LMOBseries presents...
I LOVE YOU, MA'AM
"Oh siya, bumalik na kayo sa respective class niyo."
"Yes, Sir!" sumaludo pa ang napakakulit kong kaibigan, si Kel.
Kasalukuyan kaming nasa tapat na pintuan ng Disciplinary Office; nahuli kasi kaming muntik ng magover-the-bakod ni Sir Cholo kanina. Aminadong bulakbol, pasaway at Dean's lister hindi dahil sa matalino kundi dahil sa suki ng Disciplinary Office. Wala eh, masayang tumambay.
"Woy, Neo! Tara na. Anong tinitingin mo diyan?" pagtawag sa 'kin ni Kel.
Tinitignan ko kasi ang babae sa di kalayuan. Nakaupo habang pinapanood kumain ang kulay puting pusa. Hindi ko alam pero may something sa kaniya na interesante.
"W-wala 'to." pinilit kong magtunog normal para hindi na maasar nitong si Kel. Iba pa naman ang saltik ng isang 'to.
Bumalik na kami sa classroom. Madalas binabanggit niya ng tanong kung sino o ano ang tinitignan ko kanina. Hindi nalang ako sumasagot. Pero sadyang makulit ang isang 'to porket chix daw ba o crush ko. Mga kalokohan talaga nitong si Kel.
"Hydra ito na ang pagkain, kumain ka na." narinig ko na naman ang pagtawag na 'yon ng babaeng nakita ko sa DO kamakailan. May hawak siyang tupperware na may lamang pagkain na madalas niyang gawin.
Nitong mga nakalipas na araw madalas ko siyang makasalubong o makita na pinapakain ang alaga niya yatang pusa. Base sa uniporme niya na palaging suot, isa siyang teacher ng Junior Highschool students.
Hindi ko napansing papalapit na 'ko dito at bumati ng, "Good Mornong po, Ma'am."
"Ahm. Good morning din. Saan ang punta mo?" nagulat ito nang umpisa pero bumati din ng ngiti.
"Pauwi na po. Actually wala po talaga kaming pasok ngayon, idinaan ko lang po talaga yung report ko kay Sir Cholo."
Bahagya itong natigilan pero tumango nalang din, "Ahh gan'on ba? 'Wag kana pala mag-po sa 'kin ang bata ko pa. At saka nakatanda hehe." tumango din ako bilang tugon.
Bahagya akong napaatras nang kinuha niya ang puting pusa at kinarga, "Nga pala ito si Hydra, school cat. Inalagaan ko nalang siya kasi palaboy-laboy— uy 'wag kang matakot haha."
Natigilan ako ng marinig ang tawa ni Ma'am, nakakahipnotismo. Alam kong bakla pakinggan pero parang nagslowmo ang bawat paggalaw at tawa ni Ma'am. Anong nangyayare?
"Ma'am..."
"Ano ka ba? 'Wag kang matakot pusa lang 'to eh. Nga pala anong pangalan mo?"
Tila bumalik ako sa reyalidad ng makita ang mukha ng pusa. Magkaiba ang kulay ng dalawang mata nito. Blue ang sa kanan at green sa kaliwa. Magandang tignan ang pusa pero kasi...
"Neo." wala sa sariling sambit ko. Nakatingin ako sa mata ng pusa na parang ahas.
"Hmmm... Hi Neo! Ako naman si Narra." parang batang nakikipagkilala sa kalaro nitong sambit ni Ma'am habang alok nito para makipagkamay.
--
Tawa ng tawa si Ma'am Nara sa reaksyon ko daw. Hindi ko siya masisi, mukhang natatae siguro ako na nakangiwi dahil sa kulay puting pusa n 'to na Hydra daw ang pangalan.
Sa tuwing lumalapit si Ma'am dala ang pusa ay lumalayo ako. Medyo natrauma kasi ako dati noong nakagat ng pusa. At tsaka ang creepy nila tumingin.
Biernes ngayon at holiday pero bumalik ako ng school para ipasa ang ibang report. Nagstay muna 'ko dito para makasama si Ma'am at makipagkulitan. Wala naman akong gagawin pag-uwi.

BINABASA MO ANG
Lead Me Out of the Blue
RandomColor whose hue is that of the clear sky : of the color blue. Lead Me Out of the Blue is the series of short stories came in the mind out of the blue. The stories written will be revolving around the stories of love intending to make you feel blue (...