Chapter 9

35 6 0
                                    

Chapter 9

"Ano ba ang problema mo?" inis na sabi ko at binitawan ang kanyang kamay. "Bakit hindi mo ako kinakausap?"

"Ano bang sasabihin ko?" malamig na balik nya sa akin napakunot-noo naman ako sa sinagot nya.

"Look! Di talaga kita maintindihan! Kahit kelan!" inis na ako sa hambog nato kahapon lang ay ayos pa itong kausap ah. "Ano tititig ka na lang ba?!" sigaw ko at natigilan sya. Bumuntong hininga muna sya tsaka sya nagsalita.

"Nasaktan ako..." pabitin nya doon ako nagulat dahil nabasag na ang boses nya. At pilit lang nyang ayusin. "Nasasaktan ako....paulit-ulit." doon na sya tumungo at nagpahid ng luha. Nagyon ko lang sya nakitang umiiyak dahil kahit kelan diko pa sya nakiktang umiiyak.

"Nasasaktan?! Saan?! Tell me!!" naiinis pa din ako sa pambibitin nya. "Tell me!!" sigaw ko sa kanya.

"Nasasaktan ako! At lagi nalang...!" naubos na ang pasensya ko dahil puta! Nagpapabitin pa!

"Saan nga?! Puro ka pabitin!!"

"Nasasaktan ako kahit di naman dapat! Nasasaktan ako kahit wala naman tayo! Nasasaktan ako dahil kahit kelan hindi mo ako mamahalin! Nasasaktan ako dahil tinutulungan lang kita para malayo kay Yna! Nasasaktan ako dahil may kailangan ka lang saken! Nasasaktan ako dahil paulit-ulit kong sinasabe na sana nagustuhan mo nalang din ako! Nasasaktan ako napaka inosente nyang ugali mo pati nararamdaman ko hindi mo alam!" sigaw nya sa akin. Doon ako natigilan. "Nasasaktan ako ng... paulit-ulit... ulit.." mahinang sabi nya doon na ulit nagtuloy ang luha nya. "Ano ba ang ayaw mo sa akin? Wala ba sa akin ang gusto mo sa ibang babae? Wala ba akong karapatan na angkinin ka? Puro ba ex mo nalang ang mamahalin mo? Paano naman ako? Hanggang fake lang ba?" mapait syang ngumiti at doon at naguilty.

"I’m sorry, pero diko pa kaya. Pumunta ang ex ko at humihinge ng second chance---"

"At binigyan mo naman?" mapait syang ngumiti at ramdam ko ang sakit. Akala ko ba mahal mo sya Rhay? Nasaan na yung mga ilang araw na gusto mo syang makita? Nasaan na. "Paano naman ako? Masasaktan na lang ba?" umiling ako sa kawalan ng maisasagot.

"I’m sorry. I can’t let her go. I’m in love with her. At hindi ko kayang mahalin ka." pati ako nasaktan sa sinabe ko. May kirot habang nakatingin sa kanyang muka na ngayon ay puro luha. "I’m sorry. It’s over. I let you go." tsaka ko sya iniwan.

Alam kong masakit pero bumalik na ang ex ko dapat ko bang bigyan pa sya ng pagkakataon? O dapat sa iba ko na ibaling ang nararamdaman ko? Ah! I’m sorry Az.
                                                                        
                                                   
             
Iniwan na naman ako.

Puro ba sakit lang ang dulot sa akin? Puro ba luha nalang ang lalabas sa akin? Kelan ba naman ako pipiliin?

Nasapo ko ang aking noo at umupo sa baba doon ko niyakap ang aking tuhod habang umiiyak. "Kelan ba ako mamahalin?" mapait kong tanong at tumingala doon ko nakita ang pagdilim ng langit at kasabay nito ang pagkidlat. At doon na tumulo ang malakas na ulan kasabay ng iyak ko. Bakit kaya umuulan sa twing may nasasaktan? Kaya ba umuulan para maitago ang luha na lumabas sa mata mo?

Tumayo ako kahit na naulan pa kinuha ko ang aking mga gamit na diko alam na nahulog na pala. Wala ako sa sariling naglalakad wala akong lakas para mag drive. Wala akong lakas para mabuhay pa. Napangiti may ay may luhang lumabas dahil hanggang ngayon. Nasasaktan ako.

'Cuz I Love You Where stories live. Discover now