CHAPTER 3

119 9 0
                                    

Alena's POV

Inabot kami ng ilang oras kakahintay sa sundo namin tapos walang dumating dahil ang mga kumag na nagbalak mag sundo ay mga lasing.Nagbalak pa sila.

"Ano asan ang mga yabang nyo?.May pa sundo-sundo pa kayong nalalaman tapos ngayon kanya-kanya kayong kanto ng upuan!."nakapamewang na sermon ko sa kanila.

Pinaasa nila kami sa sundo-sundo nila tapos hindi naman darating.

"Sorry na!,ang tagal naman kasi ng eroplano nyo!."sagot sakin ni Kuya Jack.

"Ako ba ang piloto?.Hindi naman,ah!.Kasalanan nyo kasi uminom-inom kayo."aniko.

Nakatulog na ang mga bata dahil sa kakahantay namin sa kanila,nangalay pa mga hita at braso ko dahil sa bigat ni Zavi.Mga paasa!.

"Zycharry!,anong ginagawa mo?!"baling ko rito ng nakailang salin na sya ng alak sa baso.

"Umiinom!.Ano ba sa tingin mo?."sagot lamang nito sakin.

"Aray!"binatukan ko sya ng malakas yung tipong tanggal ulo nya.

Binalingan ako nito ng tingin habang nakahawak sya sa batok nya."Wala ka bang sasabihin man lang sa kanila?!"pasigaw na wika ko.

"Wala,wala na, kasi nandito na tayo tsaka tikman mo ang alak nila ng sarap."sagot lamang nito at iniabot pa sakin ang baso nya.

"Gusto mo ikaw tikman ko?!"

"Luhh!....Tara sa kwarto."tumayo ito at inakbayan ako.

"Umasa ka naman!"itinulak ko sya kaya naman napaupo ulit sya sa couch tsaka ako tinignan.

"Tsk.Paasa!."bulong lang nito sabay inom nya ulit ng alak.

Ang mga kumag kanya-kanyang hawak sa sintido nila.Karma!.

Nasa kwarto na ang mga bata dahil mga tulog pa,napagod makipaghabulan sa loob ng airport.

"Ang aga-aga naman ng sermon mo,Alena."bungad rin ni Rogen habang pababa sya ng hadgan at nakahawak rin sa sintido nya.

Isa rin 'to.Ang aga-aga!, nakakapanira sila ng araw.Jusme! sa kanila ako ma ha-high blood hindi sa mga anak ko.

"Nagkape kana ba?."Sambit nito.

Baka gusto nya ibuhos ko sa kanya ang gatas na hawak ko para malaman nyang hindi kape ang iniinom ko.

"Kape-kape ka dyan!,tag hirap na nga kayo dito,wala kayong kape."sagot ko rito.

Wala akong nakuhang kape para kay Zycharry o dahil hindi lang ako nag hanap at gumana na naman katamaran ko.

"Baka gusto mong paliguan kita ng kape para malaman mo kung saan nakalagay ang kape."sagot nito."Tinamad ka na naman mag hanap."pahabol pa nito sabay upo sa tabi ni Zyrus.

"Mommyyyyyyy!"napatingin agad ako sa hagdan ng sumugaw si Zavi.

"What happened?"tanong ni Zycharry.

Lahat na kami ay nakatingin sa taas."Aba malay ko!."sagot ko rito.

"Aghhhhh....Mommyyyy!."sigaw ulit nito.

Agad na akong tumakbo paakyat ng hagdan at tinungo ang kwarto ko nakasunod naman sila sakin.

Agad kong binuksan ang pinto at nakita ko si Zavi na nakaupo sa kama habang ang Kuya nya ay ang sarap ng tulog.

"Zavi---"

"Zavi,it's me,Tito Zyro."pagpapatahan ni Zyro rito.

"Mommy,who is he?!"sambit ni Zavi sabay takbo papunta sakin.

The moon of triplets (Triplets Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon