20

4.9K 217 12
                                    

Selo Vennice Matteo

It's been days ng manggaling kami ni Zaak sa dagat. At ang sinabi niyang titigilan niya na ako pagkatapos kong sumama sa kaniya ay hindi totoo, it's a prank, scam!

Matapos ang weekend ay balik eskwela at si Zaak naman ay palagi ng maagang naghihintay sa labas ng bahay para isabay ako sa pagpasok.

Apat na araw na ng simulan niya akong hintayin sa labas at ngayon ngang pang-apat na araw ay nakaupo ako rito sa passenger seat ng kotse niya.

"Napilitan ka na naman bang sumabay sa akin?" Tumingin ako sa kaniya pero diretso lang ang tingin niya sa kalsadang tinatahak namin.

"No. Bakit naman ako mapipilitan, ako pa ba ang tatanggi? Makakabawas kaya sa pang gas si Manong kapag sumabay ako sa'yo." Pero siyempre that's a lie, wala lang akong choice. Pati kaya si Kuya ay pinagpipilitan na akong sumabay raw ako kay Zaak, hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang lumambot ulit si Kuya kay Zaak, baka siya na ang nililigawan.

"Lies." I heard him said. "Hindi naman siguro nagtatrabaho ng maigi ang Kuya mo para lang magtipid kayo sa gas."

"You know what Zaak just shut your mouth, alam mo naman palang nagsisinungaling ako magtatanong ka pa. And if you want the real answer to your question, the answer is YES. Sobrang napipilitan lang akong sumakay at sumabay sa'yo, remember what you said before? You said na titigil ka na but look at you now, hindi ka pa rin tumitigil." Inis kong saad sa kaniya, ang aga aga pinapainit niya ang ulo ko.

"Calm down. Hindi ako worth it sa init ng ulo mo." He joke pero siya lang ang tumawa.

Hindi na ako nagsalita, nanahimik na lang ako bago ko makitang pumasok na kami sa school parking lot.

"We're here." Si Zaak bago siya naunang lumabas at pagbuksan ako ng pinto.

"Marunong naman ako magbukas ng pinto ng sasakyan, may kamay rin ako, don't act like a driver." Pagtataray ko sa kaniya bago bumaba na ng sasakyan, baka kasi bigla niyang ibalibag pasara sa mukha ko ang pinto. Mahirap na.

"Thank you for the ride." Pagpapasalamat ko sa kaniya ng tuluyan na akong makababa. Nilampasan ko na siya, tapos naman na akong magpasalamat at gusto kong maagang makarating sa department namin.

"Are you in a rush? Maaga naman tayo and magkatabi lang ang building niyo sa building na under construction, pwede tayong magsabay." Si Zaak, pinapantayan niya rin ang bilis ng paglalakad ko.

Ramdam ko ang tinginan ng mga tao, may mga naririnig pa nga akong bulong bulungan pero hindi ko na pinansin, wala akony panahon para makinig sa mga chismis.

Nang matanaw ko na ang building namin ay mas binilisan ko pang maglakad. Si Zaak naman ay ramdam kong sumasabay pa rin sa paglakad ko. Siguro kung makikita ko lang ang itsura namin ngayon ay para kaming tangang nagkakarera sa paglalakad.

"I guess you really wanted to get rid of me." Saad niya ng walang lingon akong tuloy tuloy na pumasok sa building namin.

"SABAY TAYO LUNCH LATER HA." Narinig ko pang sigaw niya ng umaakyat na ako sa hagdan. Umiiling iling pa ako bago nagpatuloy sa pag-akyat. Walong palapag kasi ang building ng agriculture department at sa second floor lang naman ang room na papasukan ko ngayong first subject kaya naghagdan na lang ako.

Nang makapasok ako sa room ay nakita ko ang bakanteng upuan sa likod kaya doon ako dumiretso. Nadaanan ko pa ang mga kaibigan kong nakaupo na sa kani kanilang upuan na pare parehong mayroong parang question mark na nakaukit sa mga mukha nila. Hindi ko 'yon pinansin at umayos na lang sa pagkakaupo, wala naman akong maling ginawa para tingnan nila ako ng ganoon.

VS2: Keandro Izaac Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon