CHAPTER 18:Moon Princess

67 2 0
                                    

MOON PRINCESS

"Mom,Dad.I want to have more friends!"aniko habang iniiyakan sila.

Naiinggit ako sa ibang bata na nakikita ko sa labas ng mansion na ito kung saan ako parating nakakulong.

From 7 years old until I'm turn 12 years old hindi ako nakakalabas ng bahay na ito,kung makalabas man ay bihira lamang at kasama pa sila Dad.

After my tutor,nariyan na naman ang espada at baril na kailangan kong hawakan.Ayoko ngang maging Prinsesa,ayokong magsanay ng baril at espada ang gusto ko ay maglaro kasama ng ibang batang katulad ko.

Naging madilim ang mundo para sa akin,parati kong tinatakasan ang mga tutor at yaya ko,parati ko silang pinapahabol sa akin para patagalin ang oras at hindi ako makapagsanay.

Hanggat hindi natatapos ang pag aaral ko,hindi ako makakasanay,kaya parati kong tinataguan at pinapahabol sila hanggang sa dumilim.

Pero nagiging under ako kay Dad at Mom kapag nariyan sila.Wala akong palag sa kanila,wala akong nagagawa kondi ang mag sanay,ang hawakan ang espada at baril,ang pagsasanay ng Martial arts na ayaw ko.

Minsan akong naiingit sa mga kuya ko dahil sila pwedeng lumabas at gawin ang gusto nila,habang ako parang isang ibon na walang kalayaang lupipad at gawin ang nais ko.

Sagana ako sa luho at iba pa,kaya nilang ibigay ang lahat ng naisin ko,pero hindi nila kayang ibigay sa akin ang kahilingan na gusto ko,ang makapaglaro kasama ng ibang bata.

I have time to follow.Kailangan 8:00am gising na ako para sa tutor ko.Ayokong sumasapit ang hapon o tinatawag sa Kingdom namin na Golden time.

Kapag sumasapit ito,ito na ang oras para humawak na naman ako ng baril at espada,magsanay nang magsanay hangga't hindi ko nakukuha ang tamang paghawak at paggamit hindi ako pwedeng tumigil.

"Princess,I'm here."ani Kuya Cydel.

Hanggang lingon na lamang ako sa kanya dahil hindi ko pwedeng itigil ang pagsasanay ko.

"I don't want this,Kuya.I'm tired."aniko rito ng makalapit s'ya sa akin.Umiiyak lamang ako kapag pagod na ako,kapag hindi ko na kaya.

"Don't cry,Princess.You are a Princess,at ang Prinsesa hindi umiiyak,hindi nagpapatalo."pagpapalakas ng loob ko na sambit n'ya pero bakit mas lalo akong nanghihina kapag sinasabi n'ya iyon?.

Ang palaging tanong sa isip ko na nangangailangan ng sagot ay ang tanong na....

Bakit ko ito ginagawa? Para saan?

"Daddy's here.Wipe your tears,Princess.Bago pa n'ya dagdagan ang oras ng pagsasanay mo."sambit pa nito kaya agad ko rin na pinunasan ang mga luha ko at itinutok ang tingin sa espada na hawak ko.

Ikaw,kayo!,Kayo ang may kasalanan kung bakit ginagawa ko ito!.

Parati kong pinagbubuntungan ng galit ko ang espada at baril na hawak ko,ang pinagpapalit-palitan ko na hawak.

Agad kong ibinaba ang espada na hawak ko."Pero.. Kuya.Ayoko nito! Gusto ko maglaro!"baling ko pa rito.

"Sasabayan ka nalang ni Kuya para hindi ka malungkot."sagot lang nito sa akin at alam kung naka pekeng ngiti s'ya."Okay ba iyon?"dagdag n'ya pa at ti-nop ang ulo ko.

The moon of triplets (Triplets Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon