LMOBseries presents...
Naiinggit Ako
Oh my gosh! As in OMG! Hindi ko na kaya mahihimatay na yata ako sa kilig!
"Eden! Eden! Eden!" Kinikilig na pagtawag ko sa bestfriend kong si Eden pagpasok ko ng room.
"Oh?" Iritang ani niya. Nagsusulat kasi siya ng script para sa theatre play.
"'Yung ship natin, bhe! Nagkiss sa cafeteria!"
Natigil siya sa pagsusulat at lumingon sa 'kin.
"Talaga? Paano, e hindi naman sila nag-uusap?" Nagtatakang anito.
Kung ako nga rin nagulat dahil nag-kiss sila! Imagine sina Noah Rem at Mark Joseph nag-kiss!
"Hindi ko din talaga alam, bhe! Sabihin mong nanaginip ako."
"Oo, Chae. Nananaginip ka." Sagot naman nito.
"Ahhhhhhhhh! Kinikilig ako!" Hindi ko napigilan at napatili.
Bigla akong bumalik sa katinuan ng batuhin ako ng papel ni Eden.
"Gaga umayos ka. Magkukuwento lang, e. Parang siraulo."
Napakamot ako sa ulo kung saan tinamaan ng papel. Epal rin talaga 'to ng moment madalas. Mabuti nga at wala kaming klase ng after lunch kaya walang magrereklamo sa ingay ko dahil kaming dalawa lang nasa room.
"Basta ganito, bhe. Pagdating ko kasi sa canteen naka-kabedon moments na sila Noah Rem. Akala pa nga namin nag-aaway sila kasi nagmumura na si Mark Joseph tapos sabi ni Noah Rem: Cuss again and you'll kiss satan." Pagkukuwento ko sa nasaksihan ko sa canteen with action pa.
"Tapos nagmura pa rin si Mark Joseph tapos doon na sila nagkiss?" Pagdagdag ni Eden sa kuwento na parang alam niya na ang nangyari.
"OMG! Paano mo nalaman 'yon? Manghuhula ka ba, bhe?" Inosenteng tanong ko sa kaniya.
Tinignan ko pa ang mga gamit niya baka may dala pala 'tong tarot cards. Natigil lang ako nang bigla niyang tapikin ang kamay ko.
"Hindi. Nabasa ko na 'yan sa Wattpad, e."
"Ay, ganon? Pero, bhe, tingin mo sila magkakatuluyan?"
"Depende kay Noah Rem. Daming chix n'on. Saka tignan mo bukas puro away pa 'rin yang dalawa. Saka 'wag mo muna 'ko chikahin, andami ko pang susulating scripts." Komento niya at nagsulat na ulit sa papel. Hindi ko na lang siya kinulit ulit dahil naalala kong may kakabisaduhin din akong script para sa play.
"OMG, bhe! Sabi na may dala kang tarot cards, e. Hulaan mo naman lucky color ko for today." Compliment ko kay Eden nang makadaan kami papasok sa hallway.
Maaga sana kaming papasok ngayon kaso nalate ako ng gising kaya 'yung 7AM naging 8AM at may play pa kami ng 8:30AM!
"Tara na, Chae. Maya kana kiligin sa dalawang 'yan. May play pa tayo." Pangungulit ni Eden.
Nakahinto pa rin kami sa hallway habang sinisilayan ang JoAh moments sa baseball feild. Oh, 'di ba? Shipname palang halatang magkakatuluyan na.
"Teka lang, bhe. Picture-an ko lang sila. Isa lang promise!"
"Bilisan mo."
Dali-dali kong kinuha ang camera ko sa bag at pinicturan sila. Nag-aagawan sila ng envelope ngayon. 'Yan siguro 'yung papeles niya sa page-exchange student sa AIS. Wala lang ramdam ko lang.
"Bilisan mo na, Chae. Matagal pa ba 'yan?" Atat na ata na ani ni Eden.
Alam ko namang hindi ako iiwan niyan dahil magkagrupo kami. Last time kasi na may play kami tapos iniwan niya 'ko, siya rin naghanap sa 'kin kasi nawala ako kakasunod kina Noah Rem at Mark Joseph.
"Ay, gagi. Teka magpipicture ako ulit, camera ng school journalism nagamit ko." Nagmamadali na 'kong magpicture dahil baka kutusan na 'ko ni Eden.
"OMG! Natumba sila! Uwaaaaa! I'm so kinikilig!" Impit akong napatili dahil sa scenario nila Noah Rem. Nasa hallway kasi kami kaya hininaan ko lang ang boses buti na lang at wala pang klase sa part ng building na 'to.
Lalo akong kinilig nang natumba sila sa damuhan habang nasa ibabaw naman ni Mark Joseph si Noah Rem.
Kyaaah! Magki-kiss sila!
Habang nakapatong sa isa't isa ay pinipilit pa ring agawin ni Mark Joseph ang envelope kay Noah Rem.
"Kyaaaah! Nag-kiss sila!" Hindi ko na napigilan at napasigaw na 'ko sa kilig.
OMG! Nag-kiss sila sa damuhan! Ang cheap pero...
"Kinikilig ako! Huhu, sana all! Ihanap niyo 'ko ng ka-lp sa damuhan." Pagdadrama ko.
"Nakakainis ka talaga, Chae. Tara na nga." Hindi na siya nakatiis at hinatak na niya 'ko paalis.
"'Wag ka nga magpabigat. Isip bata naman nito, oh."
"Uwaaaa! Naiinggit ako! Naiinggit ako!" Parang batang aniko habang hinahatak ni Eden. Ang saya pala ng ganito parang play-play lang.
"Manahimik ka nga, Chae."
"Ayaw!"
"Isa."
"Hanap mo 'ko 'non!" Sambit ko sabay turo sa may baseball field.
"Ano ba 'yan ang kulit."
Binatawan niya na 'ko nang mas lalo akong nagpabigat sa paghila niya. Nagbitiw siya ng malalim na buntong hininga.
Nanlaki ang mata ko nang bigla niya 'kong halikan sa labi!
"Manahimik ka sabi." Naiiritang ani niya matapos akong halikan.
Kinuha niya na sa kamay ko ang dala-dala 'kong props para sa play at nagsabing "Bahala ka nga diyan" bago umalis. Napansin ko pa ang pamumula ng mukha niya.
Naiwan akong walang imik dahil sa nangyari. Napahawak ako sa labi ko't naalala ang pagdampi ng labi sa labi ko sa ilang segundo.
"Ang first kiss ko!"
✐ObnoxiousTofu
BINABASA MO ANG
Lead Me Out of the Blue
РазноеColor whose hue is that of the clear sky : of the color blue. Lead Me Out of the Blue is the series of short stories came in the mind out of the blue. The stories written will be revolving around the stories of love intending to make you feel blue (...