Pagtapak palang ng mga paa ni Ariella sa loob ng Berggen University ay agad na napahinto ang mga estudyante sa kanilang mga ginagawa. Agad silang napalingon sa kanya kasabay niyon ay ang kanilang pag-irap sa kadahilanang muli na naman nilang makakaharap ang mayamang bratinella ng campus. Kaya naman bago pa man tuluyang makahakbang ang dalaga mula sa kanyang kinatatayuan ay dali-daling napatayo ang ibang mga estudyante at agad na nilisan ang lugar. Habang ang iba naman ay nanatiling nakaupo roon at nagpapanggap na hindi siya napansin o nakita.
Sa kabilang banda naman ay napansin iyon ni Ariella pero tulad ng ibang mga estudyante ay wala rin siyang pakialam sa kung ano man ang gusto nilang gawin sa tuwing dumarating siya. Wala siyang oras sa mga taong iyon at higit sa lahat ay ayaw niyang stress-in ang kanyang sarili sa mga walang kakwenta-kwentang mga bagay. Ang mahalaga sa kanya ay maganda siya, sikat siya at kilala siya sa buong campus.
Ilang minuto ang nagdaan ay muli siyang napahinto nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng ilang mga kababaihan. Kaya naman agad siyang napalingon doon at kulang nalang ay magtatatalon siya nang mapagtanto niya kung sino ang mga iyon.
"How are you, Ariella? Buti naman at naisipan mo ng pumasok," Bungad na bati sa kanya ng isang babae at pagkuwan ay humalik sa kanyang pisngi. "Bakit nga ba kasi absent ka kahapon? Ang lungkot-lungkot tuloy naming tatlo," Nakanguso nitong sambit na agad na ikinangiti ni Ariella.
"Nagalit kasi si Dad sa'kin dahil do'n sa naging lakad natin no'ng nakaraang araw," Kunot-noo niyang sambit. "Hindi raw ako nagpaalam sa kanya at dahil ayaw niyang mangyari ulit 'yun ay pina-block niya ang account ko. Alam niyo naman siguro na hindi kumpleto ang araw ko kung walang pera, diba? Kaya um-absent ako," Mahaba niyang paliwanag.
"So, ngayon hindi na blocked ang account mo dahil pumasok ka na? Ganon mo ba kabilis magmukhang kawawa sa Dad mo para bigyan ka niya ng consideration?" Sunod-sunod na tanong ng isa na may katangkaran sa kanya.
Natawa siya bago sumagot. "Parang hindi niyo naman ako kilala," Nakangisi niyang sambit. "Ariella knows exactly how to deal with that problem. At walang ganyang problema na hindi ko nalulusutan," aniya sabay hugot ng compact sa kanyang bag at pagkuwan ay muling inayos ang sarili. "Kaya imbes na asikasuhin natin ang lintik na problemang 'yan ay mas mabuti pa kung dumiretso na tayo sa classroom dahil baka nakikipaglandian na naman si Hans sa ibang babae,"
Sa sinabing iyon ni Ariella ay napailing nalang ang kanyang mga kasamahan kasabay ng tuluyan nilang pag-alis sa lugar na iyon. Ngunit bago pa man sila makaakyat sa second floor ng college department building ay nahinto siya nang mabaling ang kanyang tingin sa isang employee ng Quadruple Coffeehouse na nagmula sa Dean's office.
May kasama rin itong isa pang lalaki pero tila ba mas confident na maglakad ito at makisalamuha sa tao. Samantalang ang isa naman ay parang hindi maintindihan kung ano ang ipinuputok ng butchi niya. Bukod kasi sa nakakunot-noo ito ay tila ba takang-taka ito sa kung anong dahilan.
Kaya naman isang ngiti ang agad na rumehistro sa kanyang mga labi dahil sa inastang iyon ng lalaki. Pero agad din naman naputol iyon nang marinig niya ang pagtawag ng kanyang mga kasamahan na siyang nagpabalik sa kanya sa kanyang ulirat.
"Anong meron at bakit parang natulala ka dyan?" Kunot-noong tanong ng isa at mabilis na lumapit sa kanya. "Meron bang artista?"
Napailing siya. "Wala," Maigsi niyang sagot. "May nakita lang akong dati kong classmate sa highschool. Kailangan ko lang titigan ng husto ang mukha dahil hindi ko sigurado kung siya nga 'yun,"
Natawa ito. "At kailan ka naman nagkaroon ng interes sa mga dati mong classmates? Diba, halos lahat sila ay kaaway mo?"
Hindi nalang sumagot si Ariella sa tanong na iyon ng kanyang kaibigan. Bagkus ay lihim pa nga siyang natawa. Bukod kasi sa totoo ang sinasabi ng mga ito ay alam niya sa kanyang sarili na wala rin naman siyang mapapala kung babalikan niyang muli ang mga taong naging parte ng kanyang pagkatao sa highschool.
Noon pa man kasi ay talagang palaaway na siya. Itinuturing siyang mayamang bratinella ng kanilang campus at kahit na sino man sa kanyang mga schoolmates ay walang mangahas na lumaban sa kanya. Bagamat nagagawa niya ang mga bagay na naisin niya ay hindi naman sa lahat ng pagkakataon. Minsan na ring ipinatawag ang kanyang ama sa Principal's office dahil na rin sa pakikipagsagutan niya sa isang teacher at senior highschool student.
Pero kung tutuusin ay hindi iyon ang dahilan kung bakit mas pinipili niyang mawalan ng oras na magbalik-tanaw sa highschool.
'Some things aren't just meant to be' ika nga niya.
***
Ilang minuto ang nagdaan matapos ang eksenang nangyari kanina ay agad na nagtungo si Ariella sa kanilang classroom. At tulad na nga lamang ng kanyang inaasahan ay nandoon nga si Hans. Pero sa kasamaang palad ay nagkatotoo ang kanyang hinala na may kasama na naman itong ibang babae.
Nasa kandungan nito si Nina at kitang-kita niya ang dalawa na naghahalikan sa loob ng classroom habang nakapaligid sa kanila ang ilan sa kanilang mga kaklase. Tila ba wala silang pakialam at kahit na humantong pa sa kung saan ang halikang iyon ay mananatili silang manhid dahil sa kanilang ginagawa.
Di nagtagal ay nagpasya si Ariella na muling lumabas upang magtungo sa comfort room. Dali-dali niyang ikinulong ang kanyang sarili sa isang cubicle at napailing nalang sa kanyang mga nakita kanina. Hindi niya akalain na ang lalaking pinapangarap niya simula pa noong 5th grade ay may iba ng kahalikang babae ngayon. Mahal niya ang binata at kung tutuusin ay walang kahit na sino man ang nakabihag sa kanyang puso maliban kay Hans.
Gwapo kasi ang binata at bukod sa pagiging sikat nito ay may angking galing din ito pagdating sa larangan ng musika. Maganda ang boses nito at hindi maitatanggi na nagmula nga ito sa pamilya ng mga mang-aawit.
Pero hindi iyon ang nagustuhan ni Ariella sa binata. Hindi ang boses nito o ang pagiging sikat nito ang nakita niya kay Hans kundi ang kabaitan at kabutihan ng puso nito. At kahit na sa paglipas ng panahon ay nagbago ang ugali nito sa kadahilanang nagkahiwalay ang mga magulang nito noong nakaraang dalawang taon ay hindi pa rin nagbago ang kanyang pagtingin sa binata. Hans Garcia is still and always be her first love.
Akmang lalabas na siya sa cubicle upang bumalik sa kanilang classroom at tuluyang ilampaso sa sahig ang pagmumukha ni Nina ay nahinto siya nang may marinig siyang boses lalaki at babae na pumasok sa kanyang katabing cubicle. Habol-habol ang hininga ng mga ito at tila ba may kung anong gagawing kababalaghan sa mga oras na iyon. Kaya naman agad siyang nagmadaling lumabas mula sa kanyang kinalulugaran pero muli siyang natigil nang marinig niyang banggitin ng babae ang pangalan ni Hans. Mula roon ay narinig din niya ang mga kadumihan na pinagsasasabi ng binata kaya naman agad na nagkasalubong ang kanyang mga kilay nang mapagtanto nga niyang si Hans at si Nina ang nasa loob ng cubicle na iyon.
Gigil siyang umalis mula sa kanyang kinatatayuan pero bago pa man niya tuluyang buksan ang pinto ay agad siyang nakaisip ng ideya na siyang magbibigay ng leksyon kay Hans lalong-lalo na sa lintik na babaeng kasama nito.
BINABASA MO ANG
Suddenly She's a Mermaid (COMPLETED)
RomanceIsa si Nicholas sa mga sireno na ang tanging pag-asang mabuhay ay ang manilbihan bilang alipin at bihag ng Reyna ng karagatan. Kaya naman walang pagdadalawang-isip siyang nagdesisyon na lisanin ang lugar na iyon at magsimula na nang bagong buhay. H...