CHAPTER 11

86 6 0
                                    

Amanda's POV

We're going back to Philippines with my dearest pamangk---I mean my Son.Nasa China kami ngayon at pabalik na rin ng Pilipinas.

Charvin is Amara's Son.Pero sa akin na sya lumaki at ako na ang itinuring nya na Mommy.Alam nya rin ang sitwasyon ng totoong Mommy nya.

Hindi rin namin inilalayo ang loob ng bata kay Amara.10 years old lamang sya para maintindihan ang lahat ng pangyayari.

"Mom,I'm already done packing my things!"sambit nito habang tumatakbo pababa ng hagdan sabay yakap nito sa akin.

Sa akin siya ipinagkatiwala nila Dad,I have my own Family at si Charvin ay itinuring na rin naming anak.Isa lang kasi ang anak ko at babae ito.

Minsan naiisip ko na baka si Zycharry ang tatay nito dahil may pagka same sya ng lips ni Zycharry.Pero hindi na namin pa iyon pinagkaabalahan dahil mas minabuti ko na lamang na akuin ang bata at wag ng guluhin pa sila Zycharry.

If ever na tama ang hinala ko panigurado gulo na naman ang dala nito.After 10 years hindi na muling naging malapit ang loob ko sa kakambal ko na alam ko naman na kahit umpisa pa lang ay malayo na talaga kami sa isa't isa.

Nalaman ko rin na nakabalik na sila  Alena sa Pilipinas kasama ang mga anak nito.It's the right time na rin ata para bumalik na rin kami para ayusin na ang mga gulo na nangyari sa amin dati dahil hindi na rin naman kami nga bata pa para hindi magpansinan.

Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa table dahil may tumatawag rito.Binuhat ko si Charvin at ipinaupo sa sofa.

It's Attorney Mondejar.

"Yes,Attorney?"panimula ko.

"Ms.Amanda,I have good news and also bad news."sagot nito sa akin.

Panandalian muna akong natahimik dahil baka hindi pa ako handa sa ibabalita  nya sa akin.

"Pwede bang bad news muna ang unahin mo para naman kahit papaano matuwa ako pagdating sa good news."sambit ko sabay kagat sa ibabang labi ko.

"Si Ms.Amara...."

Muli syang nagslita at nanlaki ang mata ko sa gulat dahil hindi ako makapaniwala sa sasabihin nya sa akin.

"What?!"

Alena's POV

"Hoy!,mag order kana ng pagkain natin."pang iistorbo ko kay Zycharry dahil hanggang dito dinala nya na naman ang pagka adik nya sa anime.Nakadapa pa sya sa kama habang kumakain ng chips.

"Ikaw nalang."sagot nito sa akin.

"Bakit ako?!.Ikaw na!"

"Nanonood ang tao eh."aniya at hindi lang ako pinapansin."And'yan yung loptap ko gamitin mo nalang."dagdag pa nito sabay baling nya ulit sa pinapanood nya.

"Ayaw mo ah.Iiwanan kita dito sasama ako dun sa mga ka trabaho ko mag lunch.Nandun pa naman yung crush ko."sambit ko sabay talikod sa kanya.

Ganito ang lagi nyang gawain sa tuwing sasama sya sa akin.Lagi lang syang nakahilata at nanonood sa cellphone nya.

Iniwanan ko sya at lalabas sana ako ng pinto para mag lunch pero hindi pa man ako nakakalabas.....

"Delivery,Ma'am."

Lumingon ako sa likod ko at agad na sumulpot si Zycharry at hablot sa dala ng lalaki na ito.

"Bayaran mo nalang,Babe."anito at iniwanan ako habang nasa harap ko ang delivery boy na ito.

Tarantado talaga sya,ako pa ang papagbayarin ng inorder nya.

"Wala akong cash!"sigaw ko rito.

"Sa wallet ko,kuha ka nalang."sagot nito.

The moon of triplets (Triplets Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon