12

4.6K 243 7
                                    

Selo Vennice Matteo

Pangatlong araw ko na itong nakahiga lang sa kama ko. Ang bigat bigat kasi ng pakiramdam ko, tamad na tamad rin akong bumangon.

Para bang may kung anong elemento ang nasa kama ko at paulit ulit lang ako nitong hinahatak pahiga. Parang may kung anong gayuma ang ginawa ng kama ko sa akin para patuloy lang akong maging kumportable dito.

Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito. Ang dahilan na lang na sinasabi ko kay Kuya kapag tinatanong niya ako kung papasok na ba ako sa school, sasabihin ko lang....

Hindi pa naging ganito kakumportable ang kama ko simula ng tumira tayo rito Kuya. Pagbigyan mo na ako.

'Yan ang dinadahilan ko sa kaniya pero hindi niya 'yon kinakagat. Mabuti nga at siya ang nagdala sa akin dito sa kuwarto ko noong nasususuka suka ako sa banyo kaya kahit papaano ay 'di niya ako pinapagalitan tungkol sa pagpasok.

"VENNICE!" Rinig ko ang sunod sunod na katok na nanggagaling sa pinto. Panigurado si Kuya na naman 'to.

Hindi na ako tumayo para pagbuksan siya kasi alam ko namang mabubuksan niya ang pinto ko. May spare key siya ng pintuan ng kuwarto ko peeo ginagamit niya lang 'yon kapag emergency o may permiso ako. Marunong naman kahit papaano umintindi ang kapatid ko ng salitang privacy.

Pero ngayon o noong mga nakaraang araw. Laging nakalock ang pinto ko kaya ginagamit niya ang spare key niya para mabuksan 'yon. Tulad na lang ngayon. Bukas na ang pinto ko at nakaismid lang siyang nakatingin sa akin.

'Yong tingin na alam na niya kung ano ang isasagot ko sakaling magtanong man siya.

"Don't tell me hindi ka na naman papasok."

Tuluyan nang nakalapit sa kama ko si Kuya. Umupo siya roon at inabot ang noo ko.

Hindi naman daw ako mainit noong mga nagdaang araw pero pinayagan niya na akong hindi pumasok kasi sabi ko sa kaniya wala pa namang mahalagang ginagawa sa school atsaka malayo pa ang mga exams.

"Vennice pumasok ka na. Tigilan mo na ako sa mga kaartehan mo." Matapos niyang damahin ang noo ko ay ginulo niya ang buhok ko. Magulo naman na talaga ang buhok ko dahil bagong gising ako kaya hindi na ako nagreklamo. Tiningnan ko na lang si Kuya ng masama. "Don't give me that look. Papasok ka kaya maghanda ka na."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya. Tiningnan ko ang orasan na nasa bedside table ko at maaga pa. Mag 5:30 pa lang kaya marami pa akong time.

Isa pa sa pinagbago ng katawan ko ay ang paggising ko ng maaga. Dati kailangan ko pa ng alarm clock. Pero nitong mga nagdaang araw talaga kusa akong magigising tapos magugutom.

Dahil marami pa namang oras, bumaba na muna ako para ipagtimpla ng gatas ang sarili ko. Pasensiya na sa mga coffee lovers diyan pero hindi talaga ako fan ng kape e.

Habang nagtitimpla ako ng kape ay narining kong tumunog ang doorbell.

Sino naman kayang tao ang mangangapitbahay sa ganitong oras. Napakaproductive naman nang tao na 'yon. Nawa'y lahat.

Wala pa sana akong balak pagbuksan ang nagdodoorbell kasi akala ko ay narinig na ng mga kasama namin rito sa bahay pero nakailang ulit ng pindot ang kung sino mang maligno ang nasa labas ay wala pa ring pumupunta para pagbuksan siya.

VS2: Keandro Izaac Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon