"Rinig mo ba 'yung balita tungkol kina Hans at Nina?" Maya-maya'y sambit ng isa sa mga kaibigan ni Ariella. "Pinatawag daw sila sa Principal's office dahil may nakakita sa kanila na may kung anong ginagawa sa girl's bathroom," Mahaba nitong paliwanag.
Nagtaas ng kilay si Ariella. "Talaga? Sa'n niyo naman nakuha ang balitang 'yan?" Kunot-noo nitong tanong.
Napailing ang isa. "Ayaw din sana naming maniwala. Pero nanggaling mismo sa bibig ng Dean na ikinahihiya niya 'yung dalawa dahil sa ginawa nila," anito at pagkuwan ay lumagok ng soda. "They are already in the office with their parents. At ang masaklap do'n ay baka matuloy ang sinabi kanina ni sir Alwin na masuspende 'yun dalawa,"
Sa sinabing iyon ng kanyang kaibigan ay labis na lamang ang tuwa sa puso ni Ariella. Bagamat ayaw niyang mangyari iyon sa lalaking mahal niya pero nagawa nitong lokohin siya at iyon ang kinaiinisan niya sa lahat.
Sawang-sawa na siya sa kalokohan at kasinungalingan ng mga taong nasa paligid niya. She's tired of making herself believe that they will miraculously change for the better. But things are getting worse and worse. Habang tumatagal ay tila ba mas lalong naging komplikado ang mga sitwasyon lalong-lalo na pagdating sa totoong relasyon ng kanyang mga magulang. She could sense them that something is wrong but they keep on denying her the truth.
At kung pwede lang talaga siyang bumalik sa nakaraan ay gagawin niya. Susubukan niyang baguhin ang lahat hanggang sa magkaroon ng katiwasayan ang kanyang loob tungkol sa hinaharap.
"By the way, wala ka man lang bang reaksiyon tungkol sa balita kay Hans?" Maya-maya'y basag ng katahimikan ng isa sa mga kasamahan niya. "Aren't you bothered that the man that you love had sex with that girl, Nina?"
Napakibit-balikat siya. "Of course, I'm bothered," Masungit niyang anas. "Pero wala akong pakialam kahit na ilang babae ang ikama niya. I am still the girl that he will marry at walang kahit na sino ang makapagpapabago no'n," Matatag niyang sambit.
Nagtinginan ang mga kasamahan niya pero kasunod naman niyon ay ang ngiting sumilay sa labi ng mga ito. Ano pa ba ang aasahan nila sa isang Ariella Garcia? Beautiful, confident with a strong-wiled heart.
Sino pa bang lalaki ang aayaw sa isang babaeng tulad niya?
Matapos ang usapang iyon ay isang malakas na ingay ang bumulabog sa tahimik na mga estudyanteng nag-aaral sa silid-aklatan kasama na roon si Ariella at mga kasamahan niya. Halos lahat sila ay napabaling sa pinto at bahagya silang natigil nang makita nila ang namumulang pagmumukha ni Hans. Kunot-noo itong napatingin sa lahat ng mga estudyanteng nandoon na tila ba may kriminal na hinahanap.
Di naglaon ay agad na nabaling ang tingin nito kay Ariella. Sinalubong nito ang mga titig ng dalaga at pagkuwan ay dali-daling nagtungo sa kinalulugaran nito.
Napabuntung-hininga ito. "Why did you do that?" Gigil nitong anas. "Alam kong may kinalaman ka sa scandal na kumakalat ngayon tungkol sa 'min ni Nina. Are you that desperate para sirain ang relasyon namin?"
Napailing si Ariella. "Anong ibig mong sabihin?"
"Pwede bang wag ka ng magmaang-maangan?" Ngisi nitong sambit. "We both know na ikaw lang ang pwedeng gumawa ng ganong mga bagay. Ever since highschool ay wala ka nang ibang ginawa kundi ang sumunod sa 'kin na parang aso at gawing katawa-tawa ang lahat ng babaeng nagugustuhan ko,"
Matapos marinig iyon ay agad na napatayo si Ariella mula sa kanyang kinauupuan at napangiting napatitig sa binata.
She took a deep breath. "For your information, wala akong alam tungkol dyan sa mga pinagsasasabi mo. Besides-"
"Shut the fuck up," Matigas na sambit ni Hans na siyang mabilis na ikinahinto ng dalaga. "Look, I'm flattered that you love me ever since. Pero ilang beses ko bang dapat na ipaliwanag sa'yo na hindi kita mahal?" anito at tinapunan ng masamang tingin si Ariella. "Nina is the best thing that ever happened to me. At sa lahat ng babaeng niligawan ko at nakasama ko ay iba siya sa lahat. Actually, she's way different from you - mayaman pero hindi tulad mo na tanging ganda lang ang pinapairal," anito at bahagyang napangisi.
BINABASA MO ANG
Suddenly She's a Mermaid (COMPLETED)
RomanceIsa si Nicholas sa mga sireno na ang tanging pag-asang mabuhay ay ang manilbihan bilang alipin at bihag ng Reyna ng karagatan. Kaya naman walang pagdadalawang-isip siyang nagdesisyon na lisanin ang lugar na iyon at magsimula na nang bagong buhay. H...