayabang porket baseball player at matangkad.
"Ang sabi ko: tangina mong kapre ka, pakalat-kalat." Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina sa maangas ring paraan, "binge, ampota." Dagdag ko pa.
Nagkantyawan na ang mga tao pero wala akong pake. Nakakagago kasi ang awra nitong si Noah. Wala na 'kong pake kung magsuntukan kami dito sa cafeteria.
Lalo akong nainis nang bumakas sa labi niya ang mapanlokong ngisi.
"Bawiin mo yang sinabi mo." He said seriously.
Ginantihan ko siya ng isang mapang-asar na ngiti.
"Alin d'on? 'Yung putangina ka? 'Yung isa kang kapre? O 'yung pakalat-kalat ka?" Nang-iinis na tanong ko.
Lalo akong natuwa nang mabasa ang inis sa mukha niya. Ang pagkaka-alam ko kasi walang nakaka-anong magmura sa harap nito.
"Just take back your words, Joseph." Napaatras ako nang unti-unti siyang lumapit sa 'kin. Hindi ko na lang pinahalatang nasisindak ako dahil sa tangkad niya.
"And what if I don't?" Naghahamong tanong ko.
"Babawiin mo lang naman ang sinabi mo, Joseph." Madiin na ngayon ang pagkakasabi niya.
Hindi ko napansing nakasandal na 'ko sa pader sa kakaatras sa bawat hakbang niya. Wala akong magawa kung hindi samaan na lang siya ng tingin. Tangina, bakit ba 'ko napunta dito? Matyempuhan lang talaga kita.
"Or else?" Pinilit kong asarin pa siya lalo.
"I will kiss you 'til you take back your words."
"Fuck your words, Noah. Sinong tinakot mo?"
"Ikaw."
"Tangina ka ba?"
"Cuss again and you'll kiss satan."
"Gago—"
Wala akong magawa nang dumampi na ang labi niya sa labi ko. Tangina ito na ba 'yung labi ni Satanas?
Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader nang hindi ko na naramdaman ang labi ni Noah pero nakapikit pa rin ako. Hindi ko alam ang irereact kaya napakuyom nalang ako ng kamao.
"You should thank me for your lunch." Bulong niya sa tenga 'ko na siyang nagpakilabot sa buo kong sistema.
"And also for not kissing you 'til you drop." He then patted my head before leaving.
I just found myself speechless and doing nothing for pete's sake!
I heard the crowd cheered but something wake my system up. Tumakbo na lang ako pabalik sa room at hindi ininda ang kahihiyan.
"Putangina, yung mga plates ko!!!"
✐ObnoxiousTofu

BINABASA MO ANG
Lead Me Out of the Blue
RandomColor whose hue is that of the clear sky : of the color blue. Lead Me Out of the Blue is the series of short stories came in the mind out of the blue. The stories written will be revolving around the stories of love intending to make you feel blue (...