Chapter 29

18 10 0
                                    

Isang nakakabinging ingay ang siyang pumutol ng pag-uusap nina Ariella at Nicholas. Kapwa sila napatayo sa kanilang kinauupuan at pagkuwan ay napatingala nang may marinig silang kakaibang boses na tila ba nagmumula sa kinalulugaran ni Zelpro. At kasabay ng boses na kanilang narinig ay ang biglaang pagkawala ng liwanag sa kanilang paligid.

Kapwa sila natumba sa kanilang kinatatayuan at napasapo sa ulo dahil sa palakas na palakas na ingay na hindi matigil. Hanggang sa hindi naglaon ay naramdaman na lamang nila na tila ba may kung anong pwersang humihila sa bawat isa sa kanila. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay agad na nagpasya si Nicholas na hawakan ang kamay ni Ariella at ganon din ang dalaga.

Ngunit sa kasamaang palad ay pareho silang nabigo. Nalayo sila sa isa't-isa hanggang sa hindi nagtagal ay nagising nalang si Nicholas na nakahiga sa buhangin sa may tabing-dagat. At sa paggising niyang iyon ay ganon na lamang ang kanyang pagkabigla nang makita niya ang ilang mga nilalang ng dagat na nagsusulputan papunta sa bahay-kubo kung saan nandoon sina Zelpro at Ariella.

Akmang tatayo na siya upang subukang iligtas ang dalawa ngunit hindi pumayag si Huhu na gawin niya iyon. Bagkus ay hinila siya nito papunta sa mga batuhan kung saan ay walang makakakita sa kanila. Sa mga sandaling iyon ay wala siyang nagawa kundi ay tumanaw lamang sa mga nilalang na buhat-buhat sina Zelpro at Ariella. Gustuhin man niyang tumayo o sumigaw ngunit hindi niya magawa.

Nananatiling tikom ang kanyang bibig na para bang siya'y binabangungot. Hindi siya makatayo o makagalaw sa kanyang kinalulugaran. Hanggang sa hindi naglaon ay isang mainit na likido na lamang ang tumulo mula sa kanyang mga mata nang makita niyang pabalik na ang mga nilalang na iyon sa karagatan.

Ilang minuto matapos ang eksenang iyon ay ang muling pagbalik ng buong sistema ni Nicholas sa dati. Agad siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at dali-daling lumabas mula sa kanyang pinagtataguan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay agad siyang napaluhod at ikinuyom ang kanyang mga kamao sa buhangin.

Sa mga sandaling iyon ay hindi siya makatiis na mapahagulgol at isubsob ang kanyang sarili sa bangungot na ginawa niya.

"Pasensya ka na kung pinigilan kita kanina. Ayaw ko lang na pati ikaw ay mapahamak dahil kapag nalaman nila na buhay ka ay pagdidiskitahan ka na naman nila," Basag ng katahimikan ni Huhu. "Sisiguraduhin nila na mamamatay ka tulad ng ginawa nila sa ibang mga kalahi natin," Paliwanag nito.

Napailing siya. Bagamat nandoon siya at naririnig niya ang lahat ng mga sinasabi ni Huhu ay para bang wala siyang pakialam. Ang alam lang niya ay abala siya sa mga alaala na rumerehistro sa kanyang utak ngayon.

Unti-unti ay bumabalik na sa kanya lalong-lalo na ang relasyon nila ni Ariella.

Akmang magsasalitang muli ang binata ay naputol iyon nang marinig nila ang paghampas ng isang malakas na alon sa dalampasigan. At kasabay niyon ay ang paglitaw ng ilang mga nilalang ng karagatan na agad na sinalubong ng ngiti ni Huhu.

Mula roon ay napatayo si Nicholas sa buhangin na siyang kinaluluhudan niya. Kunot-noo siyang napabaling sa mga nilalang na nasa harapan niya ngayon habang ang mga ito naman ay mataman lamang na nakatitig sa kanya.

"Nicholas," Bati sa kanya ng Pinuno ng mga tsokoy. "Nagagalak ako na muli kang makita at nagagalak din ako dahil ligtas ka sa mundong ito," Dagdag nito na agad niyang ikinatango.

Si Goko ang nagsalita. "Mabuti na lamang at nagpasya kang hawakan ang batong kristal dahil kung hindi ay paniguradong pati ikaw ay isa nang bato ngayon - kayong dalawa ni Zelpro," anito na ikinailing ni Huhu.

"Pero kung hindi niya hinawakan ang kristal na iyon ay tiyak na marami pa sa ating mga kalahi ang buhay ngayon," ani Huhu at pagkuwan ay napabuntung-hininga. "Kung hindi niya hinawakan ang batong kristal na iyon ay hindi makakawala si Ulriya sa kanyang kulungan,"

Suddenly She's a Mermaid (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon