36

84 4 1
                                    


[him]


"Oh pre? Saan ang punta mo na naman? Mangbababae ka?" tanong ng lokong si Ion na naman, bakit ba kasi kasama ko pa ito rito sa dorm?


"Tanga may pupuntahan lang, babae kaagad? Gaya mo ako sa iyo!" sabat ko sa kaniya bago ihagis ang tuwalya niya. "Maligo ka nga, ang baho mo!" sigaw ko pa bago lumabas ng dorm. Magkasama kasi kaming dalawa sa iisang dorm dahil, hindi ko rin alam. Joke, dahil wala lang, choice lang naming dalawa tsaka ayaw ko naman mag-isa. Mas pipiliin ko pa bumukod kesa tumira sa bahay nila Mama, wala naman akong kasama roon.


Aalis ako ngayon kahit tinatamad ako kasi kagagaling lang namin sa training at nakatanggap ako ng tawag sa Mama ko, bale Tita ko iyon, Mama lang tawag ko kasi trip niyang tawagin 'ko siyang Mama. Nakatanggap ako ng tawag na nandito na raw ulit ang anak niyang si Bailey, 'yung pinsan kong gago. Bakit ba kasi bumalik pa siya eh lumayas na siya sa kanila?! 


[Anak? Nasaan ka na?] tanong kaagad ni Mama nang masagot ko ang tawag niya. Excited?


"Ah Ma, papunta na ako sa school kung nasaan siya." sagot ko. 


[Salamat Anak. Please, pauwiin mo lang sana siya rito sa America o kahit diyan man lang sa bahay natin.] pakiusap ng aking magandang Mama. 


"Susubukan ko po, Ma. Mag-eenroll siya sa Enderun ba? Tama? Doon na ako papunta ngayon, sige na Ma, tatawagan nalang kita mamaya." sabi ko sabay patay ng tawag. Paano ko ba kasi kakausapin 'yung sutil kong pinsan? Limang taon ang tanda sa akin, pero ang ugali eh daig pa ang kapatid niyang si Baby Bernice. Hays!   


Nang makarating ako sa sakayan dahil wala naman akong kotse, anak naman talaga ng patola at nakalimutan ko pa ang wallet ko! Bumalik ako sa dorm at kinatok ng pagkalakas-lakas si Ion, bingi kasi iyon! "Hoy, buksan mo at kukunin ko ang wallet ko." katok ko sa kan'ya. 


Agad naman niya itong binuksan at may sabon pa sa mukha ang bobo, "Puta ka pre, naliligo ako epal ka?" singhal niya pero binuksan naman ang pinto. Gago lang. 


"Tabi d'yan." tulak ko sa kaniya dahil nakaharang siya sa daan. 


"Hoy, may inuman daw mamayang gabi. Kasama sila Manuel tapos sila Leon, sumama kang ugok ka!" sigaw niya pa habang pabalik sa loob ng cr. 


"Bobo, huli ka na sa balita." sabi ko bago ulit lumabas. 


Nag commute lang ako papunta sa Enderun. Nakakahiya at puro ata mayayaman ang mga nag-aaral dito! Halos lahat ay mga nakakotse at parang... masaya ba sila rito? Parang ang tahimik! 


"Puta naman, saan ko hahanapin ang ugok na iyon?" inis na tanong ko sa sarili ko habang inililibot ang paningin ko sa labas ng school. Natakot pa nga ako sa guard at tinitignan ako! Buti nalang matalino ako at nagkunwaring dito rin nag-aaral. Kumakaway ako kunwari sa malayo para kunwari may mga kaibigan ako. Talino ko talaga!


Naglakad ako papuntang parking lot ng school at nakitang marami ng students ang nasa labas, uwian na ata nila. 

When It HitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon