CHAPTER 14: ANOTHER ONE

4 0 0
                                        

Maraming pinagawang activities ang mga guro, tinuruan din sila ng simpleng pag asseble at disassemble ng mga baril.

Kung paano bumaril at nagkaroon ng ilang palaro gaya ng pagdaan sa obstacle course. Natapos ang araw ng lahat sila ay punong puno ng putik at basang basa ng pawis.

Pinapila na sila sa mga babyo upang makapaglinis ng katawan.

Pupunta na sana si Jessica sa lawa kahit pa madilim na pero may biglang tumawag sa kanya mula sa likuran.

"Jessica!!" sigaw ni Kerwin kaya sya napalingon.

Inirapan nya ito.

"What!?" inis na sagot nya.

"Have you seen Hecarim??" tanong ni Kerwin.

JESSICA

Nagtaka ako sa tanong ni Kerwin dahil nakita ko sila kanina sa field na magkausap.

"Hinde, bat ko naman sha makikita." inis na sagot ko.

"Ah, baka kase may mata ka" bulong nito pero sinamaan ko sya ng tingin.

"J-Joke lang.." sabi nito nang mapansin nyang narining ko sya..

"AAAAAAAAAAAH!!!" napalingon kami sa kakahuyan kung saan may sumigaw saka kami nakarinig ng putok ng baril.

"Ano yon!?" nagtatakang nagkatinginan kami ni Kerwin.

Nagtakbuhan yung mga estudyante papunta doon kaya pati kami ay nakitakbo na.

Pinatabi kami ng mga sundalo.

Nakita ko nalang ang sarili ko na nakatanaw sa dalawang tao sa tapat ng lawa. Isa sa kanila ay duguan at isa sa kanila ay may hawak na baril.

"H-Heaven.." tulalang sabi ko.

Tulala lang sya sa katawan ni Hecarim na nakahandusay sa lupa.

Hinawi kami ng mga sundalo at tinutukan nila ng baril si Heaven..

"Drop the gun.." sabi ni sir Hunter na may hawak na baril.

Ang dami nila.

"Students lumayo kayo!!" sigaw ni miss Henrietta.

Nabitiwan ni Heaven yung baril at nag iiyak.

"Kasalanan mo to!! Kundi dahil sayo di mamamatay si Hecarim!! Kasalanan mo to!!" Tila nababaliw na sigaw ni Heaven.. Mabilis shang hinuli ng mga sundalo saka nilagyan ng posas.

"Hindi ko sha pinatay!! Maniwala kayo saken!! Hindi ako yung pumatay sa kanya!!   Nakita ko lang yung baril!!"

Nakita kong pinulsuhan si Hecarim saka umiling ang mga paramedics.

Tuluyan na kong napahagulhol, ramdam ko ang pagyakap sakin nila Seraphine at Kerwin na umiiyak din.

Ang dami kong pagsisisi dahil sa nangyari. Nanghihinayang ako, ni hindi man lang kami naging okay, hindi ko man lang nasabi sa kanya na gusto ko sha, gusto ko parin sha. Pero hindi ibig sabihin non na magiging kame or what kung sakali. Gusto ko shang maging kaibigan pa because he's so special to me.

Wala na kong maalala pagkatapos non. Ang naalala ko nalang ay umuwi kami sa bahay right at that day, iyak ako ng iyak at yakap lang ako ni Kerwin. May mga panahong kukunin ako ni Jack sa kanya saka ako Icocomfort. Hanggang sa nakatulog ako sa byahe.

Malungkot din yung mga kaklase namin sa nangyare at umiiyak din ang ibang nakakasalamuha nya sa bawat araw.

Si Heaven naman ay agad na sinundo kanina ng mga pulis at saka kami hiningian ng statement. Galit na galit sa kanya yung parents ni Hecarim dahil kasama sila ng mga pulis kanina.

May hearing na magaganap next week after ng libing. Hindi na pina autopsy si Hecarim bilang pagbibigay galang sa gusto ng pamilya nya.

---

Huling araw na ng lamay ngayon. At walang araw na hindi kami nagpunta dito. Kasama ko ngayin si Jack at katabi naman nya sila miss Henrietta at Mr.Gray na nakipaglamay.

Nasa labas ng simbahan yung mga kaklase namin at nakikisimpatya.

May narinig akong nagbubulungan na nakaupo sa likod.

"Bakit parang may tumatarget sa kanila no? Nung una yung kambal. Tapos ngayon si Hecarim naman" dinig kong sabi ng anak ng family friend nila Hecarim.

"What d'you mean?" tanong ng isa pa.

"What if si Heaven din pala yung pumatay sa kambal?" tanong ulit ng nauna.

"for what reason naman?"

"I don't know either"

Nagkatinginan kami ni Kerwin na alam kong kanina pa rin nakikinig.

"They have a point" sabi nito.

"But I don't think na si Heaven yung gumawa non sa kambal" Naniningkit ang matang dagdag nito.

---

Libing na ni Hecarim. Kasalukuyan syang ibinababa sa hukay nang may humintong Van. Binaba mula don ang nakaposas na si Heaven. Nag init yung ulo ko kaya bago pa sha tuluyang makalapit ay nilapitan ko na sya saka pinagsasampal.

"Walanghiya ka!! Ang kapal ng mukha mong magpakita dito!! Mamamatay tao ka!!" sigaw ko habang hinahampas sha, wala akong pakealam kung saan dumapo yung kamay ko. Inawat na ko ng mga nag aassist sa kanyang pulis, pati sila Kerwin nakiawat na.

"Hindi ko sha pinatay!! Hindi ko sha kayang saktan dahil mahal na mahal ko sya!! Sinusumpa ko kahit mamatay pa ko ngayon hindi ko sya pinatay, nacurious lang ako kung bat nya ko pinapapunta don pero pagdating ko don patay na sya!! Hindi ako yung pumatay sa kanya!!" Sigaw nito saka tumakbo papunta sa kabaong ni Hecarim na naibaba na sa hukay..

"Lumayo ka sa kabaong ng anak ko!! Walanghiya ka!!" sigaw ng mama ni Hecarim saka pinaghihila sa kwelyo si Heaven. Minabuti nalang ng mga pulis na ibalik na sa kulungan si Heaven.

---

Isang linggo na yung nakalipas, Hearing na ni Hecarim. May nagsasalitang witness ngayon sa harap, kasunod na rin kaming magsasalita.

"Ako po si Kai Nuñez, isa po akong command officer sa Camp. Ako po ay sumusumpang magsasabi ng pawang katotohanan lamang"

"Anong nakita mo bago nangyari ang insidente?" tanong ng prosecutor.

"after po ng event ng eskwelahan nila which is yung mga palaro po, nakita ko silang nagtatalo banda sa likod ng kitchen, dun po ko rumoronda that time dahil duty ko po yung area na yon."

"Narining mo ba kung amo yung pinagtatalunan nila?" Prosecutor

"Kundi po ko nagkakamali, gusto po ng babae na magkabalikan sila."

"Narito ba sa hukumang ito ang babaeng tinutukoy mo? Kung narito sya, maari mo ba syang ituro?"

"Sya po." sagot nung witness sabay turo kay Heaven.

Behind YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon