04

6K 253 4
                                    

Selo Vennice Matteo

"Hi." Bungad niya ng mabuksan ko ang gate. Totoo nga, andito nga ang mokong. Pero akala ko ba may trabaho siya?

"Akala ko ba may trabaho ka?" Pag uusisa ko.

"Nag half day lang ako. I wanna join you there." Nasabi ko nga pala sa kaniya ang tungkol kay Lola kagabi.

"Nag abala ka pa, okay lang naman ako. Dumating naman na kagabi si Kuya kaya may kasama na ako." Naappreciate ko naman na narito siya. Pero nakakahiya lang, kakakilala ko lang siya kagabi.

"Hindi ka abala para sa akin love." Nag init naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Ava dumadamoves ang loko.

"Tigilan mo nga ako diyan sa love love na yan." Saad ko bago ko siya talikura. "Halika na. Sumunod ka sa akin." Dagdag ko pa.

Nakarating naman kami sa sala kung saan nakapuwesto si Lola. 2:00 P.M. na, mamayang 3 ililibing na siya.

Hindi ko naman mapigilang hindi malungkot. Nakaupo na kami ngayon sa sofa, magkatabi kami.

"Hey Vennice, you're sad face doesn't suits you." Napalingon naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. "Don't be sad, alam kong alam mo na ayaw ng lola na maging malungkot ka."

"Malungkot lang naman ako kasi wala na siya, pero tinatanggap ko na. Matanda na rin si Lola, napagod din siguro siya sa pagpapalaki sa amin ni Kuya. Masaya ako na nakapagpahinga na siya." Sagot ko sa kaniya.

Yon naman talaga ang iniisip ko, maraming nagawa si Lola para sa amin ni Kuya. Ipinaramdam niya na mahal na mahal talaga niya kami ni Kuya.

"So Vennice? Your body still hurt?" Pag iiba nito ng usapan na ikinakunot ng noo ko.

"Marinig ka ni Lola, kung ano anong sinasabi mo." Pagsisita ko sa kaniya. "Pero, oo, masakit pa. Pero kaya naman. Effective din naman kanina yong pain reliever na ininom ko."

"Vennice, bakit hindi ka pa nag aayos?" Napalingon naman kami pareho ng nagsalita si Kuya. "And who is this?" Pagturo niya kay Zaak.

"I'm courting your brother." Napanganga naman ako sa sinagot niya. Aba matindi talaga.

Kumunot naman ang noo ni Kuya. "Totoo ba Vennice?" Baling nito sa akin.

"Ahh, hindi Kuya. Nagbibiro lang yan, siya yong kasama ko kagabi."

"Sige na, mag ayos ka na. It's almost time." Nakahinga naman ako maluwag. Buti na lang mas naniniwala si Kuya sa akin.

"Iwan ko na muna kayo rito Kuya, Zaak. Maayos lang ako." Nagtungo na ako sa kuwarto, pinilit kong ayusin ang lakad ko, kahit pa man masakit ang butas ko.

Keandro Izaak Vergara

"So? Why are you with my brother last night? Ikaw ba ang dahilan ng paika ikang paglakad niya?" As soon as Seven disapper ininterogate na ako ng Kuya niya.

"He's so wasted last night. Pinatulog ko lang siya sa condo ko." Sagot ko rito.

"Are you the reason kung bakit paika ikang maglakad si Ven?" Tanobg na naman nito.

"Yeah." Tipid na sagot ko naman sa tanong niya.

"And why are you here?"

"To accompany him, later."

"I know you're kinds. Kung ano man ang namamagitan sa inyo ng kapatid ko ay irerespito ko yon. Ang akin lang ay wag mo sana siyang saktan." Tinapik tapik pa nito ang balikat ko bago tumayo at nagtungo sa harap ng kabaong ng lola nila.

"11 years ago, we had a car accident. Luckily Vennice and me survive. But not our parents. Since then, si Lola na ang nag alaga sa amin. Sa aming dalawa ni Ven, siya ang pinakaclose kay Lola, kaya rin siguro niya kinuha ang agriculture, para maipagpatuloy ang plantation na sinimulan ng lola." Pagkukuwento nito habang nakatalikod siya sa akin.

"Alam kong sa aming dalawa, si Ven ang pinakanasasaktan ngayon. Ng umalis ako for my masters dalawa lang silang natira rito at araw araw palaging may kuwento si Ven sa akin. Kesyo tinuruan daw siya ni Lola magluto ng paborito niyang ginisang monggo. Nagtanim daw sila ni Lola. At kung ano ano pa. Ramdam na ramdam ko ang saya ng kapatid ko habang kinukuwento iyon." I remained silent, nakikinig lang ako sa mga sasabihin niya.

"Isa pa ay tanggap siya ng lola, alam naman nating pareho, mahinhin ang galaw ng kapatid ko. Mahiyain, mas gustong mapag isa kung hindi naman ako o si Lola ang kasama niya. Kaya nga't nakapagtataka na mayron siyang kaibigan ngayon. Alam mo ba na ikaw ang kauna unahang kaibigan na ipinakilala niya sa akin?" Kumunot naman ang noo ko roon.

So he was alone last night? Paano na lang kung hindi niya ako inapproach, sino kayang lalaki ang makakakuha sa kaniya? Those are the question na nabubuo ng marinig ko ang sinabi ng kuya niya. A lot of people now are capable of doing things, a stupid things. Kaya I'm thankful na sa akin siya sumama kagabi.

"Kaya kung magkaibigan kayo, sana ay tanggap mo siya. Hindi naman kita pinagbabawalan na huwag gumawa ng ikakasakit niya. Gusto ko lang iparamdam mo sa kaniya na importante siya. Ngayong kaming dalawa na lang ang natira, mas gusto kong lalong protektahan at mahalin ang kapatid ko. Siya na lang ang mayron ako." Narinig ko namang suminghot ito.

"Don't worry, as long as I can, I will never hurt him."

Nasa tabi ko si Vennice, tahimik na humihikbi. Kasalukuyan ng ibinababa sa hukay ang kabaong ng lola niya.

Hindi ko pa man nararanasan ang mawalan ng mahal sa buhay ay alam ko, at ramdam ko na masakit iyon.

"Hey! I told you earlier that you look ugly when you're crying." Pag aalo ko sa kaniya. Wala naman na akong ibang maisip na paraan kung paano siya papatahanin.

"Sad yong sinabi mo, hindi cry." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Alalang alala.

"It's the same." Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

After the burial, I drove him home. I know he wants to be alone kaya hindi ko na siya ginulo.

I don't know pero may nararamdaman akong hindi pamilyar kapag kasama ko siya.

And I want to know what that unfamiliar feeling is.

___________
Sorry sa late updates. Stay safe.

Lovelots!

VS2: Keandro Izaac Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon