24

4.6K 224 25
                                    

Selo Vennice Matteo

Ngayon na ang huling araw namin rito sa plantation, time flies really fast.

Noong unang araw ay matapos naming linisan ang bawat area namin, sinimulan naman namin iyong bungkalin at ayusin sa hapon para mataniman ng mga punla, iyon bang tumubo na at ililipat na lang sa mas malawak na area.

Sa pangalawang araw ay may bagong area na namang na-assign sa bawat grupo, pero this time ay sa green house na. Kailangan naming palitan ang lupa ng mga pinatataniman ng binhi, 'yong mga pinagtataniman ng ililipat, 'yon bang papatubuin mo saka ililipat, parang sa itinanim namin sa unang araw. Matapos naming mapalitan at malinisan ang bawat area namin sa greenhouse ay tinaniman namin ulit ng bagong binhi ang mga 'yon.

Sa hapon naman ay wala ng masyadong nangyari. Iginala lang kami ng may-ari ng plantation sa taniman niya ng mangga. Nakakatuwa dahil napakarami ng bunga at dahil nga wala na rin kaming naka-assign na gagawin ay tumulong kami sa pagpipitas non.

At ngayon ang huling araw namin. Tanghali na at kasalukuyan kaming kumakain. Kaninang umaga ay nagdilig lamang kami ng mga binhi at punla at ngayong hapon naman ay may program raw.

"Ang sarap talaga ng mangga." Narinig kong saad ni Sally, binigyan kasi kami ng nagtatatlong pirasong mangga ng may-ari, pasasalamat raw iyon sa pagpunta namin rito at pagtulong na rin.

"Naglilihi ka siguro Sally. Halla ka, baka bigla na lang lumuno bigla 'yang tiyan mo katulad ng iba diyan." Alam kong kahit kay Sally sinasabi ni Drew iyon ay alam kong para sa akin 'yon.

Tinitingnan ako ni Drew, naramdaman niya siguro ang pagtingin ko sa kaniya. Ang loko ay nginitian lang ako.

Nasa malawak kaming lamesa ngayon, nasa tapat ko ang tatlong kaibigan ko habang katabi ko naman si Zaak.

"Ayaw mo ba ng mangga? Sally's enjoying it." Napalingon ako kay Zaak ng tanungin niya ako. Maging siya pala ay napansin na enjoy na enjoy si Sally sa mangga niya.

"Maya maya na, I'm not in the mood." Sagot ko sa tanong niya.

"Not in the mood or tamad ka lang talaga magbalat?" Natawa ako sa tanong niya, tama rin naman, tinatamad rin kasi akong magbalat kaya hindi ako kumakain, kukuha nga sana ako sa nahati hati ng mangga ni Sally kaso sinampal niya ang kamay ko. "I'm gonna peel the eat it, okay?"

"No Zaak, it's fine. I can peel it my self." Saad ko, narinig ko pa siyang tumawa. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"No, nothing. It's just that, I'm happy that you mention the name you used to call me before." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Tumatanda ka nga siguro talaga, I remember calling you Zaak sa park, you also have the same reaction. Ganoon ka na lang ba talaga naglolong sa pagtawag ko sa'yo non?" Tanong ko rito.

Kumuha na ako ng mangga, hawak ko na rij ang kutsilyo, sinimulan ko ng balatan ang mangga habang naghihintay ng sagot niya.

"Don't know, maybe yes? Maybe not?" Pareho kaming natawa, halata kasi sa boses niya ang pagtataka kung tinawag ko na ba siya. "But I think it's a progress, you're now calling me Zaak. Is that mean something?"

"Tigilan mo ako mister, walang meaning 'yan tigilan mo ako." Asumero rin talaga ang lalaking 'to. Dahil ba tinawag ko na siya ng Zaak e may meaning na 'yon?

Dahil nga nawala na ang atensyon ko sa pagbabalat ng mangga ay di sinasadyang nasugat ko ang daliro ko. "Aray."

Agad namang hinila ni Zaak ang kamwy ko at walang pagdadalawang isip na sinubo 'yon.

VS2: Keandro Izaac Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon