07

5.1K 241 5
                                    

Keandro Izaak Vergara

"I'm tired and upset." Napakunot naman ako sa sagot niya. Kanina lang naman siya naging ganito. Isipin mo Izaak, tama! Galing siya sa kotse ko kanina, panigurado ay may nakita siya doon na hindi niya inaasahan.

I waited hanggang makatulog siya bago ako lumabas ng room niya.

"Halika na bro, inom na tayo." Aya sa akin ng Kuya ni Ven ng makita ko siyang nakatambay sa sofa sa sala.

"May titingnan lang ako saglit sa kotse ko bro. I'll joing you later."

Tumango tango naman ito sa akin. "Sige bro, basta balik ka."

After he said that ay nagmamadali na akong pumunta sa garahe nila para tingnan kung ano man ang nakita ni Ven sa kotse ko.

Una kong tiningnan ang driver seat pero wala akong nakita na kahit na ano ganoon rin sa passenger seat. Pero ng akma ko ng isasara ang pinto ng passenger seat ay napansin ko ang pulang tela na nasa backsear.

Agad akong nagtungo doon at binuksan ang pinto para makita ang pulang tela na nakaagaw ng pansin ko. Matapos kong mabuksan ang pinto ay hinugot ko ang pulang telang iyon at doon, bumungad sa akin ang isang pulang panty.

Hindi naman ako ganong lalaki, hindi ako yong tipo ng lalaki na hayok na hayok at gagawin ang bagay na yon sa kotse ko.

Umupo ako sa backseat at mariing nag isip, tama! Yong babae na yon, naaalala ko na. Siya yong babae sa site kanina na nasiraan ng sasakyan kaya nagmakaawa na makisakay sa akin.

Una pa lang ay ramdam ko na na may balak talaga siya, sa backseat ko siya pinaupo dahil saka ko rin kanina ang kaibigan ko na nasa passenger seat.

Pagkatapos bumaba ng kaibigan ko ay naroon pa rin siya at doon niya na sinimulan ang inaasahan ko ng agenda niya.

Mula sa likod ay nagsimula niyang himas himasin ang parte ng katawan ko na nahahawakan niya. Hindi ko kinaya ang tagpong iyon kaya pinilit ko siyang pababain. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pag-iwan niya ng panty sa kotse ko.

Para mas makasigurado ay pinanuod ko ang video ng camera na nasa loob ng kotse ko kanina. At doon ay nakumpirma ko na talagang iniwan niya doon ang red na panty niya.

Malalim ang ginawa kong paghinga, iniwan ko lang ulit ang telang iyon sa kotse ko. Baka kapag dito ko tinapuan sa basurahan nila ay makita pa ng kung sino. Mabuti pang hindi ko dito itapon.

At ngayong nakumpirma ko na kung bakit nagkakaganoon si Ven ay kailangan ko lang humanap ng tiyempo para masabi ko sa kaniya na mali ang iniisip niya.

Mabigat man sa dibdib ko na natulog siyang ganoon ay wala akong choice. Pero masaya ako kasi dahil doon ay pakiramdam ko mas nakikilala ko pa si Ven, siya yong tipo ng tao na mas pipiliin na lang manahimik kaysa sabihin kung ano ang dahilan ng pagkadismaya niya.

"Nakita mo ba yong titingnan mo sa car mo bro?" Napatigil ako sa pag-iisip ng nasa sala na pala ulit ako.

"Ahh oo bro." Sagot ko bago naupo sa tapat niya at tinungga ang inabot niyang baso na may alak.

Minutes later I saw myself with Ven's brother enjoying the night with a glass of beer in our hands. Ramdam kong lasing ang Kuya niya dahil kung ano ano na ang nakukuwento.

VS2: Keandro Izaac Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon