CHAPTER 2 : CRIME

3 0 0
                                        

Nasa likod ako ng bahay at nagbabasketball nang may makita akong dumaan.

"Seraphine!!" sigaw ko sabay labas ng gate

Pagabi na delikado dito sa subdivision namin.

Wala naman krimen pero delikado lang dahil maganda sha at baka maagaw pa ng iba.

"Oh!! Ikaw pala Kerwin." sabi nito sabay ngiti.

Hindi rin tuloy maiwasang mapangiti ako.

"*ehem!!* Ah, uuwi ka na?" tanong ko.

"Oo eh. Baket?" tanong nito.

Damn. Nahihiya ako.

"Ah, pupunta sana ko kila Hecarim. Magbabasketball kame. Hehe. Tara iuwi na kita--este ihatid na kita pauwi." sabi ko.

Natawa ito saka tumango sabay sabing.

"sige."

Gustong gusto kong sumigaw ng "yeeeeessssss!!!" pero di ko nalang tinuloy kase nakakahiya.

"May game kayo next week diba?" tanong ni Seraphine saka inayos yung buhok.

"ah, oo. Nuod ka ha?" sabi ko.

Napansin kong napakagat ito sa labi bago tumango.

"ah, uhm. May sinabi nga pala saken si Sammy." Bigla akong natigilan saka napalingon sa kanya.

"Anong sinabi nya?? Sinabi ba nyang gusto kita?? Haaayh!! Ang daldal talaga non. Yung mga conclusions nila na napag aralan naten kay miss Evergreen ginamit nila saken. Grabe--"

"Ah hinde, hindi nya sinabi yon. Ang sabi nya saken sa kanya nalang daw yung 400 na sukli. Pero--ano ulit yung sinabi mo?" sabi nya kaya ilang ulit akong napalunok. Hindi ko alam kung saan ako titingin.

Patay nasabi ko ba na.. Haaayh!! Dapat pala pinakinggan ko muna yung buong sasabihin nya e.

" A-Ano.. Kase."

"Joke lang yon diba? Kerwin?"

Yung puso ko. Ang bilis ng tibok.

"ano.. Kase, haaayh!! Oo na! Gusto kita. Matagal na." sabi ko sabay yuko.

Napakamot pa ko sa batok dahil hiyang hiya ako.

She let out a silent laugh again.

"I love you too." sabi nito saka ako tinapik sa balikat at pumasok sa gate. Ngayon ko lang napansin na dito pala kami sa tapat ng gate nila huminto.

Hala!

"tang ina talaga." sabi ko sabay hawak sa dibdib ko.

--

Kinabukasan ay sinalubong si Henrietta ng labindalawang sundalo sa gate na ikinagulat nito dahil kasama roon ay ang general ng militar.

"Miss Evergreen kilala mo ba kung sinong inagrabyado mo kahapon? Anak ko lang naman yung ipinahiya mo sa klase." seryosong sabi nito.

"Really? Teacher ako, so it's my duty to correct your child dahil sa nagawa nyang mali. Don't tell me kukunsintihin mo yon sir?" sabi ni Henrietta sabay tungin sa relo na nasa pulso nito.

" I should leave. I still have classes. Excuse me." sabi nito saka na sana aalis nang hawakan sha ng heneral sa pulso.

"Let go of me or I'll sue you.." Henrietta.

"Ano bang ipinagmamalaki mo? Teacher ka lang!" pigil ang sigaw ni General Del Vallé sa kanya.

"A teacher, and My future wife." sabi ng isang lalaking kabababa lang sa kotse na naghatid kay Henrietta.

Behind YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon