EPILOGUE

101 3 2
                                    


"Congrats nga pala sa bagong project!" malugod na bati sa akin ng dalawang kupal. 


"Salamat from the bottom of my heart." ngiti ko nalang sa kanila pero deep inside, hindi ko alam kung tama pa ba 'yung pinasok kong partnership. 


"Luh, hindi sincere 'yung thank you." rinig kong sabi ni Manuel bago sila sumimangot kunwari ni Ion. 


"Mga tanga ba kayo? Sira ulo amputa." inis na tingin ko sa kanila bago umupo sa swivel chair ko at nag-iisip. 


"Hayaan mo na, ganyan talaga pag madaming iniisip tapos... hindi pa nakaka-move on." dinig kong bulong naman ni Ion pero hinagisan ko lang sila ng ballpen, 'yun kasi naabot ko kaagad. 


Sa mga sumunod na araw, hindi pa rin makasink-in sa utak ko lahat ng gagawin kong project ngayon. Handa na nga ba ako? Kaya ko na nga ba? Pwede na naman siguro, matagal na naman diba?


"Hoy Boss V, ready na po ang sasakyan." sabi ng kupal na si Ion habang papunta kami sa bago naming ka business partner para mag meeting. Ito ang unang beses na magkakausap kami kaya kailangan paghandaan ang partnership. 


Kinakabahan ako kasi, sino ba naman ako para makipag partner sa malaki nilang kumpanya pero ginawa ko pa ring makipag partnership. Kaya lang nahihiya akong harapin sila, lalo na dahil sa past. Hindi pala ako nahihiya, kinakabahan lang. Tatlong taon pa lang naman 'yung kumpanya kong pinaghirapan pagkatapos ko magresign bilang isang Engineer. 


"Gago, 'wag mo sabihin sa aking natatae ka?" kinakabahang tanong sa akin ni Ion habang nasa loob kami ng sasakyan. 


"Tanga, kinakabahan lang natatae ka agad? Sira ulo ka talagang animal ka." sagot ko sa kan'ya. 


 "Tol, 'wag ka na kabahan. Para namang bago ka lang pagdating sa business. Nakakahiya naman ang kasikatan mo!" dagdag n'ya pa, hindi ko alam kung pampalubag-loob ba iyon o pang-aasar eh. 


Parang iba na 'yung pakiramdam ko ng makarating kami. Ito na ba ang matagal ko ng ayaw makaharap?


"Mr. Vince Kiel Svion, it was so nice to meet you, again. Have a seat." mommy ni Gail. Ang galing. Buti naman at nakahinga ako ng maluwag. Parang ayaw ko na tuloy ituloy ito.


Hindi ko alam kung bakit ko na manage maging professional sa harapan nila pero sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung tama bang makipagpartnership sa kanila eh. And isa pa, sigurado akong ayaw ako makita ng babaeng 'yun, o baka nga hindi n'ya pa alam na ako ang kapartner n'ya. Papalitan na raw kasi niya ang mommy n'ya sabi nila so baka hindi niya pa alam, posible naman. Ewan ko, pero bahala na. 


Nagpa-late talaga ako sa ground breaking kasi, malay ko rin. Ewan, basta hindi ko gusto na makita siya. Parang gusto ko na nga mag back-out pero hindi na pwede. Tanga tanga lang. 


"Mr. Vince Svion, finally you arrived!" kaliwa't-kanan 'yung bati ko sa mga guests para mabaling naman 'yung atensyon ko sa iba. Ang totoo kasi, hindi ko rin alam kung bakit sobrang dami ko atang kilalang business personalities. Sikat nga ba talaga ako? Malay ko, pero Vince ata ito? Panis ka na naman Ion at Manuel! 

When It HitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon