Zyro's POV
"Zyro,nakita mo ba 'yong mag asawa?"bungad ni Zyrus habang nasa loob ako ng library ko.
Umiling-iling muna ako sa kanya."Akala ko ba susunduin nila ang mga bata?"aniko.
"Kanina pa sila umalis bago dumilim,at ngayon anong oras na,oh.Mag na-nine pm na wala pa rin sila."sagot nito sa akin."Naririto na ang mga bata tapos wala pa silang dalawa."dagdag pa nito habang nakasandal sa pinto ng library ko.
"Pag ganon,'h'wag mo ng hanapin.Panigurado gumagawa na sila ng bata."sagot ko lamang rito sabay baling ko ng atensyon ko sa libro na hawak ko.
Gumala na naman ata ang dalawa na iyon.Kagaya ng parati nilang ginagawang dalawa tapos kapag mala-late ng uwi sasabihin hinabol sila ng mga aso.
"Kanina pa tumatawag ang hospital.May surgery pa si Zycharry.Hindi ko na alam ang idadahilan ko dun!"anipa nito.
"Ikaw nalang ang magpalit sa kan'ya."
"Mukha ba akong Doktor,Zyro,ha?!"pasigaw na sagot nito sa akin.
Nilingon ko s'ya at tinignan mula ulo hanggang paa."Suotin mo nalang yung white coat ni Zycharry.Magmumukha ka ng Doktor."saad ko sabay ngisi sa kanya.
Kinuha n'ya ang isang libro na malapit sa kanya at akma sanang ibabato sa akin.Pero agad n'ya ring binawa ng mapagtanto n'ya na libro n'ya iyon.
"H'wag 'to,mahal 'to."anito."Alam mo?.Mas matino pang kausap si Zavi kaisa sayo!."sambit pa nito 'saka padabog na isinara ang pinto.
Napailing na lamang ako at napangisi bago ko ipinagpatuloy ang pagbabasa ko ng libro.
Zycharry's POV
"Kotse 'yon ni Jack,ah.Inihatid na n'ya ata ang mga bata."aniko habang nasa itaas pa rin kami ng puno.
"Hoy!,paano tayo makakababa rito?"sambit ni Alena habang nakasampa s'ya sa isang sanga at naka dapa rito.
Tinignan ko ang mga aso sa baba at naririto pa rin ang mga ito,umiikot-ikot lang sa puno kung nasaan kami.
"Kung ako sayo umpisahan mo ng magpitas ng dahon para maging kumot mo."sambit ko.
Umayos ito ng upo at tinignan ako."Gumawa ka na kasi ng paraan! Para makababa na tayo dito!."sigaw nito sa akin.
"Sa tingin mo kung may magagawa ako?.Ang lalaki kaya ng mga aso na 'yan,ang lalaki pa ng bunganga!."sagot ko rito sabay tingin n'ya sa baba.
Kung may magagawa ako edi sana hindi ko s'ya ipinapain sa mga aso na ito.
Binalingan ko na lamang s'ya ng tingin dahil ang nakakunot n'yang mukha kanina ay naka ngisi na ngayon.
Nakakakilabot s'ya.
"Anong gagawin mo?"tanong ko rito dahil may kinuha s'ya ng kung ano sa medyas ng sapatos n'ya.
Nakangisi pa rin ito hanggang sa makuha na n'ya ang kinukuha n'ya."Anong gagawin mo sa stiletto knife na 'yan?"tanong ko sa kanya.
Inumpisahan na n'ya itong paikot-ikutin sa kamay n'ya at tinignan ang mga aso.
"Edi tatanggalan ko ng hininga ang mga aso na 'yan!"sagot nito sa akin.
May kung ano pa s'yang kinuha sa kabilang medyas n'ya at isa rin itong patalim.
"Subukan mong gawin iyon.Paniguradong kulungan ang bagsak mo."wika ko.
Nilingon ako nito habang kabilaan ang hawak n'ya sa patalim."Gusto mo bang makababa rito o ayaw mo?"
BINABASA MO ANG
The moon of triplets (Triplets Series 2)
Acak[ON GOING] "Moon is my light,Love is my weapon,Sword is my shield" Cassandra Alena Dela Vega-Walker.The only daughter of Moon Kingdom.The responsible Princess. At this time she learn how to manage the Moon Kingdom even she's a Queen of Zycharry Walk...