Chapter 23

27 14 0
                                    

 "Nakasisigurado ka ba na talagang ligtas sa lugar na 'to? Baka naman mamaya ay may nakaabang na mamamatay tao dyan sa labas?" Kunot-noong tanong ni Maxine sabay rikesa sa buong kabahayan na kinalulugaran nila ngayon.

Napabuntung-hininga si Huhu. "Kung wala kang tiwala sa amin, bakit ka pa sumama? Mas mabuti pa siguro kung lumabas ka nalang at doon ka nalang maghintay ng taong papatay sa'yo," Nakangisi niyang sambit at pagkuwan ay napailing na napabaling kay Zelpro. "Sino ba 'yang mga 'yan? Ang aarte na nga, mga mapanghusga pa,"

Bahagyang natawa ang binata. "Pagpasensyahan mo na sila, Huhu. Talagang hindi lang sila sanay sa ganitong klaseng lugar," anito. "Pero sigurado naman akong makakapagtiis sila para sa kaibigan nilang si Ariella. Hindi ba?" Baling niya sa tatlong kababaihan.

Si Aivee ang nagsalita. "Oo naman. Hindi namin siya iiwan dito. At salamat na rin Huhu dahil kahit ganito ang ugali ng mga kaibigan ko ay pinatuloy mo pa rin kami rito," aniya na agad na ikinangiti ng huli.

"Walang anuman," Mabilis nitong anas. "Basta pagdating kay Nicholas ay wala akong reklamo. Handa akong sundin kung ano man 'yung kanyang ipag-uutos at ganon din sa kanyang nobya," Nakangiti pa rin niyang anas.

Ngunit hindi naglaon ay agad din namang nawala ang ngiting iyon nang marinig niya ang paghagalpak ni Zelpro habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa kanya. Kasunod niyon ay ang pagtigil niya sa pag-inom ng tubig nang marinig niya ang mga sumunod na sinabi nito.

"Nobya? Iyon ba ang tingin mo sa dalawang 'to?" Napailing niyang sambit. "Para sabihin ko sa'yo, magkaibigan lang sila at wala ng mas higit pa ro'n. At para malaman mo rin ay may nobyo 'tong si Ariella na siyang naging dahilan kung bakit kamuntikanan na mamatay si Nicholas," Paliwanag nito. "Kung hindi lang kasi nagsinungaling ang babaeng 'yan, baka wala kami rito ngayon,"

"At kung wala tayo rito, paniguradong hindi magiging sirena si Ariella," Maya-maya'y sabat ni Roxane. "Hindi ka namin makikilala at hindi namin malalaman na kakaibang nilalang pala sina Nicholas at Yves. Walang mabubunyag na sekreto at lahat ay pawang panaginip lamang," Dagdag pa nito.

Sa sinabing iyon ng dalaga ay agad na nagkatinginan sina Nicholas, Zelpro at Huhu. Tama naman si Roxane. Pero mapipigilan ba ng isang bagay ang isa pang bagay na siyang matagal nang nakatadhanang mangyari?

Para kay Huhu ay malabo pa iyon sa sikat ng araw. Alam niya na hindi madali ang kanilang pinagdadaanan ngayon at aminado siya na ganon din sa ilalim ng karagatan. Halos ang ilan sa kanilang mga kalahi ay nagbabalak na hatulan ang ilang mga nahuli nilang mga sirena ng bitay. Habang ang ilang mga hukbo naman ni Hulta ay buo ang desisyon na magsimula ng panibagong giyera.

Maging ang pinuno ng mga tsokoy ay hindi na sigurado kung ano ang dapat nilang gawin. Sa paglipas ng panahon ay lalong nagiging komplikado ang mga bagay-bagay – ang mga pangyayari. Kaya naman labis na lamang ang kanyang tuwa nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Apo Hokaido – ang pagtawag ni Nicholas. Sa puntong iyon ay muli siyang nagkaroon ng panibagong pag-asa na maaayos pa ni Nicholas ang kanyang naiwanang mundo.

"Mas maigi na mangyari na ang mga dapat na mangyari ngayon," Maya-maya'y basag ni Huhu ng katahimikan na agad nilang ikinatitig sa kanya. "Dahil kung palilipasin pa natin ang ilang taon ay tiyak na mas lalo lang tayong mahihirapan – lalo lang nating iindahin ang galit at hinagpis ni Apo Hokaido,"

Si Zelpro ang nagsalita. "Anong ibig mong sabihin?"

Humugot ng malalim na hininga si Huhu. "Katulad ng iba nating mga kalahi ay naging bato rin siya. Pero kaming mga tsokoy ay nararamdaman namin na muli siyang babalik at ipagpapatuloy niya ang kanyang nasimulan. At nasisigurado namin na sa pagbabalik niyang iyon ay ilang buhay ang muling manganganib at baka nga iyon na ang huling..."

Suddenly She's a Mermaid (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon