LMOB08

1 0 0
                                    

Note: Play the song Pagtingin by Ben&Ben.
....................................................................
LMOBseries presents...

"PAGTINGIN"

"Eh gago ka pala eh!" tumayo ang isang costumer mula sa computer number 8 at humarap sa katabi nito. "Ano... Suntukan nalang oh oh!".

"Hahahahaha." kalmadong tawa ng sinigawan niyang lalaki kanina, nasa table number 9 siya.

"Namimikon ka pa ah!" maangas na dinambahan ng suntok ng lalaki kanina si kuya na agad naman nitong nasalo.

'Astig!'

"Pikon ka eh... wala nakong magagawa haha." nakangising mapang-asar pa din si kuya at iniwan sa ere ang kamao nung isa.

Parang nanonood ako ng action film sa loob ng comshop haha!

"Gago ka talaga no!" mayabang na muling sinuntok ni kuyang pikon si kuyang palatawa na naiwasan naman nito.

Nagsimula na silang magpalitan ng suntok. Kanina'y umiilag-ilag lang si kuyang palatawa pero nang biglang matamaan sa mukha ay nagsimula na silang magpalitan ng suntok sa isa't isa.

*splash!*

Tumilapon sa sahig ang cappuccino na nakapatong sa table ng computer!

"Hoy Hoy Hoy! Ano sa tingin niyo itong cafe comshop na itey... Boxing Ring?!" kumekembot kembot na galit na pumunta si Ma'am Mars sa mga lalaking nagsusuntukan na agad namang tumigil. "Sinong pasimuno nito!!!"

"Si Rego po, Ma'am!!!"

"Dinambahan ni Rego si Alfred kaya sila nag-away!"

"Pumatol-patol pa kasi si Alfred. Alam niyang pikunin sa laro yan!"

"Eh dre... Badtrip naman talaga kalaro yang Rego na yan!"

"Tsk! Tsk! Tsk!"

Dahil gabi na, pinauwi na lahat ng tao sa loob ng cafe comshop. Saktong alas otso kasi ng may magrambulan.

"Rego!"

"M-ma'am" utal ito at tumango.

"Aba'y naiistress ang beauty ko sayo!! Always kang pikon ditey sa cafe comshop!! Isang ulit mo pa at iba-ban na kita!! Kaloka ka, alis!" malambot pero maawtoridad na sermon nito.

Lumingon siya kay Alfred na kasalukuyang naglilinis ng kuko niya gamit ang kabila nitong kuko.

Naalala kong siya din yung lalaking ngingisi ngisi kahit napipikon na itong Rego. Tsk tsk Maangas!

"At ikaw naman!! Ilang beses ka ng napapaaway dito sa cafe comshop!! Gusto mo bang pauwiin kita!!"

"Sorry.." walang emosyon nitong sabi habang naglilinis padin ng kuko niya. "..Hindi ko kasi alam na puro pikunin ang mga customers mo dito, psh!"

Tumalikod si Alfred nang hindi man lang sumulyap samin, ni hindi man lang siya sinaway ni Ma'am Mars.

"Oh ija! Julog kana sa kwarto mo, pagkatapos mo jaan!" maarteng dagdag nito.

"Sige po Mamars." ngiti kong sagot habang nagwawalis ng bubog mula sa basag na cup.

"Ahmm-- teh! Sorry sa ganap kanina ah.. Nastress pa tuloy ang beauty mo.. Perstaym mo pa naman.."

"Sus wala 'yun Mamars hehe!"

Nginitian ako ni Ma'am Mars at umakyat sa taas.

Hanggang ngayon nagpapasalamat talaga ko kay Ma'am Mars dahil dito ako napunta sa kaniya ngayong summer job. Magkaibigan kasi sila ng Mommy ko at saktuhan na dito ako ibinagsak, parusa sa nagawa kong kasalanan noon.

Lead Me Out of the BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon