Chapter 16

36 15 0
                                    

 Hindi lamang mga paru-paro kundi mga kabayo ang siyang nararamdaman ni Ariella sa kanyang buong sistema sa mga oras na iyon. Habang kunot-noo siyang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya ngayon ay mataman lang din nitong sinasalubong ang kanyang mga titig. Pakiramdam niya ay sila lamang ang tao sa lugar na iyon at wala ng iba pa.

Napatikhim ito ay muling napabaling sa kanyang mga kasamahan.

"Di ba pwedeng mag-uwi ako ng babae ngayong gabi?" tanong niya. "Hindi kasi ako komportable na gumawa ng kababalaghan sa lugar na 'to. At kung papayag ka, wag kang mag-alala dahil sisiguraduhin ko na hindi siya magsasalita tungkol sa'tin," Matatag niyang sambit.

Napailing ang isa. "Basta siguraduhin mo lang na hindi tayo ititiktik niyan sa pulis dahil kung hindi ay ako ang papatay sa'yo," anito.

Sumabat ang kapatid nito. "Mag-ingat ka lang ng mabuti at baka kapag nagpumiglas 'yan ay matanggal 'yang suot mo sa ulo," Pagpapaalala nito. "At kung maaari lang ay pakibilisan mo para naman hindi lang kami ang mapagalitan ng mga Retubal,"

Napatango ang lalaki sa sinabing iyon ng kapatid niya. Kasabay niyon ay ang muli niyang pagbaling sa mga kababaihan na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapakali sa kanilang kinalulugaran. Sa mga sandaling iyon ay isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya at hindi naglaon ay tuluyan na rin itong humakbang papalapit sa babaeng nakasuot ng blouse na kulay rosegold.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi lamang kung sinong babae iyon. It was Ariella and right now, all she could hear is her heartbeat going faster and faster. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang puso sa mga sandaling iyon. Kung tutuusin ay parehong-pareho ngayon ang nararamdaman niya sa naramdaman niya noon noong una niyang nakita si Hans. The only difference is that he's in love with Hans while the one in front of her is just a product of knowing that she could be killed after they raped her.

Kaya naman sa puntong iyon ay hindi na napigilan pa ni Ariella ang kanyang nararamdaman. Hanggang sa isang mainit na likido nalang ang siyang naramdaman niyang dumaloy mula sa kanyang mga mata. Hindi naglaon ay nakita nalang niya ang kanyang sariling nakatayo mula sa kanyang kinauupuan habang kusang nagpapahila sa lalaking bigla nalang siyang dinampot na parang trash bag.

Napatikhim ang lalaki. "Subukan mong magpumiglas at sinisigurado ko sa'yo na hindi mo na makikita ang umaga," anito at mabilis na binuksan ang main door. "Ayaw kong makapatay ngayong gabi kaya sana ay wag mo 'kong pilitin na gawin sa'yo 'yun," sambit nito at mahigpit na hinawakan sa braso ang dalaga.

Napailing si Ariella. "Mas gugustuhin ko pang patayin mo 'ko kaysa babuyin mo 'ko sa kung saang lugar," aniya at padabog na lumabas mula sa tindahan. "I don't deserved this! I have a life to live and I have so many dreams to make. I still wanted to know if Hans really want me back in his life or if he changed. So, could you not please do this to me?" Mahaba niyang anas.

Matapos sabihin iyon ay agad na napahinto ang lalaki sa paglalakad at ganon din siya. Maya-maya ay isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan nito at mas mabilis pa sa alas-kuatrong pinukulan ng masamang tingin si Ariella.

"Pwede bang tigil-tigilan mo 'ko sa kaka-ingles mo? Nakakabingi 'yang salitang 'yan at kung ayaw mong-"

"Ano? Anong gagawin mo?" Mabilis na putol ng dalaga. "Nakukulitan ka na sa'kin? Sige, patayin mo na 'ko," Dagdag pa niya habang patuloy pa rin ang pagragasa ng kanyang mga luha.

Sa pagkakataong iyon ay hindi kaagad nakaimik ang lalaking kaharap niya. Ngunit habang nakatuon ang tingin ng lalaking iyon sa kanya ay siya namang dali-dali niyang pagpikit ng kanyang mga mata. Tila ba ipinapahiwatig niya na pumapayag na nga siyang mamatay sa mga oras na iyon. She's ready to die and willing to face death at any moment.

Suddenly She's a Mermaid (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon