28

4.6K 216 11
                                    

Selo Vennice Matteo


"It's okay if you're not yet ready Vennice. I understand." Si Zaak saka binitawan ang pagkakahawak sa kamay.

Sa tono ng boses niya para siyang nagpapaawa na hindi ko maintindihan or baka pandinig ko lang talaga ang may sira?

Hindi naman siguro masamang sumugal ulit?

Sa totoo lang pareho naman kaming may kasalanan sa nangyari. Kasalanan kong minahal ko siya noon kaya ako nasasaktan ngayon at kaya ko tinago ang anak namin sa kaniya. Wala naman akong pinanghahawakan noon sa kaniya, wala naman kaming relasyon. Pinaniwala ko ang sarili ko na kasalanan niya ang lahat kahit pa man alam ko rin sa sarili ko na may kasalanan rin ako.

Nakakatawa nga e, sa tatlong taong nagdaan, siya ang sinisisi ko sa mga nangyari pero nong dumating siya, nong nakita ko siya ulit para akong yelong biglang natunaw. Masyado ba akong nadala sa pag-iyak niya noong unang kita namin?

"Vennice?" Pagtawag nito sa akin na pumutol sa pag-iisip ko.

"Puwede kang bumawi." Saad ko sa kaniya sa seryosong tono. Agad namang lumiwanag ang mukha niya dahil doon. "Puwede kang bumawi sa anak mo. Kahit hindi na sa akin." Dagdag ko pa bago tumayo at nauna ng nagtungo sa sasakyan niya.

Nagpahatid na lang ako sa kaniya sa bahay. Wala na rin namang silbi kung babalik pa ako ng school. Late na late na kaya ako.

"Thank you." Pagpapasalamat ko bago lumbas ng sasakyan niya, pero bago ko 'yon maisara ay nagsalita pa siya.

"No Vennice. Thank you." Nakangiti niyang saad na sinuklian ko na lang rin ng pagngiti.

Hinintay ko munang tuluyang makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok ng bahay. Pagpasok ko ay nakita kong nasa sala sina Liam at Zaaki.

"Wala kayong pasok?" Tanong ni Liam sa akin ng makaupo ako sa inuupuan din nilang long sofa. Kinalong ko na muna ang anak ko bago ako sumagot.

"Something happened." Saad ko sa seryosong tono.

"What? Are you okay?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Liam at rinig mo rin 'yon sa boses niya.

"Who's not okay?" Napukaw naman ng atensyon ko ni Kuyang kararating lang ng sala. Umupo ito sa tabi ni Liam ng mailapag niya ang pagkaing dala niya sa lamesita. "Vennice? What happened?"

"Zaak knows." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Alam ko namang hindi ikagagalit 'yon ni Kuya, lately kahit niya sabihin alam kong push na push siya na sabihin ko kay Zaak ang totoo.

"He knows what?" Tanong ni Kuya sa akin.

"He already knows that he is the father of Zaaki. Narinig niya si Sally."

"So? What is your plan?" Tanong ulit ni Kuya.

"He was insisting on making it up on me and Zaaki pero sabi ko kahit kay Zaaki na lang huwag na sa akin." Mababa lang ang boses ko ng sabihin ko 'yon. Sapat na sapat na 'yon para marinig nila.

"So? What did he say? Pumayag ba siya? Are you going to give Zaaki a broken family Vennice?" Natahimik ako sa sunod sunod na tanong ni Kuya, medyo napataas rin ang boses niya kaya natakot akong sumagot. "I'm sorry for raising my voice to you. Ang akin lang Vennice susuportahan kita hanggat kaya ko, but think about your son."

"I'm sorry Kuya." Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako. Seriously, after malaman ni Zaak ang tungkol sa anak namin, akala ko magiging magaan na ang lahat. Akala ko magiging magaan na ang pakiramdam ko at matatanggal na ang bigat non. Pero why am I feeling like this?

VS2: Keandro Izaac Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon