LMOBseries presents...
PALAWAN
Nandito ako ngayon sa Palawan— 'yung pera padala, para kumuha ng payout ko sa—ehem. First time ko 'to, bhe. Alam niyo naman pandemya, kelangan ko kumayod hihi.
Hindi muna 'ko pumasok sa mismong stall. Hinihintay ko pa kasing magbayad 'yung costumer ko.
Nang nasa Seven Eleven kasi kami kanina tapos biglang nagmessage, sabi niya papunta na siyang Palawan. Since walking distance lang 'yung money express mula dito sa Seven Eleven kaya nilakad ko na. Pinauna ko na ring umuwi 'yung mga kasama ko. Aarte pa ba 'ko? Pera na 'tong kukunin ko, bhe.
"Menilyn Mendoza." Pag-announce ng babaeng counter sa speaker. Hindi ako 'yan. Excuse me? Ganda kaya ng pangalan ko.
Sosyal sila ngayon! Last time kumuha ako ng padala dito, de sigaw lang pag-announce nila, ngayon may speaker na. Nakakalago ba pandemya ngayon?
Kung sa bagay, need talaga nila 'yan. Nakamask kasi lahat ngayon, kaya pag nagsisigaw sila hindi clear.
Nakailang oras na 'ko sa paghihintay. Hindi pa rin nagreresponse sa chat ko 'yung costumer. Baka mamaya bogus 'to, ira-rant ko talaga 'yan, queen-ina.
"Mark Renejo Lyn Mariego de Cayabyab." Rinig kong announce na naman ng nasa counter. Hiningal siguro siya, haba kaya n'on.
Kakahintay ko ay binaling ko na lang ang atensiyon sa pakikinig sa announcer. Baka may gwapong tawagin si Ms. Countress. Instant jowa rin yon— char.
"Owen Lim."
Gagi, jackpot! Haha. Chinese, bhe. Chinese!
Hinintay kong may lumapit sa counter para sa transaksyon pero walang lumapit. May ilan-ilan na ring natawag at nakuha ang nais nila— hush. Muling tinawag si Owen Lim kuno and this time may lumapit na.
Hindi naman 'to Chinese!
Sayang! Gusto ko sana magpasakop sa Chinese ngayong year of the ox— char.
Si koya Owen Lim kuno ay naka black plain t-shirt na tinernuhan ng brown loose-pants na tinernuhan ng white nike shoes. Matangkad din, siguro half Chinese siya.
"Ay, sinakop ng intsek!" Gulat ko ng biglang mahulog sa upuan, lumingon kasi sa gawi ko si Owen Lim.
Shet! Ampoge!
Humingi ako ng paumanhin sa mga tao sa lugar kahit hindi naman sila 'yung may ari ng upuan. Nakakahiya kaya, dzaih.
Ibinalik ko ang atensyon kay Koya Owen pero wala na pala siya sa stall.
Sayang! Akala ko talaga masasakop na ang West Phillipine Sea. Gusto ko pa sana humabol kahit February 16 na ngayon. Alam niyo na, after party, ganon, haha.
Sa huli, banas akong umalis sa Palawan. Nabogus ako! Charot, maling akala pala.
Ilang oras na kasi akong naghihintay dito sa Palawan, kung hindi ko pa pinagbantaang irarant na bogus yung costumer hindi pa magrereply ng: "Pinagsasabi mo? Sinabi ko lang na pupunta akong Palawan hindi magbabayad sa 'yo. HAHAHAHA ELTEA."
Medyo true na bobo ako pero utang ng ina. Bagsak balikat mukhang paa akong naglakad pabalik sa bahay. Buti na lang walking distance lang talaga mga establishments dito.
Napagdesisyonan kong dumaan muna sa isang food stand. 'Yung ano, unang kagat tinapay lahat na burjer ng bayan, haha. Ang tagal ko kayang naghintay tapos pinaasa ako na masasakop ang West Philippine Sea at makukuha ko pay out ko.
Akala ko ba, Ox na 2021?!
Kinuha ko muna ang cellphone ko para iadd si Koya niyo Owen Lim at nasave ang . Feeling ko siya na ang sasakop ng West Philippine Sea o kahit on chat sakupan na lang ang maganap, masasatisfy pa rin ako!
So habang nakain ako ng puro tinapay— este burjer pala 'to, may biglang kumalapit sa 'ken. Pepektusan ko na sana kung batang hamog 'to kaso pulis pala, sayang wala akong mapagbubuntungan ng sama ng loob at pighati pero pwede naman sigurong siya nalang— teka, bakit may pulis?
Luh gago, ginawa ko?
"Miss, sabi nung pogi doon may ninakaw ka raw sa kaniya."
"Sa true ka ba manong? Anong ninakaw?" Omji. Kabado 25, bwisit na bintangero 'yan.
"Ewan ko, Miss. Tanungin mo na lang. Ayun siya oh." Adik pala 'to si manong, e. Hilig manturo, amp.
Hindi ako nagsayang ng oras at lumapit don sa malakalapakshet na bintangero. Medyo 'yoko talagang pinagbibintangan ako. Saka sabi niya lumapit 'di ba?
"Hoy!" Sigaw ko lalaking tinutukoy ni manong. Naka cap na itim 'yung lalaki tapos parang pamilyar yung shirt na plain black. Nagce-cellphone siya nang ibaling ang tingin sa 'kin.
Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Why?" Seryosong anito. Omsim na omsim ang boses sa mukha. Gwapo den!
"A-ano kasi— anong binibintang mo sa 'kin? Anong ninakaw ko sa 'yo?!" Parang batang nag-aamok ng away na tanong ko dito. Nakatingala pa 'ko dahil ang tangkad, bhe.
"Wala ba?" Mapang-asar na anito habang naka-smirk. Pusa ka, bhe?
"Halluh, meron?" Nagulat ako ng tumango siya. Napaatras ako ng unti-unti siyang humakbang papalapit sa 'kin.
Owemji napanood ko 'to sa k-drama saka BL. Sakupan na ng isla mangyari sunod nito, hihi. Can't wait!
"Una, ninakawan mo 'ko ng tingin." Pag-uumpisa niya saka humakbang ulit papalapit sa 'kin. Katulad kanina ay umatras ulit ako.
Arte naman kasi nito, tingin lang naman ninakaw sa susunod tikim na— char.
"Pangalawa, ninakawan mo 'ko ng litrato." Nagulat ako nang humakbang siya ulit. Mukhang sa isang pag-atras ko ulit ay sasandal na 'ko sa pader.
"At pangatlo... you stole my heart, miss. Stop fantasizing me. Daretsuhin mo 'ko at ako na mismo ang sasakop sa West Philippine Sea." He smirked na lalong kinalaki ng mata.
Owemji. Mom, I'm getting married!
✐Tokwangkyot

BINABASA MO ANG
Lead Me Out of the Blue
RandomColor whose hue is that of the clear sky : of the color blue. Lead Me Out of the Blue is the series of short stories came in the mind out of the blue. The stories written will be revolving around the stories of love intending to make you feel blue (...