37

94 5 1
                                    


"Okay, compress lang po for picture taking." cursed this stupid photographer! 


I stepped closer beside Vince pero hindi gaano kalapit, like mga dalawang step ata ang layo ko sa kan'ya. I saw him glared at me pero kaagad ding bumalik ng tingin sa harapan. Just what the hell I am with him? How did this happen???


"Ah, Ms. Jones and Mr. Svion, handshake po." the photographer said again! Sino ba ang naghire rito at sisibakin ko sa trabaho?! 


I smiled as I reached for his hand na kanina pa pala nakalahad. I held it as if its nothing, kasi wala naman talaga. I just can't understand why his hand sent shivers while I'm holding it, hindi ko na tuloy alam kung maayos ba ang ngiti ko sa camera. 


"Okay, 1, 2... 3!" ugh! Ako na kaagad ang unang bimitaw pagkatapos ng picture. Hindi ko na siya hinarap at kinamayan ko nalang lahat ng mga officials and partners namin. 


"It's nice to finally meet the newest CEO of Elite. I heard a lot about you from your Mom, I hope to meet you more Ms. Gail Jones." I freakin' am not yet familiar with these people. I know I should be because this is what my job must be pero hindi pa kasi talaga ako rito sanay, but I'm trying my best though. 


"Yes Sir, me too. Looking forward for more interactions." I said, I swear by you, I really am trying to be nice pero nagiinit talaga ang ulo ko! "Excuse me Sir for a while, I'll just be checking my people." I said after a short conversation. 


I walked and was about to check on my staffs pero kaagad nahagip ng mga mata ko si Vince, nagulat pa nga ako nang bigla rin siyang humarap sa akin! I panicked a little but managed to make it look like I don't care. I just smiled at him a bit and bowed my head a little, tumango lang ako ng kaunti bago naglakad paalis. Mukha namang wala rin siyang paki.  


 After the ceremony, lumayo na kaagad ako. I'm finding my friends at lagot sila sa akin ngayon! 


"Uy, ang sarap ng pasta talaga! Dala 'to ni Ms. Cora, 'yung secretary ni Mr. Vince, diba?" I heard Hans asked Ella. Ugh!


"Sus, kain ka lang ng kain. Wala ka namang ambag tol!" Ella laughed. 


"Tanga, baka dala ko 'yung isang cake roon?" nagtatalo pa sila! Lahat nalang talaga kaaway ni Ella! 


"Hoy kayong dalawa!" I stood right in front of them with my arms crossed over my chest. Naiirita ako sa kanilang dalawa ngayon. 


"Uy, Gail. Ano... kain ka na." yaya ni Ella. 


"Kain? Kain talaga? Eh kung ilibing ko kayo ng buhay doon sa lupa tutal may mga shovel naman doon!?" inis na sabi ko sa kanila. 


"Hoy, wala namang gan'yanan... Sabi ko nga, magbubungkal na ako ng libingan ko!" Hans pouted when I gave him a deadly look. 


"Can you please dare to freakin' explain to me what was this all about?" inis na talaga na sabi ko sa kanila. 

When It HitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon