Chapter 12

42 5 0
                                    

Chapter 12

Agad akong hinala ni kuya pababa sa dining area napaang ako sa gulat kung saan ba ako sasama kay Rhay o kay Kuya?

"Magkaibigan mo ba talaga yon?" seryosong sabi ni kuya wala akong mahanap na isasagot sa kanya.

"Yes. Kuya" pahinang sabi ko pinagtaasan nya naman ako ng kilay kaya tumingen nalang ako sa iba. Shit!

"Kakaiba ang tao na yon, hindi sya bata kaibigan para sa akin, Az. Mag ingat ka." pangangaral nya sa akin tumango nalang ako.

Agad akong umalis sa taas at pumunta sa baba. Naabutan ko si Rhay na nakaupo sa sofa at nanunuof ng tv. Agad akong umupo at nagulat sya nung makita ako.

"Pagpasensyahan muna si Kuya, medyo wala sa hulog." natatawang sabi ko kaya naman nakita ko syang ngumiti ng walang alinlangan.

"Ayos lang love, basta wag mo akong iiwan." seryosong sabi nya napangiti naman ako at ginulo ang buhok nya. May nag pekeng ubo sa likod kaya naman hindi na kami nagulat ni Rhay ng makita si Kuya.

"Anong pagkain dito?" seryosong sabi nya at pumunta sa kitchen binuksan ang ref at nagtitingen. "Hindi ka ba marunong magluto?" tanong nya hindi ko alam kung sino ako ba o si Rhay.

"Ako na kuya." prisenta ko at agad akong tumayo pero hinawakan ni Rhay ang aking kamay at sya ang tumayo at pinaupo ako.

"Ako na," pabitin nya at bumulong. "pakitang gilas man lang sa babae ko." ngisi nya bago ako iniwan. Agad akong napakagat labi at pinilit maging seryoso.

Lumapit si Kuya sa akin ako naman ay focus sa ginagawa ni Rhay. Nagagayat sya ng sibuyas tapos bawang, sabay lagay sa kawali ano kayang lulutuin nito.

"Magaling naman pala yang kaibigan mong magluto ei." may diin sa bawat salita ni Kuya. Psh! Hindi lang magaling, sweet din yan.

"Anong iningigiti mo dyan? Puntahan mo at tulungan." seryosong sabi nya at nalaglag ang aking panga.

"Tutulungan ko sya?" utal man ay nagawa kong itanong yon. Tumango naman sya at agad akong tumayo at pasimpleng ngumiti.

"Oh anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Rhay matapos akong dumungaw sa niluluto nya.

"Ang bango. Pinapunta ako dito ni Kuya para daw tulungan ka." ngisi ko at nagsimula ng tulungan syang magluto.

Agad kaming natapos sa kinakain namin kasama parin si kuya sa dinner agad din namin nilinis ang pinagakinan at gaya ni kuya nauna na syang umakyat sa taas ng kwarto.

Nakakapagod ang ganito hindi ko mayakap si Az, hindi ko maamoy ang kanyang mabangong buhok at hindi ko pa sya nahahalikan! Peste! Gusto ko ng namnamin ang kanyang labi!

Waaa!

Agad kong pinauna si Az sa taas dahil maghuhugas pa ako ng pinggan at maglolock ng pinto. Natapos na ang lahat at ready na akong umakyat.

Nakita kong nakatayo yung kuya nya sa harap ng kama namin.

"Dito kami ni Az matutulog, dyan ka naman." turo nya sa sofa sa taas, walang ibang kwarto dito, isang kwarto lang para sa amin ni Az.

"What!" medyo may inis pinikit ko muna ang aking mata at huminga ng malalim. Kalma Rhay kuya yan ng girlfriend mo, bayaw mo! "Okay." nakangiting sabi ko at agad silang humiga sa kama ako naman ay humiga nalang sa sofa.

Pinikit ko na ang aking mata pero hindi parin ako komportable ilang minutong nagtagal ay hindi talaga ako makatulog, malamig pa dahil konti lang ang aking kumot. Napamulat ako ng biglang may naramdaman akong kumot nakita ko si Az na nakangiti napa ngiti din ako sa ginawa nya

'Cuz I Love You Where stories live. Discover now