LMOB06

3 0 0
                                    

LMOBseries presents...

Mischievous Dance

"AHHHHHH!" matinis kong sigaw ng bigla kang lumitaw sa harapan ko na suot ang maskarang halimaw.

"Pfffft HAHAHAHAHAHA How I wish you could see your epic face HAHAHAHA." nakahawak ka sa tiyan mo habang tumatawa.

"Ang pakay lang naman natin maglaro ng tagu-taguan, bakit nanggugulat ka!" inis kong usal sayo. Napapaimpit ka nalang ng tawa dahil alam kong mukha akong manang sa mga oras na'to.

Tuwing gabi tatawagin mo'ko para lang maglaro ng tagu-taguan, nung bata tayo. Sounds weird kasi gabi pero g na g pa din ako kahit pag-uwi sa bahay pagpapaluin ako ng hanger sa pwet.


Nagsimula sa asaran hanggang nauwi ♬♫
Sa seryosohan ang pinag-uusapan ♬♫
At 'di na namalayan ♬♫
Na dahan-dahan na binubuksan ang pintuan ♪♩

"Pag ikaw kinarma jan sa pambabae mo naku! Naku talaga!"

"Ikaw lang naman love ko kahit marami akong babae. Ikaw kasi ayaw mo'kong mahalin pabalik." kamot kamot ka sa batok mo. Hindi ko narinig ang huling sinabi dahil medyo mahina.

"Ano?" mataray kong sabi.

"Wala! Wala! Ang pangit mo para kang siopao."

"Tse!"

Nang makatungtong tayo ng highschool mas lalo kang naging loko-loko. Malay ko bang magiging playboy ka. Kaya nga palagi kitang sinasabihan bukod kasi sa baka makarma ka........nagseselos ako.

Ng ating mga damdamin na tila may ♬♫
Kakaibang nangyayari di maipahiwatig ♬♫
Ang ibig na sabihin may gusto ka bang aminin ♬♫♪
Pero hindi mo na kailangan pa ♪♩

"Due to so much stress and lack of sleep nagmalfunction po ang retina ng mata ng anak niyo, Misis. Kaya panandalian nagshutdown ang paningin ng anak niyo. If hindi makakarecover maari po siyang mabulag." sambit ng doctor at nagpaalam ng aalis.

"M-ma mabubulag na ba a-ako?"

"Hindi ka mabubulag anak. Gagawa tayo ng paraan."

3rd year highschool. Nasobrahan daw ako sa paggamit ng mga gadjets kaya nagtemporary shutdown ang paningin ko. Noong una hindi ko matanggap dahil may posibilidad na hindi ako makarecover but thanks to you. Nalilimutan ko minsan na hindi ako nakakakita dahil pinapasaya moko sa mga simpleng kalokohan mo.

"Alam mo ba?" matino kong tanong.

"Hindi pa."

"Pffft baliw." impit tawa kong sabi tsaka kumain ng binili mong chichirya.

"Sige ano 'yon." seryoso mongsabi.

"Kung hindi siguro ako na bulag. Makakasama sana ako sa Mischievous Night." medyo lumungkot ang boses ko.

Naramdaman kong lumapit ka sakin sa pagkakaupo. Akala ko'y magsasalita ka pero bigla mong inagaw ang hawak kong chichirya.

"Hoy akin yan. Bwisit ka!" asal ko narinig kong tumawa lang siya.

"Alam mo, swerte ka nga kasi hindi ka makakapunta sa party na yun. Nakakabaliw kaya yung party na yun."

"Porket mischievous, negative agad?"

"Kasi nga nakakabaliw hindi ko makikita ang kagandahan mo sa gabing yun."

Hindi ko alam pero parang biglang tumahimik ang mundo. Hindi ako nakakita pero randam kong nakatitig ka sakin.

Lead Me Out of the BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon