Alena's POV
Kaya pala napaka sweet nya kasi may ginawa na naman sya na hindi ko alam.Napaka epal nya,sya nga na nanonood hindi ko pinakialaman tapos ako na natutulog pinakialaman nya ang unfair nya 'diba?.Tapos ngayon tawang-tawa sya sa ginawa nyang katarantaduhan.
~_~
Pabalik na kami ngayon ng airport,pabalik ng London.Makikita ko na naman ang London bridge na laging bumubungad sa akin kapag nasa terrace ako.Hindi ako magsasawang tanawin ang bridge na iyon dahil nakaka relax sya.
"Dalhin mo 'yang luggage ko.May kasalanan ka pa sa akin."baling ko kay Zycharry habang nag che-check out kami sa Hotel.
"Bakit ako ba ang FA?.Ikaw naman ah,at isa pa luggage mo 'yan kaya dalhin mo."sagot lamang nito sabay hila sa maleta nya lang.
Napaka sweet nyang asawa 'diba.Napaka kapal ng mukha hindi man lang maging sweet kahit saglit lang.Napaka sarap bigyan ng isang malakas na batok eh.
"Then fine.Ika-cancel ko ang book mo para hindi tayo magkasama sa eroplano."aniko sabay irap sa kanya at iniwan ko sya habang nakatayo.
Pababa na ako ng hagdan ng matapilok ako kaya iginala ko muna ang paningin ko at mabuti na lamang at walang nakakita maliban sa CCTV at kay Zycharry.
"Tanga!"sambit ni Zycharry habang nakangisi.Sinamaan ko sya ng tingin dahil pinagtatawanan na ako ngayon.
"Manahimik ka d'yan!.Walang nakakita!"
"Ilang CCTV ang nakatapat sa'yo?"anito habang nakangisi.
Tumingala ako at iginala ang paningin at binilang ang CCTV sa isip ko.
Shit...Tatlong CCTV.
"Ahh!.Basta walang nakakita!"pagpupumilit ko pa sabay lakad ko ulit.
"Ikaw lang ata ang Flight Attendant na natatapilok"pang aasar pa nito kaya hindi ko nalang sya pinansin dahil kapag pinansin ko sya mang aasar na naman sya nang mang aasar hanggat hindi sya nagsasawa.
"Ikaw lang rin 'tong asawa na buntot ng Flight Attendant."aniko habang hindi ko pa rin sya nililingon at nagpatuloy lang ako maglakad papunta sa bus stop.
"Hoy!,saan ka pupunta?!"tawag nito sa akin.
"Sa bus stop,saan pa ba?!"sagot ko rito.
"Ito oh nag book ako ng taxi."
"Edi mag taxi ka basta ako mag ba-bus."sagot ko.
"May pera ka?!
"Mero---wala"Naplingon ako sa kanya dahil Philippine and London lang pala ang pera ko rito.
Nakangisi naman ito habang naka hawak sa luggage nya."Ako lang ang may pera kaya 'wag ka ng pabebe d'yan."anito.
Sya nga lang pala talaga ang may pera,Sya lang ang may cash kaya no choice ako kaya mapipilitan ako na sumama sa kanya.Tatampo pa nga 'ko eh.
Bumalik ako sa kanya at naupo sa inuupuan nya at pinatayo sya.
"Sorry na kasi."
"Sorry mo mukha mo,pinagtawanan mo'ko!"sagot ko rito.
"Eh kasi naman---"
"Eh kasi ano?.Tatanga-tanga ako?!"putol ko sa sasabihin nya.
Ngumisi muna ito."Buti naman alam mo."sagot lang nito kaya agad na kumilos ang kamay ko para mabatukan sya.
"Para kang hindi asawa!"
"Eh ikaw nga 'tong parang hindi asawa.Masyado kang mapanakit!"anito habang nakahawak sa batok nya.
BINABASA MO ANG
The moon of triplets (Triplets Series 2)
Aléatoire[ON GOING] "Moon is my light,Love is my weapon,Sword is my shield" Cassandra Alena Dela Vega-Walker.The only daughter of Moon Kingdom.The responsible Princess. At this time she learn how to manage the Moon Kingdom even she's a Queen of Zycharry Walk...