Note: Yo pips! This part is the story 2 of Pagtingin. Salamat haha!
(Play the Song: MAGBALIK by Callalily)
...................................................................
LMOBseries presents..."MAGBALIK"
*Knock!* *Knock!*
"Victory!" anunsyo ng computer sa pagkapanalo ko sa battle.
Pumihit ako at pinalakas ang tunog ng speaker at pinalitan ang kanta.
"Wala nang dating pagtingin ♬♫
Sawa na ba saking lambing ♪♩"
Natigilan ako sa sumunod na kanta.
'Mean...'
*Knock!* *Knock!*
Umiling-iling ako. ''Wag ngayon Alfred. 'Wag na ulit!', pagpigil ko sa sarili at bumuntong hininga.
Tumayo ako at dumako sa pintuan ng bumungad sa'ken si Red.
"Pare!" bati namin sa isa't isa at nag'fistbump.
"Happy Birthday! " masiglang bati niya, natawa nalang ako at binatukan siya. "Putsa! Happy birthday na nga eh!"
'Birthday ko nga pala haha'.
"Salamat, bihis na bihis ka ah." sagot ko at tinignan ang kabuuan niyang bihis na bihis. "Pasok ka dre." aya ko.
"'Wag na, dumalaw lang ako para ayain ka—oh ang baduy ng kanta dre." banggit niya sa kanta't nakinig kaya napapasok sa loob at sinabayan naman.
"Wala namang dahilan ♬♫
Bakit bigla nalang nang iwan? ♪♩"
'Gago talaga.'
"Baduy pero sinabayan." pang-aasar ko rito at natawa naman siya.
"Kidding lang dre, favorite ko 'yan haha!" pagbawi niya sa sinabi, tawa nalang ang sagot 'ko. "Ouy, gamebox!" nasasabik na dagdag niya at lumapit sa desk kung saan nakapatong ang gamebox.
'Isip bata talaga..'
Sumunod naman ako sa kaniya.
"Nasaan 'yung wires nito?" pagtatanong niya at akmang bubuksan ang drawer ng desk ng bigla ko siyang pigilan.
"Nand'on." duro ko sa tabi ng TV at isinara ng tuluyan ang drawer kung saan nakalagay ang picture frame namin ni Mean.
Bumuntong hininga ako at nagpunas ng noo. 'Whoo! Muntikan na yon!'
Lumapit siya sa TV at sinalpak ang mga wire ng gamebox.
"Di na alam ang gagawin ♬♫
Upang ika'y magbalik sakin ♪♩"
Natulala lang ako ng maalalang wala pala siyang alam tungkol sa'min ni Mean. Hindi sa dahil nawala siya't nagpa-iwan sa states para tapusin ang kurso. Masiyado kasing kumplikado lalo pa't kauuwi lang niya at hindi ko man lang nasabing nagka-girlfriend ako.
Bumuntong hininga ako't sinabayan siya sa paglalaro.
"Pagkatapos ng game na'to labas tayo. May bagong bukas na coffee comshop sa pwesto dati ng Tito Mars mo." pagsira niya sa katahimikan sa pagitan namin habang nakatutok parin sa screen ng TV at nagkukuntrol sa controlpad. "Ay shete!" natawa ako sa reasyon ng biglang sumablay at mabaril ng kalaban.
"Hoy! Bilisan mo na d'yan!" dinig kong sigaw ni Red mula sa baba. Dali-dali nakong nagsuot ng longsleeves na hapit naman sa katawan ko. Nagpabango ng kaunti at bumaba na. "Ang tagal mo naman!" naiinis na bungad sa'kin ni Red pagkababa ko. "Para kang babae!" dagdag niya, natawa naman ako.
BINABASA MO ANG
Lead Me Out of the Blue
אקראיColor whose hue is that of the clear sky : of the color blue. Lead Me Out of the Blue is the series of short stories came in the mind out of the blue. The stories written will be revolving around the stories of love intending to make you feel blue (...