Wakas

4.6K 197 15
                                    

Selo Vennice Matteo

It's finally happening. My childhood dream to get married. Me walking at aisle to altar. This is my dream and Zaak was fulfilling it. Hindi nga lang aisle, nakalatag na red carpet sa buhanginan ang nilalakaran ko papunta sa altar.

Looking back at the past talaga nga namang masasabi kong marupok ako. Alam kong hindi ako ginawaan ng kanta ni Zaak tulad nong vlogger na kinantahan ng kaya't salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo. Pero ito ako ngayon at naglalakad papunta sa altar kung saan siya naghihintay.

He hurt me yes, pero napatawad ko na siya. Hindi ko ginagawa 'to para sa mga anak ko, ginagawa ko 'to para sa sarili ko. Kahit naman idahilan ko ang mga anak ko ay alam ko sa sarili ko na gustong gusto ko rin 'to.

Kuya was walking me, I look at him at diretso lang ang tingin nito. I am thankful, Kuya contribute a lot of things in my life, he was always there, a father, a mother and a parent for me.

"Thank you." Wala sa sariling saad ko kay Kuya, mahina lang 'yon pero sapat na 'yon para marinig niya.

"For what?" Tila maang-maangan naman nitong saad na ikinaikot ng mata ko.

"For everything. You sacrifice a lot for me, palagi mo kaming inuuna ni Zaaki." Puno ng sinseridad kong saad sa kaniya.

"That's natural, I am the eldest, so I really need to take the responsibility for you." Sa gitna ng paglalakad namin ay bigla siyang tumigil na ikinatigil ko rin. Magkaharap na kami ngayon ni Kuya, tinitingnan ko siya ng may pagtatanong kung bakit kami tumigil pero nawala lahat ng 'yon ng umangat ang kamay niya para haplusin ang pisnge ko. Nakikita ko sa mukha niya ang samut-saring emosyon. "Kuya is so proud of you, talikuran ka man ng lahat I will always be here for you, ako ang magiging kalasag mo sa lahat ng puwedeng makapanakit sa'yo. I am always here, para sa'yo at para kay Zaaki. I love you guys so much." Then he pulled me into tight hug, sinuklian ko rin 'yon at niyakap siya ng mahigpit pabalik.

"Our parents must be proud because they have a son like you. Mahal na mahal rin kita Kuya. Thank you." I said between our hugs.

"Tama na, nakakahiya sa mga bisita." Si Kuya, saka na siya humiwalay sa akin at inakay muli ako sa paglalakad.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang igala ang paningin ko sa mga bisita. I saw Sally, Cy and Drew, magkakatabi silang nakatayo. The three of them are smiling at me, si Sally ay nagflying kiss at kumakaway kaway pa. Nginitian ko sila pabalik bago inilipat ang paningin ko.

There I saw Rain and Dale, they are both smiling at me kaya ngumiti rin ako sa kanila pabalik. Having them here today is really great, I'm thankful.

Sa likod nina Rain and Dale was Klyde and the twins. Nakatingin rin sila sa akin ng may ngiti sa labi kaya bilang sukli ay ngumiti rin ako.

Habang naglalakad ay tanging ngiti, ngiti lang ang gusto kong makita. Mga ngiting hindi peke dahil ramdam na ramdan ko ang katotohanan roon.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad ni Kuya hanggang sa marating ng paningin ko ang pinakaharap na upuan na nasa tabing kanan. Doon nakita ko si Nay Lorna habang buhat buhat ang baby Sandro namin, nakatayo rin sa upuan si Zaaki na kumakaway kaway pa sa akin. Sa tabi rin ni Nay Lorna ay si Liam na buhat buhat ang anak nila ni Kuya. Wala akong ibang ginawa kundi ngumiti at suklian ng kaway ang anak ko.

Inilapit ko sa kaliwang bahagi ang aking paningin at doon ay nakita ko si Mama at Papa. Official na, tawagin ko na raw sila kung saan ako kumportable. I am thankful and beyond grateful, tinanggap ako ng walang pag-aalinlangan ng mga magulang ni Zaak.

VS2: Keandro Izaac Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon