N: The story below is the part 02 of LMOB01: Our Story Behind Bars
LMOBseries presents...
❝ A Wall Bars Apart ❞
"Ang bakla mo kyle ikaw naman ang umiiyak HAHAHA."
"Sa gwapo kong 'to bakla? Hell no haha"
I miss her. Her smile. Her laugh. Her existence.
"Pre! Pre! Gising na!"
"Antok pa'ko mom!"
"HAHAHAHA!" minulat ko ang mga mata ko. Fvck! Wala pala ako sa bahay.
"Ang bakla mo talaga, pre! Haha" hinampas pako sa ulo ni George at tsaka muling tumawa.
"Gago!" bulalas ko sa kaniya.
Bakit pa kasi ako nag-pulis. Bwiset.
"Ang ganda-ganda na ng panaginip ko, pre. Magki-kiss na sana kami." umacting pa'ko "...Kaso panira ka kasi. Kainis." napakamot sa ulo si gago. Binatukan ko kasi.
Isa na'kong pulis. Dalawang taon na ang nakaraan matapos ang eksenang 'yon. Muli akong bumisita ng kaarawan niya pero hindi na nasundan.
Ipinagpatuloy ko ang aking naudlot na pangarap. Maging isang pulis. Nagpatuloy ako sa college. Luckily, isa nakong pulis ngayon.
"Anjan po ba si Ma'am Charmaine Valderama? Mayroon kaming warrant of arrest. Sa salang pabebenta ng ilegal na gamot." sambit ni George sa isang lalaki. Mukhang nakita ko na siya. Hindi ko lang alam kung sa asan.
"Cha! May naghahanap sayo."
Then for a seconds everything went slowmo. Nakita kitang lumapit sa lalaki. Kaya pala parehos kayo ng pangalan kasi ikaw 'yon. Si Cha-cha.
"A-ano po 'yon, Sir?" nagulat ka ng makita mo'ko.
"May warrant of arrest kami sayo, Ms. Charmaine Valderama sa kasong Illegal Drug Dealing." mas lalo kang nagulat ng ibigay sayo ni George ang warrant of arrest. Ako. Wala pa ding imik. Hindi ako makapaniwala sa ibinibintang sayo. Pero hahayaan ko lang na malagot ka sa batas. I have to do what is right and what my duty is.
"P-pero s-sir—" tinapik ka ng lalaki sa likuran upang pakalmahin ka. Siya nga, yung asawa mo.
"Sasama po siya." sagot ng asawa mo.
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Gusto kong marinig ang dahilan mo. Pero hindi ko alam kung paano. Lalo pa't hindi pa tayo nagkakaroon ng sapat na closure. You're near at yet I can't reach you.
"Kanina ka pa, pre. Bakit ang tahimik mo. Sa tuwing kasama naman kitang mamigay ng warrant of arrest hindi ka naman ganiyan katahimik. Tinutulungan mo pa nga kong mapasama yung binigyan natin. Looks like you know who she is and it's distructing your whole concentration."
"Kilala ko siya, George. You know, yung babaeng kinukwento ko sayong nakilaka ko dito sa kulungan. Kaya nga dito din ako nagtrabaho eh." nagulat siya sa mga salitang lumabas sa akin.
Humigop siya ng kape at akmang magsasalita ulet "Ow, so siya pala yun. Mukhang pinagkrus muli ang landas niyo. Baka ipagpalit mo nako sa kaniya Bebeh Kyle. Haha." pag-uumpisa niyan.
"Siyempre Bebeh George. Ikaw lang sapat na. Haha." pabalik kong pangangasar dito.
"Ang babakla nito, pwe!" bungad ni Marian sa amin, isa sa babaeng police na naka-assign dito.
"Don't be too obvious, Beybi Mar. Wag kana magselos. Mahal din kita" gago talaga 'tong si George. Pati si Marian di pinalampas.
"Yak lang, George." pagtataray ni Marian at pumunta na sa designated desk niya.

BINABASA MO ANG
Lead Me Out of the Blue
RandomColor whose hue is that of the clear sky : of the color blue. Lead Me Out of the Blue is the series of short stories came in the mind out of the blue. The stories written will be revolving around the stories of love intending to make you feel blue (...