Pasado alas-dos ng umaga nang mapagdesisyunan ni Ariella na tuluyan ng putulin ang kanyang pagkakatulog. Hindi rin kasi siya mapakali sa kanyang kinahihigaan dahil tila ba mababasag ang kanyang ulo dahil sa sobrang sakit nito. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay agad siyang dumiretso sa kusina upang maghanap ng gamot ngunit sa kasamaang palad ay nabigo siya.
Nakalimutan niyang hindi pala niya bahay ang kinalulugaran niya ngayon. It was Maxine's apartment and it's so damn impossible to find some medicine for emergencies like this. Hindi kasi mahilig bumili ang kaibigan niyang iyon ng gamot dahil naniniwala ito na mas makagaganda kung herbal ang gagamitin. Pero ano bang alam niya sa mga bagay na iyon? Ang alam lang niya ay mas kinakailangan niya ng gamot dahil kung hindi ay baka bigla nalang pumutok ang kanyang ugat sa ulo.
Matapos ang ilang minutong pagsubsob niya sa lamesa ay muli siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at agad na dumiretso sa couch. Gustuhin man kasi niyang bumili ng gamot ngunit sa kasamaang palad ay walang bilihan malapit sa building na iyon. Siguro ay magtitiis nalang siya hanggang sa magising si Maxine at matulungan siya sa pwede niyang gawin sa lintik na migraine niya.
Sa kanyang paghiga sa couch ay agad siyang natigil nang marinig niya ang isang ingay mula sa kabilang apartment. Mula roon sa loob ay rinig na rinig niya ang paghalakhak ng isang lalaki na tila ba tuwang-tuwa sa kung anong klaseng dahilan. Kaya naman imbes na palagpasin ang pambubulabog nito ay kunot-noo siyang napatayo sa kanyang kinahihigaan. Dali-dali niyang binuksan ang pinto at pagkuwan ay gigil na hinarap ang lalaki.
"Would you shut up?" Kunot-noo niyang anas sa binata. "Hindi ko alam kung ano ang tinatawanan mo at wala akong pakialam. Pero sana naman ay makiramdam ka dahil marami pang tulog sa mga oras na 'to," Litanya niya at pagkuwan ay muling napasapo sa kanyang ulo.
"Masakit ba ang ulo mo?" Maya-maya'y tanong nito.
Bahagya siyang napatawa. "Oo. Sobrang sakit at dahil dyan sa ingay mo ay mas lalo pang nadadagdagan ang pagkirot ng ulo. Kaya pwede bang tumigil ka na o di kaya ay pumasok ka nalang do'n sa apartment mo?" Masungit niyang anas. "Ayaw kong makulong kaya wag mo 'kong galitin,"
Napabuntung-hininga ito at bahagyang napatango.
Ngunit nang akmang papasok nang muli si Ariella sa loob ng kanyang apartment ay agad siyang nahinto nang marinig niya ang mga sumunod na sinabi ng lalaki.
Napatikhim ito. "May alam akong gamot na pwedeng magpawala dyan sa pagkirot ng ulo mo," anito na bahagyang ikinatitig sa kanya ng dalaga.
Napailing si Ariella. "Kung hindi lang din ako hiyang sa gamot na 'yan ay baka mas lalo lang madadagan 'tong migraine ko. Saka bakit naman ako magtitiwala sa'yo? Ni hindi nga kita kilala. Baka mamaya rapist ka pala," aniya at pinasadahan ng tingin ng lalaki mula ulo hanggang paa.
"Una sa lahat, hindi ako rapist," Mabilis nitong sagot. "At pangalawa, nakikita ko na nahihirapan ka na dyan sa migraine mo kaya ako nag-ooffer ng tulong," Dagdag pa nito. "Saka kung nagbabalak nga ako ng masama, bakit pa kita kakausapin? Diba dapat hinila na kita rito sa loob ng apartment ko at hinubaran na nang walang pakundangan?"
Sa sinabing iyon ng lalaki ay saglit na napaisip si Ariella. Gustuhin man niyang isipin na tama ang sinabi nito ay hindi pa rin niya maalis sa kanyang isip na baka nililinlang lang siya ng lalaking kaharap niya. For Pete's sake, napakaraming manloloko at mapanlinlang sa mundong ito at walang dahilan para maniwala siya rito.
He might look like an innocent guy for her but deep insde of him, he's definitely up to something.
"Kahit anong sabihin mo ay wala akong tiwala sa'yo. You look like a criminal to me. Malay ko ba kung drugs 'yang ipapainom mo sa'kin?" anito. "Just stay away from me. Saka mo nalang ako kausapin kapag may kasama na 'kong-"
BINABASA MO ANG
Suddenly She's a Mermaid (COMPLETED)
RomanceIsa si Nicholas sa mga sireno na ang tanging pag-asang mabuhay ay ang manilbihan bilang alipin at bihag ng Reyna ng karagatan. Kaya naman walang pagdadalawang-isip siyang nagdesisyon na lisanin ang lugar na iyon at magsimula na nang bagong buhay. H...