18

5K 257 12
                                    

Selo Vennice Matteo

Weekend ngayon. Kahit pa man walang pasok ngayon ay maaga akong gumising. Gusto ko kasing ako ang naghahanda ng mga bagay bagay para kay Zaaki kapag ganitong walang pasok.

Magkatabi kaming natutulog ng anak ko kaya napangiti ako ng makita ko siyang nakasiksik sa akin pagkagising ko.

Maingat akong lumayo sa kaniya, nilagyan ko ng unan ang bawat gilid niya. Mayroong bumpers ang side ng kama namin pero mas tiwala ako kapag may unan na nakapalibot sa kaniya. Hindi rin naman siya malikot matulog kaya ayos na 'yon.


Pumasok ako sa banyo para ayusin ang sarili ko. Nagsipilyo at naghilamos lang ako kasi sabay naman kaming maliligo mamaya ni Zaaki. Matapos kong gawin ang mga kamilagrohan sa katawan ko ay lumabas na ako ng banyo.

Inayos ko muna ulit ang pagkakahiga ng anak ko bago ko napagdesisyonang lumabas.

"Goodmorning Nay Lorna." Bati ko rito ng madatnan ko siya sa kusina. Alas sais na rin naman ng umaga naghahanda na siguro siya ng agahan.

"Goodmorning rin ijo." Bati nito pabalik. "Si Zaaki ba? Tulog pa?"

"Opo Nay, tulog pa po si Zaaki. Balikan ko na lang mamaya." Sagot ko sa tanong niya. "Tulungan ko na po kayo Nay."

"Ayaw mo muna bang magkape ijo?" Natawa kami pareho ni Nay Lorna sa itinanong niya. "Oo nga pala, hindi ka na nga pala nagkakape."

Nagtimpla na lang ako ng gatas. Hindi talaga ako fan ng kape kaya sorry hehe. Sorry coffee lovers.

"Ven ijo." Napatingin ako kay Nay Lorna ng tawagin niya ako. Narinig ko ring nagriring ang cellphone niya, may ipapagawa siguro siya sa akin. "Iprito mo na lang itong hotdog. Hahanapin 'yan ni Zaaki kapag wala sa lamesa e."

"Sige po Nay. Sagutin niyo na po 'yang tumatawag. Baka po importante." Saka ko siya nginitian.

Nang makaalis sa kusina si Nay Lorna ay nagtungo ako sa lababo para balatan at hiwahiwain ang hotdog. Paborito kasi ito ng anak ko lalo na kapag agahan, kaya dapat lagi niyang nakikita 'to. Alak kong hindi healthy ang pagkain ng hotdog araw araw pero tinatanya ko naman ang ipinapakain ko sa anak ko, limitado lang din ang nasa hapag para kapag nakita niyang ubos na ay wala na siyang magagawa. May mga gulay at ibang masusustansiyang pagkain din naman ang nakahain sa hapag at sinisigurado kong nakakain 'yon ni Zaaki. May vitamins rin siyang iniinom kaya wala akong dapat ikabahal sa health ng anak ko.

Humigop muna ako sa gatas na iniinom ko bago isalin sa plato ang napritong hotdog. Naayos ko na ang kusina kaya nagsimula na akong maglagay sa hapag ng pagkain. Nang matapos kong ilagay lahat sa lamesa ay umakyat na ako para gisingin ang anak ko.

Bale dalawang palapag kasi ang bahay namin. Hindi ganoon kalaki, pero mas malaki ito kumpara sa bahay ni lola, lamang lang ang bahay ni lola sa frontyard at backyard, may pool rin ang kay lola. Pero kung lawak ng bahay ang pag-uusapan ay mas lamang ito, igets niyo na lang. Hindi lang kayo ang naguguluhan sa akin, pati ako.

So ayon na nga, may tatlo kaming helpers rito sa bahay. Ang isa ay si Nay Lorna at ang dalawa naman ay mas matanda lang sa akin ng dalawang taon, mga kamag-anak rin sila ni Nay Lorna. Nasa unang palapag ng bahay ang kuwarto nila ganoon rin ang kuwarto ni Manong driver.

Habang kaming dalawa ni Kuya, ang kuwarto namin ang nasa second floor ng bahay. Maliban sa kuwarto namin ay may playroom rin si Zaaki, may sarili rin siyang kuwarto ang anak ko pero mas pinipili ko na muna siyang itabi sa akin. May dalawang ring guest room, na tamang tama para sa mga kung sino sinong tao na inuuwi ni Kuya rito sa bahay.

VS2: Keandro Izaac Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon