17

4.9K 255 9
                                    

Selo Vennice Matteo

"Kuya?" Bigla akong natakot sa itsura ni Kuya. Lukot na lukot 'yong mukha niya. 'Yon bang mukha na any minute now sasapakin ka na.

"Tinatanong kita Vennice. Anong ginagawa ng gagong 'yan rito?" Malakas ang naging pagsasalita niya kaya maging si Zaaki ay nagulat.

Agad naman siyang lumapit kay Zaaki at binuhat 'to. Inilayo niya ang bata kay Zaak. Matapos niyang makuha ay tumingin ulit siya sa akin. Bakas pa rin sa mga mata niya na naghahanap siya ng sagot sa tanong niya.

"Hindi ka sasagot?" Galit pa rin ang tono ng boses ni Kuya pero medyo bumaba na ngayon. Marahil ay naisip niyang bitbit niya si Zaaki at baka umiyak ito kapag nagulat pa ulit.

"I was followinh Vennice." Narinig kong saad ni Zaak.

"Nakikipag-usap ba ako sa'yo?" Si Kuya na nakatingin na ngayon kay Zaak.

Wala naman akong ibang magawa. Hindi ko alam kung tama ba ang magsalita ngayon.

Napansin ko naman na lumabas sina Nay Lorna. Narinig siguro nila 'yong sigaw ni Kuya kanina. Nang tingnan ko si Nay Lorna ay sinenyasan ko ito na lumapit. Nang makalapit siya sa akin ay ako naman ang lumapit kay Kuya para kunin ang anak ko. Mabuti nga at hindi na nag-inarte, si Kuya naman ay binigay ng walang alinlangang binigay ang anak ko. Nang mabigay ko si Zaaki kay Nay Lorna ay sinenyasan ko na ulit 'to na pumasok. Hindi kasi maganda na napapanuod ng anak ko ang ganitong eksena.

"I'm sorry." Narinig kong paghingi ng tawad ni Kuya. Hindi ko alam kung para kanino pero para sa aming dalawa siguro ni Zaak. "I should've act like that."

Napangiti ako. Naalala ko ang naging usapan namin ni Kuya.

When I already told him about me being pregnant. Siyempre at first hindi talaga maiiwasan na hindi siya magalit, pero ng pakinggan niya ang paliwanag ko at nang una niyang makita ang pamangkin niya sa sinapupunan ko naging okay rin sa kaniya.

I also told him kung sino ang ama ng bata. He wanted to go at sabihin lahat kay Zaak pero pinigilan ko siya. Sinabi ko sa kaniya kung bakit hindi niya puwedeng sabihin kay Zaak ang tungkol sa anak namin and thank God nakinig siya. Nakinig siya pero 'yong dating gusto niyang sabihin kay Zaak ang tungkol sa pagbubuntis ko ay napalitan ng galit. Siya pa nga mismo ang nagsabi sa akin na bago malaman ni Zaak ang tungkol sa anak namin ay dadaan na muna siya kay Kuya. Kaya rin siguro naging ganoon ang akto niya kanina.

Pero habang lumalaki si Zaaki, lagi kong sinasabi kay Kuya na 'wag magalit kay Zaak na ama ng anak ko. Parati kong sinasabi kay Kuya na wala naman kaming pinanghahawakan ni Zaak sa isa't isa kaya wala ring silbi kung magagalit siya rito dahil lang sa nasaktan ako nito. Pero hindi ako si Kuya, hindi ko alam kung paano siya mag-isip.

"Fix your self para sakaling bumalik ang lakaking 'yon, he will regret letting you go and he will regret not knowing about your son." I remember Kuya said ng sabihin niya sa akin na hindi na raw siya galit kay Zaak, but he told me this instead. He told me to fix myself kaya 'yon ang ginagawa ko. Sa bawat araw sa dalawang taong lumipas, wala akong ibang iniisip kundi ang maging better version ng sarili ko para sa anak ko.

"Vennice!" I snap back to reality ng tawagin ni Kuya ang pangalan ko.

"Why?" I asked him curiously.

"I'll get going Vennice." Si Zaak na tumungo na sasakyan niya. Kaya siguro ako tinawag ni Kuya dahil nagpapaalam na si Zaak na aalis na siya.

Pero bago tuluyang makapasok sa sasakyan niya si Zaak ay nagsalita muna si Kuya na nakapagpagulat sa akin.

"Next time na pupuntahan mo si Vennice at ang anak ko rito. Siguraduhin mo na humingi ka sa akin ng permiso." Tumango naman si Zaak bilang sagot kay Kuya. Hindi ko alam pero parang nakita ko siyang natakot o baka imahinasyon ko lang 'yon.

VS2: Keandro Izaac Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon