CHAPTER 20

146 10 5
                                    

Zycharry's POV

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang anak ko na may tama.She's only 8 years old para makaranas ng ganito.

Naghihintay kami sa sasabihin ng Doctor kung ano na ang balita sa loob ng operating room.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa anak ko,Zycharry!"Ani Alena at hindi ito mapakali habang puro dugo ang suot nito.

Naupo ako sa tabi ng asawa ko at niyakap ito habang umiiyak at hindi mapakali.Nararamdaman ko ang malakas na pag tibok ng puso nya at ang mga luha nito na dumadampi sa dibdib ko.

"Calm your self,babe,Zavi's will be okay."pagpapalakas ko ng loob nya."H'wag mong iparamdam sa anak natin na nasa loob ng OR na 'yan na pinanghihinaan ka,dahil baka panghinaan rin s'ya."dagdag ko pa.

Kinuha ko ang phone na nasa bulsa ko nang tumunog ito.

"Zyro,yes?"panimula ko.

"How's Zavi?.Ano na ang balita sa kanya?"Tanong nito.

Hindi muna ako nagsagot at tumingin sa pinto ng OR at binalingn ng tingin si Alena.

"Wala pa kaming balita sa nangyayari sa loob."sagot ko.

Matagal ito bago sumagot sa akin,narinig ko na lamang na nagbuntong hininga s'ya.

"Zion....Kailangan kayo ni Zion."sambit nito sa kabilang linya na ikinakaba ko pa.

"A-anong nangyari?"

Parang wala sa sarili si Alena at panay iyak lamang na hindi animo'y nakikinig sa usapan namin ni Zyro.

"Mas'yado s'yang affected sa nangyari.Sinisisi n'ya ang sarili n'ya kasi hindi n'ya nailigtas ang kapatid n'ya."sagot nito.

Binalingan ko na naman ng tingin si Alena at hinaplos ang braso n'ya.

Si Zion ay kagaya na ng Mommy nya kung humawak ng espada noong makilala ko ito kaya maging s'ya ay nakipaglaban rin.Ngunit,hindi iyon sapat dahil biglaan at walang paghahanda ang panig namin.

Palaisipan sa akin kung sino ang may gawa n'on?.Sa pagkakaalam ko wala ng naging kalaban pa ang Moon kingdom pagkatapos ng laban kay Amara.

"Doctor Zycharry Walker please proceed to Operating room number 108"

"Doctor Zycharry Walker please proceed to Operating room number 108"

Hindi ko muna nasagot si Zyro ng marinig ko ang pangalan ko.

"Calling for Doctor Zycharry Walker you need in Operating room number 108."

Pag uulit nila.Hindi ko maiwanan ang asawa ko kasama si Ines at ang  Kuya Jack n'ya.

Gusto ko nasa tabi niya lamang ako at karamay niya sa nararamdaman niya ngayon.

"Z-zycharry,room 108?.It's Zavi's room."Jack's said.

Napalingon ako sa pinto ng OR ni Zavi ng makita ko ang room number nito agad na bumilis ang kabog ng dibdib ko.

Kaya ko ba?.

"Alena,babe.Zavi's need me inside."saad ko rito at pinaharap siya sa akin.

Tinitigan lamang ako nito kaya pinunas ko ang luha sa mga mata niya.

"Magiging kampante tayo kung isa sa atin ang nasa loob at ako lang ang pwedeng pumasok."

"D-do your best,babe.Save our Daughter."sagot nito sa akin.

The moon of triplets (Triplets Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon